Part 2 [ LAST ]

13 2 1
                                    






Last part :D


~


"Ui tol, ano tutunganga ka nalang dyan ? uwian na hoy. Wala na si Eunice dyan oh, bilisan mo na... kanina pa naghihintay ang ate mo sa labas." Di ko napansin natulala pala ako sa side ng upuan ni Eunice.




Nung lumabas ako ng room, nakita ko si Eunice... may kasamang lalaki, at buhat pa talaga yung bag niya huh ?! Tss. Boyfriend niya ba yun? Imposible!



Never na kasi siyang nag-boyfriend after namin. Naging masungit na rin siya sa mga lalaking gusto o nagpaparamdam na manligaw sa kanya.



Tatakbo na sana ako palapit sa kanila pero napigil yun nung may humila sa buhok ko.



"Aahhh! Arouch!" paglingon ko ...




"Irene, ano ba ?! bitaw nga !" Ate ko yan, sadyang wala lang akong galang minsan ...


"Oh, anong gagawi mo ? lalapitan mo ? bakit ? pinakawalan mo na di ba ? magtigil ka ! Tara na." Walang imik naman akong sumunod kay ate.





Hanggang sa byahe pauwi eh hindi siya tumigil sa pagsesermon . Kesyo ang tanga-tanga-tanga ko daw. Take note, 3 yun ha.




"Ikaw ang nang-iwan tapos ikaw ang maghahabol ? Nasaan ang logic dun lil bro ?! Mahal mo pa pala, dapat pinaglaban mo, hindi yung halos isang taon kang nakatanga. Tss. Umayos ka nga!" Matapos sabihin yun, umalis na siya at naiwan akong nag-iisip ... at naguguluhan.




~



Matapos ang nasaksihan kong ka-sweetan ni Eunice at nung lalaki, lagi na nyang kasabay umuwi yung lalaking yon na hanggang ngayon di ko kilala. Mula din noon cease fire na kami ni Eunice. Ewan ko kung bakit pero bigla nalang siyang tumigil sa pang-aaway sa akin. Hindi naman siya bumait pero di rin masama, casual lang lang. Kaya naman... di ko na rin siya ginulo mula noon.




Ang kaso, pesteng ako! hinahanap-hanap ko yung pang-aaway niya. Mas gusto ko yun kaysa yung ganito, parang di kami magkakilala. Pero, wala akong magawa ... gaya nga ng sabi ni Irene, walang logic. Sa madaling salita, wala na talaga... wala akong karapatan , yun yun yung pinakamasakit isipin eh.

Bakit Walang Period ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon