"M-mama *sob* M-mama" patuloy lang ako sa pag-iyak ng pag-iyak. Kung san-san nako nglalakad dito sa loob ng gubat ng di ko namalayan na may batang lumapit sa akin.
"Sino ka? bakit ka naiyak?" tanong sakin ng batang lalaki.
"A-ako si m-mia *sobs* h-hinahanap ko k-kasi ang m-mama ko *sob* d-di ko na matandaan *sob* p-pano bumalik sa p-party" sagot ko naman sa kanya.
"Ahhh, ako naman si Marco. Wag kang mag-alala, ihahatid na lang kita dun pabalik. Alam ko ang daan pabalik dun"naka-ngiting sagot sakin ni Marco.
"T-talaga?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Akong bahala sayo. Pero bago tayo bumalik sa party, pwede bang maglaro muna tayo?" yaya niya sakin.
" A-ano naman la-laruin natin?" tanong ko.
"Ahhhmmm..........Ah! alam ko na!" nakangiting sagot niya sakin.
"Nakikita mo ba yung swing sa may puno na yun?" tanong ni Marco.
"Yung gulong?" nagtataka kong sagot.
"Oo. Pero hindi lang yang simpleng gulong noh! Yan ang magic swing ko!" Proud at masayang sagot ni Marco sakin.
"M-magic s-swing? ano yun?" nagtatakang tanong ko.
"Dati kasi tuwing nalulungkot ako dinadala ako dito ni yaya. Sabi niya sakin sa bawat swing ko daw dito, unti-unti daw mawawala yung pagkalungkot ko" nakangiting sagot niya sakin habang unti-unti dinuduyan ang magic swing na sinasabi niya.
"Halika! Sakay ka dali! Para mawala na din an lpagkalungkot mo! Pramis masaya to!" nakangiting alok niya sakin sabay lahad ng kamay niya para matulungan akong sumakay sa swing niya.
"S-sige na nga" sabay hawak sa kamay niya.
"Oh, kumapit kang mabuti ah" sabay ngiti niya sakin.
"T-teka dahan-dahan lang ah. N-natatakot k-kasi ako" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Wag kang mag-alalala Mia. Simula sa araw na ito ikaw na ang princess ko at ako naman ang prince mo. Hindi kita hahayaang masaktan. Pramis yan!" sabi niya sakin habang nakangiti na abot hanggang langit.
Hindi ko na alam kung anong dapat kong i-sagot sa kanya ng sabihin niya yun sakin. Sa sobrang hiya ko hindi ko na siya matignan pa sa mata. Ngumiti na lang ako ng palihim at inenjoy ang magic swing niya.
Simula nang araw na iyon alam ko na may nagbago sakin. Sa tuwing nakikita ko siya, bumibilis agad ang tibok ng puso ko. At dun na nagsimula ang pagkahulog ko sa kababata kong si Jazz Marco.
—————————————————————————————————————————————-
I will update soon :)
Ito muna, patikim :)
HanSungMi ^^
BINABASA MO ANG
How to Risk It All
Любовные романыNagsimula kayo bilang magkababata. Hindi mo sinasadiyang mahulog sa kanya. Minsan akala mo ang lapit niya sayo. Pero ang totoo kahit anong pilit mo di mo pa din siya maabot. Anong gagawin mo kung ang payatot at iyaking kaibigan mo noon ay maging isa...