May nakita akong isang binibini
Hindi ko alam pero ako'y nabighani
Sa ganda ba naman nya'y sino bang hindi?
Sabayan mo pa ng napakaganda nyang mga ngiti
Kung alam nyo lang ang sayang aking nadarama
Magbuhat nang sya'y aking nakilala
Anong bang meron ka?
At hindi kompleto ang araw ko pag di ka nakikita
Naging magkaibigan tayo't ang buhay ko'y inialay
Sa tulad mong matagal ko nang hinihintay
Isang araw ika'y lumapit sakin
Nagtapat ka ng 'yong damdamin
Di ko inaasahan ang 'yong sinabi sakin
Sino bang mag-aakalang tulad ko ang 'yong mamahalin
Abot langit ang aking saya
Kung alam mo lang sinta, mahal na mahal kita
Buhat nang araw na yun
Nagkalakas loob na rin akong umamin
Ngunit parang nasaksak ng kutsilyo ang aking damdamin
Nang marinig ko sayo mismo
Na lahat ng 'yon laro lamang para sayo
At ika'y nagbibiro
Ako'y sobrang nasaktan
Di ka pinansin ng ilang buwan
At ako'y kinausap mo na lang bigla
'Sorry sa ginawa ko noon. Mahal na mahal kita Drei at walang halong biro to ngayon'
'Wala ka na sa puso ko', yan lang ang nasabi ko
Nakita kong umiiyak ka
Please lang itigil mo na to
Dahil ako'y nasasaktan na talaga
Tinignan lang kita habang paalis na
Parang natuod na ako
Sa kadahilanang nasaktan mo ako ng sobra
Kaya siguro hindi na kita nahabol pa
Nagdaan pa ang mga araw
At ika'y nakikita kong ngumingiti na
Di ko alam ngunit bumilis ng sobra ang tibok ng aking puso
Na para bang nagkakarerahan na mga kabayo
Nakikita ko na lang ang aking sariling umiibig muli sayo
Magandang binibini...
Kaya ika'y aking hinanap
Upang magtapat na muli
Ng walang atubili
Ngunit aking nabalitaan na wala ka na
Umalis ka na pala at ako'y iyong iniwan na
Magandang binibini...
BINABASA MO ANG
Book Of Ewan (POEMS NA EWAN)
De TodoWag nyo na pong basahin Itong gawa kong ewan ko lang San ba pupulutin? Kasi kung alam nyo lang Walang patutunguhan Itong ating pinag-uusapan Walang halong joke to Paninindigan ko kahit ano Kasi ang totoo Pinapangarap kong sana'y basahin nyo to O...