Clashing Forces

4 0 0
                                    


Chapter Nine: Clashing Forces

Parang kailan lang, sumasakit ang buong katawan ko dahil sa pagkuskos ko ng sahig, sa pagbubuhat ng kung anu-anong mabibigat na kagamitan, at dahil sa iba pang gawain na alinsunod sa mga utos ng mga nakatataas sa akin. Ngayon, heto ako, hubad sa tabi ng Hari na kung yumakap sa akin ay para akong pinakamamahaling babasagin sa buong kaharian na hindi dapat mabitawan.

"Mahal..." Napadilat ako nang marinig ang boses ng lalaking nagpapainog ng mundo ko. Wala talagang sinlambing at walang sintikas.

"Bakit?" Naisaboses ko ngunit hindi na ata kailangan sapagkat nalaman ko na ang gusto niyang ipahawatig mula sa paglandas ng kanyang kamay sa aking balakang. Napatawa ako at kumubabaw na sa nangingiting pilyo. Nailing ako sa reyalisasyon na gumugusto na rin talaga ako. Makakatulog kaya kami?

Mukhang nakatulog naman sapagkat namalayan ko na lang uli ang sarili na nagigising sa mga tahimik na yapak ng mga tagapagsilbi. Nang lingunin ko ang kabilang parte ng kama ay wala na akong kasama.

"His Highness is currently with the Minister of War at the Main Hall, Your Ladyship." Napatango ako sa narinig at medyo kinabahan. Sana walang masamang mangyari.

Pinikit ko ang mga mata at ipinaalala sa sarili na walang magagawa ang kaba ko. Ang kailangan ay magawa ko ang sariling tungkulin. Sinimulan ko iyon sa pagsusuot ng sandalyas na ihinanda ng tagapagsilbi sa tabi ng kama kung saan ako mismo aapak pagkabangon.

Nakahilera pa rin sila sa paanan ng kama at naghihintay sa kung anuman ang naisin ko. Sa totoo lang, malapit na talaga mapanis ang laway ko. Kunsabagay ay hindi pa nila ako kilala kaya hindi siguro hindi nila alam na hindi ako nangangagat kapag kinausap nila ako. Nasaan kaya sina Ruth?

"We prepared the hot bath, Your Ladyship. We also made your breakfast at the balcony." Bumalik ang tingin ko sa kanila sa narinig.

Doon napagpasyahan ko nang mag-unat, at saka ko inayos ang kama sa kabila ng kanilang protesta. Nang matapos ay saka lang ako pumunta sa hapag. Para na naman akong nananaginip nang maalala ang nangyari kagabi. Duda ako kung walang mabubuo sa mga kaganapang iyon. Kinikilig pa rin talaga ako, oo.

Masarap talaga sa pakiramdam ang pinagsaluhan naming mga sandali dahil pakiramdam ko, may pagmamahal sa lahat ng segundong lumipas. Sinigurado niyang kumportable ako sa lahat ng ginawa namin at hindi niya kinalimutang pasayahin ako higit sa kanyang sarili.

Pinigilan ko ang sarili na ngumiti nang malawak pero wala. Talagang dama ko pa ang kuryenteng namagitan sa amin. Halos naririnig ko pa ang yanig ng kama at dama ko pa ang lambot ng mga tela na nakapalibot sa amin.

"Your Ladyship," Humahangos na sumulpot sa gilid ng hapag si Matron Audrey kaya natigil ang pagmumuni-muni ko at ang pagnguya ng almusal. Nang tingnan ko siya ay saka siya lumunok para muling magsalita, "Her Majesty the Queen is waiting at Her residence, asking for your presence immediately."

Dharma the DutifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon