Last Chapt.

7 0 0
                                    

Ian's POV:

Ilang week kaming hindi nag-usap ni Irene simula noong araw na iyon. Siguro nagtampo sa akin kaya hindi man lang nag text. Ako rin parang di ko alam kung paano siya e-text. Siguro sila na ni Karl, kasi nababalitaan kong nagpupunta daw si Karl kina Irene.

beep.beep.beep. >>a/n phone yan, hehe. sorry palpak ang sound effects ko<<

1 message from JC

JC: Ian isusuko mo nalang ba si Irene!?

ako: ano pa nga ba? wala nang pag-asa eh! Sila na ni Karl!

JC: TANGA KA PARE!! hindi sila noh! hindi pa sinasagot! ang tanga mo di'ba sabi sa'yo ni Irene NANLILIGAW ibig sabihin HINDI pa sila!!! Kung hindi kapa naman bobo!

      nabuhayan ako sa nabasa ko! oo nga no! ang bobo ko talaga! tss! haha!

ako: sige na! ikaw na matalino! so... anong gagawin ko?

JC: bro okay ka lang? ikaw ang pangalawa sa ranking ng batch natin!? ta's ako tatanungin mo na last sa batch natin!? haha! ayos ah! :P

ako: g*go ka! pero sa totoo lang hindi ko talaga alam

JC: balita ko ininvite ni Karl si Irene na lumabas..mamaya daw alas 5 sa "My Mall" balita ko doon niya tatanungin ulit si Irene kung pwede bang maging girlfriend na niya siya.

ako: g*go yun ah! tsaka! ayus ka din noh!? talo mo pa babae sa chismis

JC: ako pa! sige na kumilos ka na dyan!

OO nga!! dapat na akong magtapat baka sakaling gusto niya rin ako, magbabasakali nalang ako, bahala nang masaktan ako.

-My Mall, 5:00 pm-

naglalakad na ako ngayon sa mall hinahanap "sila". Nagsimula na akong mataranta! Baka nangyari na ang kinatatakutan ko. Baka sinagot na niya si Karl! HIINDI PWEDE!!!

takbo

takbo

takbo

*boogsh*

bwiset! may nabunggo akong babae! ang tanga naman! kitang nagmamadali ako eh! Pareho kaming natumba sa sahig in opposite directions. gets?

tumayo ako 

"ano ba! alam mo ba....." napahinto ako nang mapagsino ko kung sino ang nabunggo ko.

tinulungan ko siyang tumayo at niyakap ko siya.

"na miss kita bestfriend" -Irene

"Irene may sasabihin ako sayong importante" tiningnan ko siya mata sa mata.

"a-ano yun?" -Irene. halatang kabado siya 

"Irene, gusto kita! noon pa! hindi ko nga alam eh! pero baka nga mahal na kita! kaya lang nang sinabi mo yun sa akin na nanliligaw na si Karl sa'yo nawalan ako ng pag-asa at sinabing aalis nalang ako. Sorry kung natagalan ako sa pag-amin sa'yo, natakot lang kasi ako. Ayan at nasabi ko na yan sa'yo, pwede ka nang pumunta sa date ninyo ni Karl. .."-ako

"per....."-Irene

"Pumunta lang ako dito para sabihin sa'yo yun'....."

"tek..."-Irene

"Patapusin mo kasi ako! Ang kulit eh! hindi pa ako tapos sa pagsasalita!"-

"Ang kulit mo rin eh! pakinggan mo rin kaya ako!"-Irene

"patapusin mo nga kasi ako!"

"sige"-Irene

"Hindi ko na hinihiling na magutohan mo rin ako, gusto ko lang malaman mo yung bagay na yun."

"Tapos ka na!?" nakangiti niyang sabi. NAKANGITI? shes not taking this seriously! tss!

"Ba't nakangiti ka dyan!?"

"Sino bang may sabing may date kami ni Karl? eh binasted ko na yun!"

"TALAGA!?" masaya kong sabi, pero teka, sabi ni JC.. tsk! ang panget na yun! 

"ba't andito ka?"-ako

"sabi kasi ni JC na manlilibre siya ngayon!"-Irene

Ungas na lalakeng yun!! Makakatikim talaga yun sa'kin!

"Totoo ba yung sinabi mo sa akin?"-Irene

"alin dun?" -ako

"yung sinabi mo!"

"marami akong sinabi eh kanina eh! sa'n dun!?"-ako

"tss! yung mahal mo ako!?"

"may sinabi ba akong ganun!?wala ah!"

"tss! BWISET kA!" pasigaw na sabi ni Irene tapos tumaliko at aakmang aalis na sana pero hinawakan ko ang braso niya.

"Irene naman eh! di na man mabiro! oo totoo lahat yun!"

ngumiti siya sa akin

"ba't ngayon mo lang sinabi yan! TORPE! eh matagal ko nang hinintay na sabihin mo yan! tapos ngayon pang aalis ka na!" bigla naman nawala ang ngiti niya sa sinabi niya.

"haha! hindi naman ako aalis eh"

"talaga!?" masaya niyang sabi

"gusto mo rin naman pala ako eh! so ta'yo na!?"

ngumiti siya at tumalikod tapos naglakad??

"Irene! ano na!?"

"swerte mo rin ano! syempre ligawan mo muna ako!"

"yun lang naman pala!"

-ENd!-

A/N : walang kwenta na kwento neways ginawa ko lang to dahil gusto kong mabasa ito ni "someone", parang ganito ang situation nila eh, pero hindi ko sinasabing walang kwenta ang kwento "nila" ha!? ang pagkakagawa ko ang walang kwenta :D.Salamat sa pag read kung meron mang nagbasa! :D. Iba talaga pag love kahit ang pinakamatalinong tao ay nagiging bobo. pasensya na! eto lang nakayanan ko. :D

Little Things :)  (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon