his POV

13 0 0
                                    

Ian's POV:

"T-talaga!? Masaya ako para sa'yo!" bahagyang nawala ang mga ngiti ko pero ibinalik ko rin. Parang nabagsakan ako ng langit! Ilang taon akong naghintay para masabi to sa kanya, pero ayaw kong mamili siya kung sakali. Ayaw kong mahirapan siya dahil sa akin. Ano ba tong iniisip ko, hindi na siya mahihirapan pang mamili pa sino nga ba naman ako kumpara sa crush niya ng halos apat na taon!? Bestfriend lang naman kasi ako.

Bigla nalang akong natauhan nang..

"AAArraay! bakit ka ba nanakit ha!?" Pagalit kong sabi, siguro dahil narin sa sakit na nararamdaman ko emotionally ang physically. SO GAY! YUCK!

"sorry, kasi ikaw eh!! natutulala ka na lang ng bigla dyan!" grabe tong babae to siya pa nga ang may kasalanan siya pang may ganang magalit.

Hindi ako umimik, AWKWARD SILENCE.

"a-ano na pala ang sasabihin mo Ian?" -Irene 

"uhm, a-ano.."-ako

ano bang sasabihin ko!? Bwiset! wala akong maisip na palusot!

"baka sa States na ako mag ka-college" ayun nalang! Atleast pwede pang totohanin yan! para narin makalimot kung sakali.?

"ANO!??iiwan mo'ko?"

"oo, parang ganun na nga, eh may Karl ka na eh, kaya I'm happy that someone would look after you when I'm gone."

"akala ko pa naman masaya ang sasabihin mo sa'kin!"-Irene. Tears were falling on her pink     cheeks. Maski ako hindi ko kayang umalis. Pero wala na eh, nabigo na ako sakanya, baka sakaling pagtagpuin pa kami kung talagang kami para sa isat-isa.

Ngayon ko lang siya nakitang umiyak, promise! eh astigin yan eh! gusto ko siyang yakapin pero parang may pumipigil sa akin, baka hindi ko na kayang umalis ngayong Summer papuntang States pag niyakap ko siya,baka mas lalong di ko siya makayang iwan.

Little Things :)  (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon