"Eli, alam mo? Hindi ko talaga alam kung anong nagbago sayo. Masayahin at napapatawa mo pa rin kami, mabait ka pa rin naman. Pero simula nagbreak kayo nung ex mo, may nagbago talaga sayo. Hindi ko lang talaga masabi kung ano." Bungad agad saakin ni Camilla.
Hindi ko sinagot si Camilla at nagpatuloy lang ako sa pagkain ng McFlurry. Ayokong sagutin ang tanong niya dahil wala naman akong napapansin na nagbago sakin. Ganito pa rin naman ako kaya hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.
Nandito kami ngayon sa Mcdo. Kakatapos lang kasi ng Prelims kaya napagkasunduan namin na kumain dito dahil confident naman kami na pasado kami sa exams. Next week lalabas ang final grade sa prelims kaya sa Jollibee naman daw kami kakain kapag maganda ang Final Grades namin.
"Tama si Camilla, Eli. Pansin rin talaga namin na medyo may nagbago sayo. Sorry pero kahit ako, hindi ko rin talaga masabi kung anong nagbago sayo eh, basta parang may kulang sayo." Sabi naman ni Gail.
Ngumiti ako bago sumagot sakanila.
"Nako guys, wala naman akong napapansin na nagbago sakin. Eto pa rin naman ako. Siguro naging mas matakaw lang ako ngayon, lalo na nung nalaman ko yung Alone Tea! Naging madalas na ako dun ngayon dahil ang mura at ang sarap talaga ng Milktea. Kasalanan mo ang pagtaba ko, Camilla." Sabay irap ko sakanya."Seriously, Eli. Magsabi ka samin kung ano man ang problema. Nandito kami para damayan ka. Kahit ano pa yan." Sabi naman ni Aliana.
Napangiti ako sa sinabi niya. Sa kanilang lahat ay si Aliana ang medyo nakakaintindi sakin. Hindi niya ako pinipilit kapag ayaw kong sabihin ang isang bagay. Madalas din niya akong tinatanong kung kamusta na ako kapag nakikita niyang tahimik ako.
Siya rin ang nakakita saakin kung paano ako umiyak sa bakanteng classroom noong mga panahong— "Guys! Hindi naisama yung burger ko sa order! Sinasabi ko na nga ba Nikita! Kinuha mo nanaman ang 45 pesos ko! Ipangloload mo nanaman ng GIGA50 yan!" Sigaw ni Camilla kay Nikita at sinabunutan pa ito.
Napangiti nalang ako dahil kahit ganyan sila ay hindi natitiis ni Camilla si Nikita.
