01

4.4K 135 2
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank
You!)

____________________

SHANIAH KHALED MAXIMUS POV

“Grabe, ilang buwan palang tayo sa school pero kulang nalang mamatay na ako sa stress!” Sigaw ko at pabagsak na umupo sa upuan habang inihahanda ko ang pagkain na para sa alaga kong pusa na si Cookie.


“Paanong hindi ka mai-stress? Bilang ka nang bilang kung ilang araw na tayong namamalagi sa San Lorenzo?! Ano ito countdown?!” 


Tinignan ko ng masama ang epal na nagsalita, panira talaga sa mood ang babaeng iyan. 


By the way, nababasa niyo naman na sa taas, pero nais ko lang magpakilala, ako si Shaniah Khaled Maximus kasalukuyang ako ay nasa huling taon na ng Senior High School. Ang kinuha kong strand ay HUMSS. Iyong papansin nga pala kanina na nagsalita ay si Astrid Keith Jones. 



“Ahhh! I can't take this anymoreeee! Bakit ba kasi ako ang dapat mag asikaso sa mga papers ng pinsan ko?!”  Reklamo ng isa naming kasama at pabagsak niyang inilapag ang plato na naglalaman ng ulam.


“Hoy, siraulo ka, Nashville! Dahan-dahan naman baka mabasag iyang plato namin!” 



“Nakakainis kasi! Hays, bahala na nga!”


Siya naman si Nashville Quinn Wú. Pareho kaming nasa HUMSS, sobrang yaman ng impaktang iyan, mayaman din naman kami pero mas mayaman sila.



“Asahan mo na busy ang parents ninyo kaya ikaw pinag asikaso, mga Doctors ba naman. At isa pa, super late na iyang pinsan mo bakit hindi nalang sa Baguio mag tapos ng SHS?” Kinuha ko ang pagkainan ni Cookie at isinalin doon ang inihanda kong makakain niya kanina.



“Malay ko ba sa kanila– Nasaan na pala iyong pinsan ko? Kakain na ah” 



“Aba'y ewan ko. Baka nasa labas ako na magtatawag sakto papakainin ko rin alaga ko.” Sambit ko at dali-daling lumabas.



Cookie! Come here, kain na!” Pag tawag ko sa alaga ko pero hindi ito lumingon sa akin at nanatili lamang na nakatitig sa bukas na gate. Anong meron?



Dahil sa kuryosidad ay naglakad ako papalapit sa gate na nakabukas. Bakit nakabukas ito? Sarado ito kanina ah.



“Oo na, oo na! Ang kulit niyo naman, umalis na kayo!”



“Umayos ka bata, kapag iyan hindi nakarating kay Shaniah malilintikan ka talaga saakin!”



“Paulit-ulit, nakakainis! Layas na sabi!”



Iyon lamang ang naririnig kong bulyawan sa labas. Sino naman kaya iyon? At anong sinasabi na dapat maka rating saakin?



Pagkalabas ko ay nakita ko ang pinsan ni Nashville na may hawak na bouquet at abalang kinakain ang malaking chocolate. Kunot noo ko itong pinagmamasdan, para siyang bata kung kumain. Well, bata pa naman talaga siya.




“Keizel, kanino galing iyan? At saka anong ginagawa mo riyan? Kakain na ah” Pag tawag ko sa pansin nito kaya agad siyang napabaling sa gawi ko at ginawaran ako ng matamis na ngiti.



Ang cute!



“Ah, para saiyo raw oh" Inilahad niya saakin ang hawak nitong bouquet na agad ko namang tinanggap. “Galing iyan sa babae kanina bigay ko raw sayo, sayo na iyan tapos akin nalang itong chocolates mo baka sumakit pa ngipin mo.” wika niya at naunang pumasok sa bahay. 



ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [Under Revision]Where stories live. Discover now