"Anong klaseng nilalang ka? Dwende?" Tanong ni Kahi habang winawalisan ang mga nagkalat na bubog sa sahig. Grabe naman makabasag itong maliit na ito!
"Ewan ko. Miniature? Ako si Kyungsoo. Sino ka?"
"Miniature? Kung sa bagay, maliit ka naman eh. Kahi pangalan ko."
"Alam mo, Kahi. Wala naman tayong pinagkaiba eh. Pandak ka, maliit ako." Saad nito habang nakaupo sa gilid ng lamesa.
Bigla naman uminit ang ulo ni Kahi. Ayaw na ayaw niya na pinapamukha sa kanya na pandak siya. "Saan ka ba nanggaling ha? Ibabalik na kita." Aakmang kukunin niya si Kyungsoo ngunit bigla itong tumalon, tumakbo at nagtago sa ilalim ng couch.
"Wag! Hindi ako pwedeng bumalik na hindi kasama si Gayoung!"
"Gayoung? Sino yun? Partner in crime mo?" Lumuhod si Kahi at sinilip si Kyungsoo sa ilalim ng couch. Nakaupo ito at nakabusangot ang mukha. "Hindi. Siya yung kakambal ko."
"Walang Gayoung dito kaya umalis ka na." Nabigla naman si Kyungsoo sa paglamig ng boses ng dalaga kasama ng blangkong ekspresyon nito.
Nakita ni Kahi kung paano lumaki ang mata ni Kyungsoo sa takot at napabuntong-hininga na lang siya. Sumandal siya sa couch at niyakap ang sarili. "Mag-isa lang ako dito, Kyungsoo. Kaya hindi pwedeng nandito yung kakambal mo."
Gumapang palabas si Kyungsoo at sinilip ang mukha ni Kahi. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. "Bakit ikaw lang?"
"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, maganda mag-isa."
"Mali ka." Napatingin naman si Kahi kay Kyungsoo. "Hindi magandang mag-isa ka lang. Wala kang karamay at kasama."
"Hindi ko kailangan--"
"Malungkot kapag mag-isa ka lang." Saad pa ng munting nilalang. "Malungkot ka. Nakikita ko yun sa mga mata mo." Hindi makapagsalita si Kahi sa mga sinabi ni Kyungsoo. Sanay siya. Sanay na siya. Nasanay na siyang mag-isa. Pero hindi ibig sabihin na kapag sanay ka na ay gusto mo na.
"Anong gusto mong gawin ko? Kumidnap ng tao para may makasama ako?"
Umiling si Kyungsoo. "Hindi sa ganoon. Makipaghalubilo ka sa mga kapwa mong tao."
"Ibig sabihin, hindi ka tao?"
"Ewan ko. Mukha naman akong tao--"
"Hindi ka mukhang tao. Mukha kang kwago na sintangkad ng manika."
"Ano ba?! Alam kong may pagkalaki itong mga mata ko--" Napataas naman ng kilay si Kahi. "Oh sige! Malaki nga itong mga mata ko! Pero hindi naman ata tama na tawagin mo akong kwago."
"Hindi kita tinawag na kwago. Sinasabi ko lang na mukha kang kwago."
"Walang patutunguhan itong usapan natin."
"Iniiba mo lang ang usapan." Simpleng saad ng dalaga sabay sipol. Bigla naman siyang tumigil sa pagsipol at tumingin kay Kyungsoo.
"Oh ano?"
"Gusto mo bang dito ka muna pansamantalang tumira sa bahay ko? Para naman may uuwian ka habang hindi mo pa nahahanap yung kakambal mo. Baka kasi mapaano ka pa kung paaalisin kita. Ang liit-liit mo pa naman."
"Yun lang ba talaga ang rason?"
"Anong gusto mong sabihin ko? Na para may kasama ako?"
"Bakit hindi ba?"
"Basta wag ka lang magkakalat dito sa bahay." At naabutan ng munting binata ang maliit na pagngiti ng dalagita.
BINABASA MO ANG
Kawaii Kyungsoo
FanfictionTwelve-inch Kyungsoo needs to find his lost twin sister, Gayoung. Five-footer Kahi is struggling with her life. "You're super small." "You're so short too."