PROLOGUE

15 0 0
                                    

"Uy bata, bakit ka umiiyak?" May lumapit sakin na isang babae, ngayon ko lang sya nakita dito sa playground siguro ay bago palang sila dito.

"Hindi ako umiiyak ah" Pag dedepensa ko sa kanya. Ayaw ko kasi na umiiyak sa harap ng isang tao pakiramdam ko kasi napaka hina ko.

"Why are you crying? give me a reason, pretty please" she said again!!! Grrrrr i hate this girl, she's so annoying.

"Just please leave me alone"

"No, i will not" pag mamatigas nya. "Halika bibili tayo ice cream" sabi nya pa.

"Tss. Hindi ako sasama sayo, baka mamaya saktan mo ako"

"Me? Sasaktan ka? Nah, trust me" nakita ko sa mga mata nya na seryoso sya na hindi nya ako sasaktan.

"Ok" matipid na sagot ko.

"Anong flavor gusto mo?" She ask me..

"Cookies and cream na lang"

"Kuya isang cookies and cream at isang Ube" Sabi nya.

"Favorite mo ang ube?" Tanong ko.
Tumango-tango lang sya sakin biglang sagot.

Pag ka kuha namin ng ice cream dumeretso na kami sa swing.

"Bakit ka nga umiiyak?" Tanong nya ulit sakin.

"Inaaway kasi nila ako eh, tapos inaasar nila akong siopao" nagulat ako kasi bigla sya napa ngiti. "Bakit ka naka ingiti jan?" Tanong ko pa.

"Totoo naman kasi tignan mo pisngi mo parang siopao nga, pero atleast cute"  sabi nya pa sabay urot sa pisngi ko.

"Yesha" napalingon kami parehas ng biglang may tumawag sa pangalan ko. My mom...

"Kanina kapa namin hinahanap anak, saan kaba nag punta ha? Pinag-alala mo ako eh" niyakap ako ni mommy, dama ko yung pag-aalala nya sakin.

Umalis sya ng pag kakayakap sakin, sabay tingin sa batang babae na kasama ko.

"Sino sya anak?"tanong ni mommy.

"Patricia po ma'am" tumayo sya sabay beso kay mommy.

"Salamat sa pag-sama mo sa anak ko ha, baka kung ibang tao yun baka kung ano na gawin dito sa unica ija ko" ngiting pasasalamat ni mommy kay patricia.

"Wala po yun, ma'am. Sige po una na po ako sa inyo may klase pa po kasi ako eh, babye yesha" bibong sabi nya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at tsaka sumunod kay mommy.

"Wag na wag kang aalis sa tabi ko ha, mababaliw ako kapag nawala ka sa paningin ko ikaw lang naman ang nag iisang anak ko tapos mawawala kapa, baka hindi ko kayanin anak" malungkot na sabi ni mommy.

"Sorry mo, hindi na po mauulit" pag hingi ko ng tawad.

Habang nasa byahe kami papunta sa bahay namin, iniisip ko kung mag lalaro ba ako or matutulog na lang, masyadong naging malungkot tong araw na to, kailangan ko na lang siguro matulog upang may lakas ako bukas na papasok sa school.

Pag dating namin sa bahay, dumeretso na ako sa kwarto ko at naligo. Habang naliligo ako iniisip ko yung batang babae kanina, nakalimutan ko tuloy pangalan nya. Si mommy kasi eh kung ano-ano kinumwento sakin habang nasa byahe, ano ba name nya?

"Atarah?"

"Angel?" Hindi eh, masyadong normal name nya. Hay nako si mommy talaga.

Bigla na lang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si mommy.

"Yesha anak, bakit ka naman umalis ng bahay? Pinag-alala mo kami ng daddy mo eh" napatingin ako kay mommy dahil sa sinabi nya.

Si daddy? Nag-aalala sa'kin? Totoo itong naririnig ko?

"Wala po, gusto ko lang mag laro sa playground eh" pag sisinungaling ko kay mommy.
Alam kong masama mag sinungaling pero yun lang naisip kong dahilan.

Kasi pag sinabi ko kay mommy ang totoo alam kong hindi sya maniniwala sakin.

My dad is a cheater.

I saw him yesterday kissing other woman, infront of me. Kaya ako umalis ng bahay kanina kasi andoon naman yung babae.

Si daddy ang unang lalaking nanakit sakin, sya ang unang lalaki na sinaktan ang puso ko. Alam kong bata pa ako at wala akong alam sa pag-ibig, pero kasi si daddy ang unang lalaking minahal ko pero sya rin pala ang unang mananakit sa puso ko...

****
CONTINUE....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Difficult Love (Season 1)Where stories live. Discover now