Chapter 5 - The secret garden

170 3 0
                                    

Chapter 5

Annika's POV

Hmmm..

Minulat ko ang mga mata ko at.. Nasa Hospital ba ako?? No. Para naman hindi e. I think nasa clinic ako ng school.. Lesheng swimming pool naman kasi! Aish.

Tumayo ako at palabas na sana ng pumasok ang isang nurse. Bata pa sya. Baka nasa mga 20+ pa lang.

" Oh, ayos ka na ba? " nakangiti nyang tanong sakin.

" Ah. Yeah. Im fine. "

" Mabuti naman. Mga 2 and a half hours ka din nakatulog ah. Yung mga kaibigan mo naman pinabalik ko na sa klase nila. May masakit ba sayo? Ulo mo? "

" Nothing to worry about po. Im fine. Sige po, alis na ko. Thanks nga po pala. " nakangiti kong sabi.

" Welcome. :) "

Nasa corridor na ko ng. " Ay. Miss! " paglingon ko, si ate nurse  pala.

" Bakit po? " 

" Ah. Nakalimutan kasi to nung lalaking nagbuhat sayo papunta dito sa clinic. Nakalimutan nya ata nung nagbihis sya. " lalaki? Sino kaya?

" Ahh. Alam nyo po ba name nya? "

" Nako. Di ko natanong e. Pero matangkad sya na maputi at gwapo pa!  " hala? Kinikilig si ate nurse?? But, based on her description, I think its either Dean or Migz. Oh well, malalaman ko din naman mamaya.

" Ah. Ok. Sige po. " at iniwan ko na sya.

Haysss. Maglilibot na nga lang muna ako. 45 mins pa bago magbell. Nakakahiya naman kung bigla-bigla na lang akong susulpot sa klase.

Malayo-layo na din ang nalibot ko at nandito ako ngayon sa likod ng campus. Maluang dito at madaming puno. Sarap din ng hangin, at ang gandang gawin tambayan. Naglakad din ako papuntang gilid ng campus at may nakita akong nakapakong plywood ata yun sa isang puno kung saan may nakasulat na: PRIVATE PROPERTY. Bawal ang mga trespassers.

Hala. Damot naman. -.- At dahil sa ako ay isang dakilang pasaway, naglakad ako paloob. Para syang gubat e. Masukal. Ano ba kasing meron dito at nakaprivate pa? E puro mga puno at damo lang naman ang nandito. Naku.. Paano kung may babay-ramo dito? O kaya mga poisonous snakes? Paano kung may mga tigers at lions din dito? Hala! >.< Makabalik na kaya? Di pa din naman ako nakakalayo e..

Pero, ewan ko ba dito sa mga paa kong to at ayaw sumunod sa utak ko at sa halip, nagdirederetcho pa ko ng lakad.. Hala naman. Baka mamaya, may mga cannibals pa dito. Ayy! Ano ba yan Annika! Kung ano-anong kagagahan na naman ang nasa isip mo! Hala! Nako Annika, happy thoughts happy thoughts! Mga 10 mins na din ako naglalakad at malayo-layo na ko sa campus. Habang nagtatagal, may nakikita akong liwanag sa dulo ng dinadanaan ko. At dahil sa curious na curious na talaga ako, tinakbo ko na, then....

O.O.  WOW. Ang ganda. Hidden garden ba to? >.< May mga flowers na may iba't-ibang kulay. Tapos may mga puno din pero hindi sya masukal tingnan. Ganda nga e. Ang peaceful at ang sarap ng simoy ng hangin, nadadala ang amoy ng mga bulaklak. Tapos sa dulo may maliit na bahay pero hindi bahay kasi open, no windows, no doors. Ayy. Basta! Di ko alam tawag e. >.<  Tapos sa likod nung bahay, may bridge tapos may pond sa ilalim.. Grabe! Ang ganda talaga. Tapos may mga isda pa sa pond. Ang cute!  >o<

Kahit private pa to o ano, gagawin ko tong personal tambayan. Tama! Wala akong paki kung trespasser man. Ang ganda kasi dito. Hayss. Sana naman wag magalit sakin ang may-ari nitong lugar na to. Wala naman akong gagawing masama dito e. Tatambay lang. :D

Pumasok ako dun sa maliit na bahay at naupo doon. Ang arap talaga ng hangin dito. Nakakarelax at nakakaantok.

*yaaaawn* Pipikit lang ako ng saglit. 10 mins lang. Promise.... -.-zzZZZ

Restart My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon