Part 1

21 2 3
                                    



Dedicated po sa isa pang witness nung pagkabuo ng title na ito :D




~

Ma'am , to get the total resistance in a series circuit ... simply add the value of R1, R2, R3 and so on, the sum would be the total resistance of the circuit." Si Eunice yan, top 1 sa klase namin. Running for Valedictorian, maganda, matalino, mabait, responsable, sexy :D ... lahat-lahat na ata ng magagandang katangian eh nasa sa kanya na.



"Mr.Cordero, can you explain to me the formula for Ohm's law?" ayan, ayan nanaman ... ako nga pala yang


Mr.Cordero, Josh Isaac Cordero. Kung si Eunice top 1, ako naman ang last. Oo, seryoso yun... pero sa section lang naman namin.



"ahh .. ehh , Ma'am, Ohm's law po ? ahhh ... Ma'am absent po ako kahapon eh." ayos sagot ko di ba -_- . Nahiya yung sagot ni Eunice *note the sarcasm please*




"You're absent ... I know, but I expect, since you belong to the top sectiopn of this year's graduating class ... you'll ask your classmates about the discussion yesterday and atleast exert an effort to follow up, right? Sige, sit down."

Tss. napahiya nanaman ako sa harap niya, nubayan!





Tumingin ako sa gawi niya ... Nakatingin siya!! Shet naman oh, minus pogi points.Tsk.tsk. Yung expression niya di ko maintindihankung nang-aasar o nang-iinis eh. Basta ang alam ko parehong nakakabad shot yun. Pero naiintindihan ko naman siya ... laki ng galit sakin nyan eh.



OO, Galit as in GALIT. bakit?? well , let's just say na ano ... ahmm .. Ex ko siya? Yes, Yup, Oo, Tama ... tama ka ng pagkakabasa. Ex niya ako at Ex ko siya, ex-girlfriend ha. At gaya ng ibang mga mag-ex, hindi kami maayos o 'friends' .



Hindi man kapani-paniwala, ako ang nakipagkalas sa kanya. Biruin niyo, isang gaya ko na AVERAGE LANG sa halos lahat ng bagay eh may lakas ng loob na makipaghiwalay sa isang Eunice Joy Loyosa. Ewan ko, tanga ata talaga ako, sobra...



(PAGBABALIK-TANAW//3rd year HS)


" Isaac, ayos ka lang ba? Wala kang kibo dyan." JS Prom namin ngayon, at heto kaming dalawa nagsasayaw.


Grabe... napakaganda niya talaga. hayy, nakatitig lang ako sa mukha niyang punong-puno ng... tuwa?


Tuwa nga kaya ang nararamdaman niya?



'Perfect', alam kong OA pero yun talaga ang dating niya sa akin eh. Maraming nagsasabi na hindi daw kami bagay, mga kaibigan niya, kaibigan ko, kahit mga magulang niya ayaw sakin eh ... BOBO daw kasi ako, hindi rin naman ako gwapo ... wala daw mapapala sakin si Eunice. Yan ang sabi sakin ng mga taong nakapaligid samin, wala naman akong pakialam sa sinasabi nila eh. Wala, hanggang sa ...

Bakit Walang Period ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon