Chapter 2

0 0 0
                                    

                                Chapter 2

                                 Bellarie

Maaga akong nagising kinabukasan, masarap naman ang tulog kahit na may kaunting sama ng loob. Naalala ko ang gwapong lalaki kagabi, kung magkano ang hiniram n’ya? Isang daan lang naman!  Treinta pesos pa ang pamasahi ko kaya sarado dalawang-daan ang nagastos ko kagabi.

Magana akong kumakain ng agahan at naghanda para pumasok sa karendirya. Iilan pa lang ang dumadaan na traysikil kaya napilitan akong maghintay. Natitiyak kong maaga pa naman kaya hindi muna ako pumasok. Bumili ako ng isang maliit na libro na pwede kung basahin para may matutunan ako, tawag nila dito ay diksyonaryo.

“Magandang umaga, Ate! ” masayang bati ko sa katrabaho kong si Fey nang pumasok na ako.

“Oh, magandang umaga rin sayo, Bellarie.” Aniya bago isinuot ang kanyang epron.

Napakunot ako ng nuo nang maalala ko ang lalaki kagabi, “Ate, alam mo ba?  May gwapong lalaki dito kagabi. Nanghiram pa s’ya ng pera sa akin, hmp.” Kwento ko.

Mahina siyang natawa, “Pinahiram mo ba? ” usisa nito. 

Sumimangot ako, “Oo, naawa ako eh. Na nakawan daw kasi siya. Sabay kaming kumain, pagkatapos nanghiram siya ng pamasahe.”

“Akala ko ba nag-iipon ka ng pera para sa pag-aaral mo? ”

Tumango ako bilang tugon, “Oo, pero nangako siyang babayaran niya ako, ”

Natahimik nalang kami ng may mga dumating para kumain. Naging abala kami sa trabaho hanggang sa maghapon.

“Miss, hindi pa ba kayo magsasara? ” tanong ni kuya na kakarating lang. Pinagmasdan ko s’ya mula buhok hanggang sapatos. Parang pang-drayber  ang suot niya.

Umiling ako, “Naku, hindi pa po eh. Bakit ho?”

“Babayaran daw ni Boss ang lahat ng pagkain dito ngayong gabi at may pinabibigay din siya para sayo.” Saad ni kuya at iniabot sa’kin ang maliit na sobre.

“Ano po ito? ” kuryoso kong tanong at sinuri iyon. Nag-angat ako ng tingin para sana magtanong kay kuya subalit hindi ko na s’ya mahagilap.

Binuksan ko iyon at nanlaki ang mata ko sa nakita. Isang bungkos ng pera ang tumambad sa akin. Muntik ko ng mabitawan ang sobre. Tig-iisang libo lahat iyon, hindi agad ako nakagalaw.

“Ano yan?” napatalon ako sa gulat dahil sa  biglaang pagsulpot ni Ate Fey.

“May nagbigay sa akin nito, Ate Fey.” binigay ko ang sobre at ang bungkos ng pera. 

“Ang laking halaga ng pera nito, Bellarie! Sinong nagbigay sa’yo nito? Teka, may sulat pa oh. ” Anito at kinuha ng isang nakatuping papel.

Inabot niya sa’kin iyon, “Oh, para sayo ’yan kaya ikaw na ang bumasa.” Babasahin ko na sana ang nakasulat ngunit bigla akong nahilo sa nakita. Hindi ko ito maintindihan.

Binalik ko kay Ate Fey ang sulat, “Ikaw na bumasa Ate. Hindi ko maintindihan eh,” nakasimangot kong saad.

Natatawa niya itong binasa, “I would like to thank you for letting me borrow money last night and for letting me dine-in with you. I know you needed money so take it.  If you need anything, feel free to call me. 09(123456789) —Zbyhnev.”

Tinignan ko lang siya,“Anong sabi niya, Ate? ” hindi ko talaga maintindihan.

“Nagpapasalamat s’ya dahil pinahiram mo raw ng pera at pinakain kagabi. Tanggapin mo yung perang binigay niya dahil alam niyang kailangan mo yan.  Tumawag ka nalang daw kapag may kailangan ka. ” Binalik niya sa akin ang sulat at sobre.

“Oh sya, itago mo na yan. Dito lang muna ako sa kusina. ” Aniya at umalis. 

Napangiti ako,“Mabait naman pala ang gwapo na yun. May tubo pa ang binayad niya. Zbyhnev...  tawagin ko nalang siyang 'poging nev' mas bagay sa kanya. ”

Binalik ko na ang pera at sulat sa sobre at itinago iyon sa aking bag. Dahil binayaran na raw ni poging Nev ang lahat ng pagkain, hapon pa lang ay nagsara na kami. Nakatipid pa ako sa pagkain dahil binigyan ako ni Ate Fey ng ulam at kanin.

Isasara ko na sana ang pinto nang may napansin akong itim na kotse, pinagmasdan ko iyon ng ilang minuto. Nakita kong bumaba ang itim na salamin doon. Atomatikong gumuhit ang ngiti ko sa labi ng makita ko ang sakay ng kotse. Si poging Nev, nandito pala s’ya. Sinarado ko ang pinto at sinigurong naka-kandado iyon ng maayos bago nilapitan ang itim na kotse.

Matamis akong ngumiti sa kanya, naamoy ko na naman ang mamahaling pabango n’ya. Kahit nakasuot s’ya ng itim na salamin ay alam kong nakatingin siya sa akin. 

“Poging Nev, salamat pala sa binayad mo ngunit tila ito’y napasobra.”

Nag-angat lang siya ng tingin at hindi tumugon.

“Bali, isang-daan lang naman ang hiniram mo. Ibalik ko nalang sayo tong pera mo bigyan mo nalang ako ng isang daan. ”

“Ayos na yan,” malamig na tugon niya. 

Ibang-iba siya ngayon kumpara kagabi. Halos ayaw niyang magsalita ngayon. Malamig na ang pakikitungo niya sa akin pero ayos lang, kagabi pa naman kami nagkakilala kaya naiintindihan ko kung bakit siya ganyan.

“Salamat talaga,” iyon nalang ang nasabi ko. 

Tumango lang siya at malamig na sinabing, “Okay,” bago pinaharurot ang kanyang kotse.

   —Cassiopeia Bella sjn–

            

Addicted to Mr. Innocent Where stories live. Discover now