Naalimpungatan ako dahil sa mga alulong ng mga wild creatures at ngayon lamang ito nangyari. Ramdam ko ang kanilang pagkabahala at galit sa mga mage na walang hiyang pumasok sa teritoryo namin.
Hindi na ako nag abala pa na gisingin ang mga kasamahan ko ngunit nagising ko ang katabi kong matulog dahil na rin bumalikwas lang ako bigla. Hindi ko na siya pinagtuonan ng pansin dahil alam naman na siguro niya kung bakit ako nagmamadali ngayon.
Narating ko ang lugar kung saan nangagaling ang ingay at doon ko nadatnan si ina na pinagtutulungan ng tatlong mage. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tinulungan ko si ina.
"Why are you still here?!"
Sigaw na tanong ni Ina sa akin sabay hampas ng kanyang katana sa likod ng kalaban."Dahil nandito ka ina, hindi kita iiwan dito."
Sabi ko sa kanya at pinagana ko ang kapangyarihang tubig. Ngunit bago ko pa man gawin yun ay pinalamig ko na muna ng unti unti ang katawan mga lapastangan na ito kung kaya ay saglit silang natigilan.
Napatingin sila sa aking direksyon na may mga matatalim na titig. Tss, as if I'm scared.
"Sino kang mapangahas na gamitan ako ng iyong kapangyarihan?"
Natawa na lamang ako sa kanyang tinuran. Really?! Hindi niya alam.
"Ikaw at kayo ang walang hiyang inistorbo ang katahimikan ng aming tahanan, kung kaya ay wala kang karapatan na tawagin akong lapastangan. Hindi niyo ata nalalaman ang mga pinagbabawal na gawain dito sa ating mundo."
Malumanay man ang aking pagkakasabi ngunit ramdam dun ang panganib.
"I-isa ka lang bata kaya 'wag kang magmarunong!"
Napangisi naman ako at binalingan ng tingin ang aking ina na tahimik lamang.
"Ina, maaari bang sa unang pagkakataon ay ako ang magbigay ng kaparusahan sa mga ito?"
Tumango si ina bilang kanyang pagsang-ayon.
"Isa lamang ang aking tanong, kayo ay binibigyan ko ng pagkakataon na umalis at huwag na kaming hamakin pang muli o paninindigan niyo ang inyong pagpunta rito?"
Nagkatinginan naman ang tatlo tila ba ay nag-uusap sila sa kanilang mga mata.
"Do you think we are coward? No! We're not going to turn our back to our unfinished business!"
Napataas naman ako ng aking kilay. Sila na ang nagdesisyon noon at wala na akong magagawa pa.
"Okay."
Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanila bago ko man simulan ang aking pagpaparusa sa kanila.
Tinaas ko aking isang kamay at inusal ang mga salitang hindi nila kayang labanan kapag ito ay mangyari na.
"I, Lea daughter of Elena the legendary mage, will grant you a gift you never wanted. Memory will be forgotten, will be one of the forbidden forest protector, will be loyal to us and if ever you'll turn your back you will vanish. From my mother and ancients vested in me, I shift you as one of our creatures. May you loyal to us forever."
Napangisi ako dahil successfull ang aking ginawa. Nagsimula na silang sumigaw na para bang kinakatay dahil na rin siguro napupunit ang kanilang mga kalamnan at nag tuturn na sila into wild creatures.
Napalingon naman ako dun sa mga narinig kong nagsinghapan at tama nga ako nandon ang mga tinatawag kong mga kaibigan.
Napangiti na lamang din ako ng mapait nang marealize ko na kasusuklaman nila ako dahil sa ginawa ko sa tatlo na yun. Pero hindi naman ako nagsisi dahil sa ginawa ko deserve ng tatlo na yun ang ginawa ko.
YOU ARE READING
The Hidden Magic
FantasyLea, a fine lady who dreamt to study on her dream school, wherein magics are required. Wherein magics are taught to be controlled and students were taught to be a fighter. With her urge to enter in that school, she secretly sneak into the city and...