0

15 0 0
                                    

Malalim na ang gabi at gusto nang matulog ni Kahi. Masyado siyang napagod sa paglilinis ng apartment niya kanina.

Iidlip na sana siya nang may narinig siyang mga tunog mula sa labas ng kwarto niya.

Dahan-dahan siyang bumangon at kinuha ang kutsilyo na nilalagay niya sa ilalim ng kama niya. Sana hindi magnanakaw.

Maliit ang kanyang mga hakbang habang naglalakad. Mas naririnig na niya ang mga pagbasag ng mga gamit habang papalapit siya.

"Gayoung! Nasaan ka ba?!" Isang maliit na boses ang narinig niya kasunod ng pagbagsak ng isa pang vase.

Patay! Dalawa sila. Humigpit ang hawak niya sa kutsilyo at huminga siya nang malalim. Bahala na. Kasabay nang pagbukas niya ng ilaw ay ang paghagis niya ng patalim sa direksyon ng boses.

"What the heck?!" Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. Ang kalat na ng bahay niya. "Sayang effort ko!" Maluha-luha niyang sambit. Ayaw na ayaw niya na napupunta sa wala ang pinaghirapan niya.

Buong pagtataka siyang tumingin sa kanyang paligid. Teka, Bakit walang tao?

"Hoy! Ibaba mo ako dito!"

"Huh?" Tumingin-tingin ulit siya. "May nagsasalita ba?"

"Nandito ako!"

Nakaramdam si Kahi ng takot. Maglipat na lang kaya ako ng apartment. Parang haunted ata itong inuupahan ko eh. "Sino ka at anong kailangan mo sa akin?!"

"Hoy!"

"Baka guni-guni ko lang." Nagkibit-balikat na lang siya.

"Ano ba?!" Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Dahan-dahan siyang umikot paharap sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap siya sa mga nakita niya.

Doon sa may sulok ng pader, kung saan nakatusok ang kutsilyo na hinagis niya, may isang maliit na tao na nakasabit.

Kawaii KyungsooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon