CHAPTER 9

3.9K 72 1
                                    

Chapter 9

RAFFA

"EAT that." Inilapag nito sa kanyang harapan ang paperbag ng pagkain. Sumisingaw pa ang mabangong amoy niyon.

Biglang kumalam ang kanyang sikmura. "Thanks."

"It's from the boss. Don't thanked me."

Napangiti siya. "Humahaba na ang mga salita mo, ah." Pagpuna niya. Simula nang kausapin niya ito ay nagiging palasalita na ito. Iyon nga lang, puno ng coldness ang tinig nito.

"Just eat your food. 'Wag ka ng madaldal diyan." Suplado nitong sabi.

"Hmm... join me."

Diretsa siya nitong tiningnan. Sinusuri kung seryoso ba siya.

"I'm serious and please take off your mask. Didn't you think it's a nuisance?"

"Huwag mo akong pakialaman."

"Fine. I really don't know why are you so cold. Pwede mo namang i-share sa akin kung may dinaramdam ka. Ang mga katulad mong may ganyang... ka-seksing lips ay dapat laging nakangiti," she said while wiggling her brows.

Ibig niyang magtatalon sa tuwa nang tumaas ang sulok ng bibig nito. Napangiti niya ito!

Unti-unti ay kukunin niya ang loob nito. Kailangan na talaga niyang makaalis sa lugar na ito.

GINISING siya ng pagtunog ng kanyang cellphone sa ibabaw ng bedside table. Sinulyapan niya ang wall clock doon. Alas-dos pa lang ng madaling araw.

Tiningnan niya sa screen kung sino ang tumatawag at nambubulahaw ng ganoong oras. Bigla ay may bumalot na kaba nang makita ang nasa caller ID.

Nagising ang kanyang naaalimpungatang diwa. "Yes, Julie. Is everything okay?"

"Ma'am, hinahanap ka ho ni Vida. Ayaw paawat sa pag-iyak." Nababahalang pagbabalita ng kanyang tapat na kawaksi. Isa rin itong Pinay na nagtatrabaho sa kanya.

"Julie, hindi naman ako makakalipad diyan kaagad. Sige na, mag-alibi ka na lang ulit. Tell her, uuwi ako diyan... so soon." Nahihirapan niyang sabi dito.

"Sige ho."

PINUNTAHAN niya si Lake sa unit nito upang magpasama sa pagbibigay nila ng mga wedding invitation.

Naka-ilang pindot na siya sa doorbell ngunit wala pa ring nagbubukas. She tried again.

Nagulat pa ito nang mabungaran siya. He was topless at ang tanging suot nito sa ibaba ay isang maliit na puting tuwalya. His hair was messy, too. Halatang kagigising lang.

"C-Can I come in?"

"Raffa..." He said huskily. Tila atubili siyang papasukin.

"Lake, pwede na ba nating ituloy --?"

Naputol ang sasabihin ng babae nang masilip niya ito sa loob. Maging ang babae ay nagulat.

Pinaglipat-lipat niya ang tingin kay Lake at doon sa babae. Naka-puting bestida lang iyong babae na halatang nakipagtalik sa kanyang fiancé. Magulo rin ang buhok nito.

"Wow. I'm really surprise." She said sarcastically.

"Raffa, let me explain --"

"No need. Maliwanag pa sa sikat ng araw na babae mo 'yan!" She squared her shoulders and stormed out of his sight.

Parang sinasaksak ang kanyang dibdib dahil sa sakit na nararamdaman. Nagloloko pala si Lake nang hindi niya alam. Did Raffa knew about this?

Siguradong hindi, dahil kung alam iyon ni Raffa ay hindi na nito magagawang ituloy ang pagpapakasal kay Lake. She knew Raffa, kahit pa nga papalit-palit ito ng boyfriend noon ay dahil lang sa naghahanap ito ng tamang lalaki para dito. Kapag nalaman nitong may ibang babae ng involve sa nobyo nito ay kaagad nitong hinihiwalayan.

Twin Switch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon