chapter 1- Tymae Chua

243 1 2
                                    

Minsan naiisip ko may nagawa ba akung masama sa past life ko? para pagkaitan ako ni Lord o di kaya naman nasa labas ang nanay ko ng magpaulan ng kapangetan si Lord? hay,  dapat nagpayong si nanay eh  yan tuloy nagdurusa ako ngayon buhay nga naman parang life.

"Hoy Tymae anak wala ka bang balak bumaba dyan? "

Hay , nakakainis naman talaga Oh bakit ako pa ang biniyayaan ng kapangitan at katabaan sana yung aso nalang namin hay.

"Anyare dyan kay ate Tymae tay? "

"Hindi ko nga rin alam eh nakatulala na naman gisingin mo nga yan at pabuhatin mo na "

"GANYAN TALAGA ANG BUHAY ATE TYMAE KAILANGAN MO NANG TANGGAPIN NA PANGET AT MATABA KA.  IKA NGA MAG MOVE ON KA NALANG AND ACCEPT WHAT YOU HAVE "

"anak ng payong,  bat ba sumisigaw ka ha? hindi ako bingi " kayamot naman tong kapatid ko nagulat tuloy ako

"Hindi ka nga bingi,  pero tulala ka naman kanina ka pa tinatawag ni tatay buhatin mo na yung ibang gamit "

Ay nandito na pala kami,  naglilipat bahay kasi kami kasi dito na naman nadistino si tatay at mas malapit daw tong nilipatan namin sa university na papasukan ko.

Ako nga pala si Tymae 17 years of existing mag co-collage na ako,  may dalawa akong kapatid si Mark tsaka si ate Rachel magaganda at gwapo sila pati nanay at tatay ko ,ako lang talaga ang iba sa kanila dahil ako?  sobrang taba na nga ang pangit pa pero sa aming magkakapatid ako naman ang pinakamatalino kaya nga ako nakapasok sa isang prestige na university eh.

"Ate ano ba isang malita lang naman yang dala mo bakit ang  kupad mo pa rin? " ang kapatid Kung ungas

"Ikaw kaya magka-katawan ng ganito tignan natin kung makagalaw ka pa "

"No thanks nalang sayong sayo na yang katawan mo "

kung maka pang bully talaga tong kapatid ko wagas nakalimutan ata na mas matanda ako sa kanya wala man lang karespi-respito.

"Edi ako na tsk!"

"Ano ba Mark gumalang ka nga,  ate mo yang kausap mo " si nanay

Si nanay na Knight and shining armor ko kaya mahal na mahal ko yan eh siya yung tagapagtanggol ko sa tuwing inaapi ako.

Binelatan ko lang si Mark. hahaha

"Anak ok ka lang dyan kaya mo pa bang buhatin yan? "

"Ok lang po nay "ako

"Ano ba nay wag mo na ngang inaalala yang si Tymae sa laki ng katawan niyan yakang-yaka niya yan " si ate Rachel naman

Si ate Rachel na maganda at sexy at sobra akung na iinsecure sa kanya minsan, Si ate rin na lage nalang nagsusungit sakin.

"Ahh hehe tama si ate Rachel ma kayang-kaya ko to no "

"Ok sige anak ipasok mo nalang yan "

"ok ma"

Nag ayos lang kami ng mga gamit namin ngayon 2 storey yung bahay namin may tatlong kwarto lang kaya naman magkasama kami ni ate Rachel sa isang kwarto at si nanay at tatay naman ang magkasama while si Mark solong-solo yung kwarto niya.

"Kahit kailan talaga isa kang malaking asungoy sa buhay ko no? kung wala ka solong-solo ko sana yung kwarto ko ngayon pero dahil nandyan ka wala akung magagawa kung di makihati na naman sayo tsk! "

Tsk! ang sungit niya talaga kung ituring niya ako parang di kapatid. 

"Ahh.. sorry ate kung gusto mo sasabihin ko nalang kay Mark na dun nalang ako sa kwarto niya "

"tse, wag ka ngang paawa epek dyan kaya ka kinakampihan nila nanay at tatay ang galing mong umarte "

Gulo niya ah! ako na nga tong gumagawa ng sulosyon para masolo niya yung kwarto.  kung ayaw niya edi wag!

"Mga anak bumaba na kayo kakain na tayo " si nanay

Yehey ito yung pinakapaborito kung oras eh kainan time.

"Tara na ate baba na tayo para makakain " pag-aya ko sa kanya

"Mas mabilis ka pa sa kidlat pag kainan,  bumba ka dun mag-isa diet ako "

Ang arte mo te ikaw na nga inaaya eh,  hay! diet daw siya?  ang sexy na nga niya magdi-diet pa siya?  ako nga itong sobrang taba wala sa vocabulary yung diet.

"Ok sige baba naku ate kung maisip mo man kumain baba ka na rin " tas nag smile nalang ako sa kanya

Pababa na ako ng hagdan nakakalimang hakbang palang ako hinihingal na ako kasi naman ang bigat kasi talaga  ng katawan ko mga limang tao pag samahin katumbas ko.

"yung ate mo? " tanong ni nanay

"Diet daw po siya " sabi ko

"Si ate Rachel talaga, baka masobrahan sa kaseksihan yun dapat kasi ikaw ate Tymae ang nag di-diet maawa ka naman sa katawan mo " si mark

"Mark " sita naman ni tatay

"Hayaan mo na yang ate Tymae mo Mark kung ikakasaya niya yung pagkain edi hayaan na natin siya " si nanay

"nay'tay I love you talaga " ako

"sige upo kana anak "

Sa bahay namin lahat ng gamit ko iba yung upoan ko mas malaki sa kanila yung plato,  baso,  kutsara, tinidor mas malaki sa normal size.

Kumain lang ako ng kumain hanggang sa makalimang plato na ako pinabayaan nalang ako nila nanay, hehe kesa masarap kumain eh.

"burppp" busog na busog talaga ako

"ang sarap talaga magluto ng nanay ko kaya mahal na mahal kita nay eh hehehe "

"wag mo akung binobola anak hehehe "

"ang sabihin mo ate sadyang matakaw ka lang "

Nagulat kaming lahat kasi bumaba si ate Rachel tas umupo sa upoan niya.

"O anak Rachel akala ko ba diet ka? " si nanay

"Bigla akung nagutom kaya kakain po ako "

"Naku ate Rachel huli kana ubos na yung kanin tsaka ulam inubos na ni atr Tymae "

"Hala ate sorry " sabi ko

"anak ahm,  magluluto nalang ako ulit saglit lang " patayo na sana si nanay ng tumayo din si ate Rachel.

"Wag na po,  nawala na gana ko " tas umakyat siya ulit.  problema nun?  akala ko gutom siya.  si  ate talaga

300 POUND BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon