A/N: Ito po ang pinaka-una kong nagawang one shot.
One shot:
Pababa pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na agad ang ingay na nanggagaling sa sala. Mukhang masayang masaya na naman ang prinsesa ko.
Niyaya niya akong pumunta sa parke ngayon upang mamasyal at pumayag naman ako.
"Mommy! Mommy! Punta na po tayo sa park." Nasasabik na saad nito.
"Sige na nga. Pero sandali lang at tatawagan ko muna ang daddy mo para alam nya kung nasaan tayo." Ani ko at tumango naman Ito sa akin.
Nakadalawang tawag pa muna ako bago sagutin ng Asawa ko ang kanyang telepono. Mukhang may ginagawa yata siya ngayon.
"Oh, hi wife. Bakit ka napatawag? May kailangan ka?"
"Magpapaalam lang sana ako."
"Why? May pupuntahan ka? Gusto mo bang tawagan ko si mang goryo para ihatid ka?"
"Wag na, Kaya ko na naman magdrive. Ipapasyal ko lang naman itong si daisy sa malapit na park dito." Ani ko ngunit isang malalim na buntong-hinga lamang ang sagot nito.
Dumaan ang ilang minuto bago siya muling nagsalita.
"Sige." Aniya.
Magsasalita pa sana ako ng patayin na nito ang linya.
"Mom, are you okay?" Tanong ng anak Kong si daisy.
"Oo Naman. Tara na." Ani ko at nagpilit-ngiti sa kanya.
Nang nasa Parke na kami ay Wala kaming ginawa kundi ang mamasyal at magpakasaya na para bang Ito na ang huling beses na magagawa namin ito.
"Mommy" tawag sa akin ni Daisy kaya't napabaling Ang tingin ko sa kanya.
"Bakit anak?" Tanong ko rito.
"Alam mo ba mommy. Naiingit ako sa ibang mga bata." Malungkot na saad nito.
Parang pinipiga at pinipiraso- piraso Ang puso ko tuwing nakikita kong ganyan kalungkot Ang anak ko.
Kaya kahit parang Hindi na ako makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay tinanong ko pa Rin siya kung bakit.
"Kasi po yung ibang mga bata ay Kaya pa rin nilang magtagal sa mundong ito."
"Gaya po nila" turo Niya sa mga batang naglalaro na kasama Ang mga magulang nila.
"Mommy, kailangan mo na rin pong tanggapin na Wala na talaga ako. Ayaw ko pong nakikita kayong nahihirapan at nasasaktan ng dahil sa akin. Mommy palayain mo na po ako." Umiiyak na saad ng anak kaya't tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Ka-kapag ba, ginawa ko Yun anak. Magiging masaya ka ba?" Tanong ko rito habang lumuluha at tumango naman ito sa akin.
"Ku-kung ganon. Pinapalaya na Kita anak. Ikamusta mo na Lang ako sa Lolo at lola mo ha." Lumuluha Kong saad rito.
Ngumiti Ito" sige po. Sana maging masaya kayo mom kahit wala na ako." Ani nito at nakita ko na lamang na unti-unti na itong kinukuha ng liwanag.
Napapikit ako sa sobrang silaw na nararamdaman.
Nang buksan ko ang aking Mata ay wala na ang aking anak at ang nakikita ko na lamang ay Ang mga taong abala sa paligid.
Nang maalala ko Ang nangyari noong 2 years ago ay mas lalo akong napahagulhol.
Birthday Niya noon ng namasyal rin kami dito sa mismong parkeng ito. Imbes na magdiwang kami dahil kaarawan niya, nauwi Ito sa pagluluksa at pagdadalamhati.
At Alam Kong kasalanan ko ang lahat. Kung binantayan ko lamang siya ng maigi, edi sana hindi siya nasagasaan noon. Edi sana buhay pa siya at kasama ko ngayon.
Maya maya'y naramdaman kong may dalawang bisig na yumakap sa akin.
"Shh, don't cry wife. Kung nasaan man ngayon ang anak natin. Sigurado akong masaya na siya dahil sa wakas ay pinalaya mo na siya." Aniya kaya't Yinakap ko siya ng mahigpit.
"Kahit mahirap. Sububukan kong maging masaya kahit, Kahit Wala na siya."
The End
YOU ARE READING
My one shots and poems
PoesíaDito ko po balak na ilagay ang lahat ng mga ginawa kong one shots and poems.