CHAPTER 6

3.9K 87 0
                                    

Chapter 6

WALA na...

Maliwanag pa iyon sa sikat ng araw. Parang sirang plakang paulit-ulit ang mga salitang iyon na binitiwan ni Lake.

Napapikit muna siya ng mariin upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang mahulog.

"Raffa," pagtawag sa kanya ni Lake.

Nasa loob na sila ng kotse nito. Pinag-usapan nila ang magaganap na kasalan pagkatapos ng kanilang dinner kanina. Halos wala siyang maintindihan dahil sa lumilipad niyang diwa.

Ngayon nama'y ihahatid na siya ni Lake sa unit ni Raffa na kanyang tinutuluyan. Pag-uusapan na lang daw ang ibang detalye ng kasal sa isang araw.

"Bakit ka pumayag na magpakasal sa akin?"

Natigilan ito, maya-maya'y nakabawi rin. "Kung inaakala mong dahil lang sa iisa ang mukha ninyo--"

"Isn't it?" Umaasa niyang tanong.

Nagulat ito sa tono ng pananalita niya.

"Forget it. Take me home, please. Inaantok na ako." Pakiusap niya at pumikit na. Nararamdaman niya ang pagtingin-tingin sa kanya ni Lake habang nasa biyahe sila.

Minulat niya ang mga mata at nahuli niya ito.

Hindi naman ito mukhang nahiya dahil nahuli niya ito. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang phone sa pouch bag at nagtype ng message para kay Gella. Gusto niya itong maka-usap. Sinabi niya dito kung saan sila pwedeng magkita.

"Don't bother yourself to accompany me in my room." Sabi niya nang nasa harap na sila ng condominium building.

"Why?" Nagtatakang tanong pa nito.

"Wala naman." She said flatly.

Sinulyapan muna siya nito bago bumaba ng sasakyan. He opened the car's door for her.

"What's bothering you?" Tanong nito habang inaalalayan siya.

She swallowed. "C-Can you ... can you k-kiss me?"

Napangiti ito. "O-Of course. You're my girl and soon to be my wife." He bent down. Nang malapit na ang mukha nito sa kanya ay bigla itong natigilan. He looked into her eyes.

Siya na ang kusang humalik dito kahit sobra siyang kinakabahan. She smiled.

One thing is for sure. Hindi ito sigurado kay Raffa. Nag-atubili pa itong halikan siya.

Napangiti siya sa isiping iyon.

"WHAT now?" Kaagad na tanong ni Gella nang matapos nilang um-order ng inumin.

Pagkaalis ni Lake kanina ay kaagad niyang tinawagan si Gella para sa kanilang pag-uusap. Natagpuan nila ang sarili na magpalipas ng gabi sa isang kilalang bar dito sa Pinas. Hindi na kasi niya maintindihan ang nararamdaman kanina sa dinner pa lang.

"We had dinner and I'm thankful hindi naman siya nakahalata." She let out a deep sigh. "I'm not sure if he's really inlove with my twin sister." She continued.

"Really? How's that?"

"I grabbed him for a kiss when he finally entered Raffa's unit earlier." Panimula niya sa pagkikwento. Medyo nahihiya pa siyang umamin pero ito lang ang pwede niyang maka-usap.

Gella's eyes widened in surprise. "You really missed him, huh?"

"I can't control myself. He is handsome, tall, big, and... s-sexy. He is more so now." Parang hibang niyang sabi dito.

Twin Switch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon