Isa-isang nagising sina Xiumin, Suho, Lay, Baekhyun, Jongdae, Chanyeol, Kyungsoo, Jongin at Sehun dahil sa lamig na kanilang nadama. Nang tuluyang magising napansin nilang wala sila sa kanilang malambot na kama, kundi sa isang malamig semento. Agad naman silang napatingin sa isa't isa.
" Putangina nasan tayo?! " Sigaw ni Jongdae at nagecho lang ang kanyang boses sa malaking kwarto na walang kalaman laman.
" Baka na sa langit na tayo? " Sagot sa kanya ni Chanyeol habang paiyak na. Agad naman siyang binatukan ni Baekhyun.
" Nasa langit ka dyan! Eh ang dilim dilim dito atsaka hindi naman tayo naaksidente, natulog lang tayo. " sabi nito habang nakapamewang pa. Tanging isang maliit na ilaw sa gitna ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Madilim ang mga gilid kaya halos lahat sila ay nasa gitna. Magtatanong sana siya kung asan si Kai nang bigla itong magsalita.
" Ay puta baka nanaginip ako! Isa itong bangungot! " Sabi ni Kai sabay sabunot sa sariling buhok. Pati ba naman daw sa panaginip ay sinusundan siya ng kamalasan.
" Gago! Swerte mo nga dahil pati sa panaginip mo nakakita ka ng gwapo! " Sagot sa kanya ni Jongdae habang nagf-flip hair na parang nasa shampoo commercial.
" MGA BOBONG BAKLA! " Nagulat naman sila nang may biglang sumigaw at nakarinig nang mga yapak. Hindi nagtagal ay may nakita silang isang babae na nakaputing dress above the knee. Agad namang napairap si Baekhyun nang makita ito.
" Atleast maganda! Hmp! " Sabi niya while crossing his arms at nakachin up.
" Mas maganda ako sayong gaga ka! Nature republic ata gamit ko! " Sabi nito at nagchin up din.
" Baka galing sa nature ang beauty mo! Muhkang hayop! " Sagot sa kanya pabalik ni Baekhyun. Sasagot pa sana ito nang biglang may sumabat.
" Saglit nga! Wag kayong mag-away! Alam kong mas maganda ako sa inyo kahit anong away niyo. Pero sino ka? " Sabi ni Kyungsoo at tinuro yung babae.
" Please! Tulong ayoko na dito sa bangungot ko na ito! Pati ba naman sa dreamland ko makakakita pa ako ng panget! Hustisya! " Hanggang ngayon parin pala ay nagrereklamo si Jongin dahil may panget parin siyang nakikita. Kawawang Jongdae.
" Mga tanga! Hindi kayo nananaginip! Reality toh! Reality! REALITY! " Sabi nung babae habang nagpapadyak-padyak pa ng paa parang bata.
" Puta anong pinaglalaban mo?! Wag kang sumigaw! " Napaatras naman yung babae nang sigawan siya sa muhka ni Sehun, dahil may free shower pa siya.
" Wag mo kong murahin tangina ka! Kung ayaw mong mamatay ng maaga! " Si Sehun naman ang napaatras nang sigawan siya pabalik ng babae. Hala sige! Mag-atrasan nalang tayo!
" Bakit mo ba kasi kami kinidnapp? Nagugutom na ako. " Biglang singit ni Xiumin habang hawak ang tyan niya. Bigla namang napatingin si Suho sa paligid niya at nagsimulang magbilang kung kumpleto ba sila.
" Andito kayong lahat ngayon para sa isang misyon. At ang- "
" Anong lahat?! Mas bobo ka pala eh! Kita mong 9 lang kami ang nandito! Gago ka ba?! 12 kami! 12! Isang dosena! 12 lang! OT12! Hindi 9! Bawal ang 9!! 12!! " Sabi ni Suho at dinuro duro pa yung babae. May pinaglalaban si leader mga bhe. Dapat daw 12 lang ang lahat.
" Putangina kang pandak ka patapusin mo muna ako kung hindi kukunin ko ang black card mo!! " Napatahimik naman si Suho sa narinig. Ganon niya kamahal ang black card niya, na ayaw niyang mahiwalay ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
El Dorado [EXO]
Fanfiction“Under the same sky, under the same name. We Are One.” Sail Sail Sail Gotta Gotta Go Go Gotta Find The El Dorado EL DORADO -- An EXO OTP FanFiction ©sofiantastic