Chapter 25

392 11 0
                                    


Samara Torres

Hindi ko naintindihan ang mga nangyayari no'ng una not until I saw eight werewolves na pumaligid sa 'min. They all snarled at talagang nakakatakot silang tignan. Mga kalaban. Ang nakakapagtaka pa ay wala akong naamoy na kahit ano sa kanila. Mukhang hindi lang ako ang nagtaka, mukhang pati na rin sina Claire.

"Beta Andrei! We need back up!" rinig kong sabi ni Claire through the mind link.

"Anong nangyayari?!" tanong kaagad ni Andrei.

"May kalaban dito sa training grounds! Mukhang target nila ang Luna!"

Nakita ko kaagad si Jerson na tumakbo papunta sa 'min at inatake nito ang isang werewolf kahit na hindi ito nag-shift. Napanood ko itong binalibag ang kalaban bago itinapon sa ere kaya agad tumama ang kalaban sa pader.

"Samara?!" rinig kong sabi ni Aiden sa pack link. I want to answer pero para makapagsalita sa link, kailangan ng tamang focus but I don't have that right now dahil sa nararamdaman kong pagkataranta kaya si Claire na ang sumagot.

"Nandito siya and she's safe, Alpha."

"I'm still at the company. I'll be right there." Matalim na napamura pa si Aiden bago tinawag ang Beta. "Andrei! Go to the training grounds, double time!"

"Yes, Alpha!"

"Manatili ka lang sa likuran namin, Luna!" sabi ni Claire sa 'kin bago nag-shift ang ilang pack warriors into their werewolf form. Pati na rin si Jerson na umalulong pa bago sinugod ang isang kalaban. I wasn't responsive dahil sa napapanood kong labanan kung saan may mga nakikita na akong mga dugo. I already expect na may mga ganitong mangyayari kaya nga ako nag-training pero... iba pa rin kung talagang nasa aktuwal na sitwasyon na.

Hindi dapat ako tumunganga lang!

Nang makita ko ang isang pack warrior na nasa human form pa lang at nakagat ng isang werewolf sa braso, I immediately run towards him.

"Luna!" rinig kong sigaw ni Claire pero hindi ko na siya nilingon pa. I just ate my fear at walang pag-aalinlangang hinawakan ang ulo ng kalaban na kumagat sa kasamahan ko then I forcefully opened its mouth hanggang sa makatakas ang pack warrior. Nang makawala na ito ay saka ko na binitawan ang werewolf at itinama ang aking binti sa panga nito, causing it to whimpher. Saglit lang 'yon at nagka-recover ito kaagad saka hinarap ako. Inaasahan ko itong babawi pero bigla na lang itong natigilan. Then kasabay ng pagbaba ng tainga nito ay ang pagbaba rin ng ulo nito as if natakot lang ito sa 'kin.

Huh?

Pagkatapos no'n umalulong ito nang malakas at sinundan pa ito ng mga kasama nito. They just created a loud howl and... they did it for a reason.

Crash!

Malalakas na pagkabasag ng mga salamin ang umalingangaw sa paligid. Lahat na pala ng mga salamin ng bintana ng gym ay nabasag at kasabay no'n ay ang pagpasok ng puting usok. In a snap, lahat ng mga kasama ko ay isa-isang bumagsak sa lupa. Except for me at ang mga kalaban na werewolf.

"L-Luna... t-tumakas ka..." rinig kong sabi ni Claire na nakahiga na sa sahig at parang nanghihina.

"Claire!" sabi ko at astang lalapit sa kaniya pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw! Sinubukan kong galawin ang aking katawan pero hindi ko magawa. Kahit na ang mga darili ko ay parang nanigas na lang.

"Sa wakas at nagkita na ulit tayo..."

Matigas na nga ang aking katawan, mas nanigas pa ako nang marinig ang isang boses. Sunod ay biglang may yumakap na lang sa 'kin mula sa 'king likuran at bumulong sa 'king tainga. "Let's go back to where you belong, Emery."

Werewolf Series #1: Hidden MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon