CHAPTER 1

2 0 0
                                    


                                 Chapter 1

                                 Bellarie

Sabado ngayon at wala na masyadong tagabili, kaya maaga kaming magsasara ng karinderya.  Nagpaalam na ang iba kong ka-trabaho. Anila'y uuna nang umuwi dahil may gagawin pa sa kani-kanilang tahanan.

“Sige,  mauuna na ako Bella. Ikaw na magsara nito ah,” bilin ni Fey.

Tumango lang ako bilang tugon.

Nakakapagod ang araw na ito. Maraming kumain kaninang tanghali. Kinakailangan talaga ang mabilis na kilos sa bawat sandali. Tinapos ko ang pagwawalis at inayos ang mga mesa, bago isinabit sa balikat ang bag para umalis.

Isasara ko na sana ang pinto, nang may marinig na sigaw. Kasunod ang mabibilis na yapak ng sapatos. Tanda na may tumatakbo palapit sa'kin.

“Hey! Miss! ” rinig kong tawag ng isang lalaki.

Kahit madilim ang paligid ay tanaw  ko parin ang kanyang maamong mukha, ang mahahabang pilik-mata,  matangos na ilong, at mamula-mulang labi. Napalunok ako nang saktong huminto siya sa aking harapan.

“B-bakit po? ” Kabado kong tanong.

Mahigpit ang aking hawak sa bag. Ayaw kong mawalan ng pamasahe ngayon. Huwag siyang magkakamaling magnakaw sa akin, dahil sisipain ko talaga siya sa bayag!

Luminga-linga ito sa paligid, bago sumilip sa loob ng kainan. “Sarado na ba kayo?  Nagugutom na kasi ako. Ninakaw ang bag ko kanina, pati ang cellphone." Wika niya at napakamot pa sa batok. 

Kuya,  huwag ako.  Hindi ako maloloko sa ganyang mudos mo! 

“Po? Eh, sarado na kami. Bukas nalang kayo bumili-”

“Bilhan mo nalang ako ng pagkain. Pangako babayaran kita bukas.” Putol niya sa sasabihin ko, pagkuwa'y tumalikod.

Mag-isip ka Bellarie. Kapag 'yang gwapong lalaki na 'yan ay magnanakaw pala, maglalakad ka talaga pauwi ngayong gabi!

“Please, I need to eat. I'm starving to death. I promise I'll pay you tomorrow, " wika niya, ngunit hindi ko iyon maintindihan.

Oo, mahina  ako sa englis. Sapagkat sinalat sa maayos na edukasyon, dulot ng kahirapan.

Ano bang pinagsasabi niya? Paano kami magkakaintindihan nito, englishero pala siya.

Huminga ako ng malalim. Kung totoo man ang sinasabi niyang ninakawan siya,  nakakaawa naman.  Halatang sa suot nitong mamahaling damit ang magandang kaanyuan sa buhay. Isali pa ang mala-gatas na balat.

“Ano pong sabi niyo? Hindi ko po maintindihan,”  saad ko. Nakakahiya naman 'to.

Pumikit siya at humugot ng malalim na buntong-hininga, bago muling imulat ang mga mata.  “Sabi ko,  pakiusap, kailangan kong kumain. Mamamatay na ako sa gutom. Pangako  babayaran kita bukas.” 

Tumango-tango ako. Subali't paano  niya naman kaya ako babayaran? Hindi niya pa nga alam ang pangalan ko.

“Sige na nga,  nakakaawa ka naman. Basta hindi ka magnanakaw o rapist, papakainin kita. Nagugutom na rin kasi ako.”

Isinara ko muna ang pinto bago kami pumunta sa bukas pa na karinderya. Tahimik lang siyang nakasunod sa akin. Animo isang tutang nahiwalay sa ina. At ngayo'y kung sino-sino nalang ang sinasamahan.

Bumili ako ng dalawang hotdog,  dalawang sunny side-up egg at tatlong plato ng kanin. Kumuha na rin ng libreng tubig. Inilapag ang mga ito sa mesang napili namin.

Kailangan kong magtipid, dahil pamasahe ko pa 'tong natitirang pera. 

Tahimik kaming kumain. Walang tinginan, o kahit anong reklamo tungkol sa mga pagkain ay wala akong narinig mula sa kanya. Kaunti man ito kumpara sa mga putaheng madalas na kinakain niya, ang importente ay meron kaming nginunguya ngayon. Tuwing ako lang mag-isa, madalas ay sengkwenta lang ang nagagastos ko. Todo tipid ako dahil nag-iipon para sa pagpapa-aral ng sarili.

Naubos niya ang dalawang plato ng kanin at dalawang itlog, kaya hotdog nalang ang naging ulam ko.  Bakas na bakas ang pananabik nito sa bawat nguya ng pagkain.

Gwapo nga, patay gutom naman.

Setenta lahat ang nabayaran ko. Bagay na pumukaw sa lungkot. Para sa aming mahihirap, malaki na ang ganyang halaga ng pera. At kapag  natuto kang pang magtrabaho'y mapagtatanto mo na rin ang kahalagahan ng pagtitipid. Sa panahon ngayon, mas pahirapan na ang kumita ng pera. Isali pa ang mga naglalakihang presyo ng bilihin.

“Iiwan na kita dito ah? Gabi na kasi at kailangan ko nang umuwi. May trabaho pa ako bukas. ” Paalam ko sa kanya, saka tumalikod.

“Wait... ”

Nilingon ko ito. "Bakit? ” Sa huling pagkakataon, pinasadahan ko ng tingin ang kanyang kabuuan.

Nililipad ng hangin ang kanyang buhok at amoy na amoy mula rito ang mamahaling  pabango. Kahit saan tingnan, litaw na litaw ang kanyang kagwapohan.

Mataman niya akong tinitigan pabalik, na para bang may dumi ako sa mukha. "Pahiram ng pera para pamasahe. ”

                — Cassiopeia Bella sjn

Addicted to Mr. Innocent Where stories live. Discover now