3rd

49 9 2
                                    


" Welcome aboard Sir Suho! " Sabay sabay na sabi ng BTS o mga Batang Trabahador ni Suho nang makapasok na sila sa loob ng eroplano ni Suho.

Agad nag-ikot ang ilan sa kanila doon sa eroplano. Malaki ito, private plane pero mas malaki pa ito sa regular planes. Iba talaga mayaman, isip nila. Hindi ito ang unang beses nilang makapunta dito pero namamangha parin sila sa lugar. Parang bahay ito, may sala, kusina, kwarto, etc. Yup ganon kaganda ang eroplano ni Suho.

Ilang sandali pa ay nagtake off na ang eroplano. Namalagi sila doon sa sala habang nakadungaw sa labas at namamangha sa mga tanawin mula sa ibaba. Buti at wala si Luhan dito kundi magsisigaw-sigaw ito dahil sa afraid of heights nito.

" So hyung, pagdating doon anong gagawin natin? " Magsisimula magsalita ni Jongin habang naka-akbay kay Kyungsoo.

" Malamang pupuntahan agad natin ang lugar ng Exodus. Alangan namang magparty at clubbing tayo doon? " Sagot ni Suho nang seryoso. Siguro ay matutulog muna siya para makawala sa stress na nadarama. Hindi niya sukat akalain na ang kanta nilang El Dorado ay magiging true to life pala. Natatakot tuloy siya na baka ang ibang kanta nila na parang Heart Attack ay magkatotoo din. Jusko ayaw pa nyang mamatay. " Bawal hyung? Kahit isang gabi lang please. " Pilit ni Jongin.

Napikon naman si Suho sa kakulitan ng maknae, nasstress na nga siya dadagdag pa ito. " Bawal. Isang buwan lang ang meron tayo Jongin. Ayokong gamitin sa walang kwentang bagay ang oras natin lalo na't tungkol ito sa mga kamember natin. " Nagpout naman si Jongin sa narinig. It's been 69 hours ago since nagclub siya. At matagala na yun para sa isang malanding nilalang. " Eh hyung matagal na tayong hindi nagpaparty eh. Kahit isang gabi lang naman. "

Nagulat naman ang bata nang biglang tanggalin ng katabi niya ang akbay dito at nagcross arms. " Ang sabihin mo maghahanap ka lang ng bagong babae mo. " Napangisi si Jongin nang malaman na nagseselos ang kanyang Kyungsoo.

" Anong bagong babae? Babe, naman alam mo namang hindi ako nagtataksil sayo, loyal ako diba? Ikaw lang ang mahal ko. " Totoo yun. Kahit na gusto ni Jongin magbar hindi ito nagtaksil kay Kyungsoo kahit isang beses. Sadyang seloso lang talaga ang kanyang nobyo. " Sus. You and your reasons Jongin. " Sagot ni Kyungsoo na nakatingin lang sa bintana.

" Yieee. Nagseselos si babe. " Sabi ni Jongin habang tinutusok ang tagiliran ni Kyungsoo. Kaya napatingin sa kanya ang katabi ng masama ang tingin. " Babe mo muhka mo. Hindi ako baboy gago. " Nagpanggap na nasaktan ang nakababata dahil minura siya nito. Nang may biglang sumingit sa usapan nila. " Oo nga Jongin hindi siya baboy, owl siya. " Napa-aray naman si Baekhyun ng matamaan ang ulo niya ng matigas na unan, binato kasi ito ni Kyungsoo. Nang-aasar nanaman kasi ang bakla.

Muling inakbayan ni Jongin si Kyungsoo at napangiti nang hindi ito tinanggal. " Babe naman oh. Gusto ko lang naman magparty kasi, naalala mo diba? Tuwing nag-iinom tayo, mas lalong sumasarap ang paglalaro natin sa kama. " Lalong lumapad ang ngiti nito nang makitang namula ang ka-akbay. Nilapit niya ito lalo sa kanya. " Yieee. Babe alam kong gusto mo rin. "

Hinampas ni Kyungsoo ang dibdib nito dahil sa napakatease talaga ni Jongin. " Tangina mo ka talagang uling ka. " Sabi nito habang nakapout. Tuluyan na siyang niyakap ni Jongin at isinandal naman ni Kyungsoo ang ulo sa balikat nito. " Halika nga dito. Wag kang magselos, ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay! "

Nandiri naman ang muhka ni Jongdae habang pinapanood ang dalawa. Kinuha niya ang cellphone at naggm ng " wUAlanG f0r3beR! 69 lHunG. Bh0uSzxc J0nGd4e 1n d4 hAusx y0! " isesend na niya sana pero naalala niyang nasa eroplano sila kaya napa-iling nalang siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

El Dorado [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon