Chapter 15

105 3 0
                                        

"Finally!" Moana shouted and hugged me tightly.

I'm crying because of happiness. Finally...after almost a year, the suspect is in jail. Nararapat lang sa kanya 'yan. He's an addict! He's greedy! He's a criminal!

"He's in jail now, tita got her justice. Sabihin mo na lang kay Tita na, medyo natagalan but look--ito na, nakulong na, napanalo na ang kaso. He's proven guilty! He's a criminal. And nagbebenta pa ng illegal guns and drugs."

I hugged her back. "M-moana, feeling ko nawala ang nakadagan sa dibdib ko. P-parang gumaan ang pakiramdam ko."

"Aba dapat lang 'no! Hindi ka pwedeng magdamdam habang buhay because you still have a bright future ahead of you! Sige ka, babalikan ka ni Tita at babatukan."

I smiled. Umalis ako sa yakap namin at tiningnan siya. She's smiling at me while she's in tears too.

"Siguro sabi ni Tita, need mo nang mag-focus sa love life mo. Mukhang mauunahan ka oh. Look--" nguso niya sa may 'di kalayuan.

I saw Troy with that suspect's daughter. They look like they are having a serious conversation because of Troy's expression but when you look at the girl's expression it looks like they are flirting. The way she smiles and her flirty put her hair behind her ear is absurd.

"Puntahan mo na! Sige ka, mauunahan ka niyan." Tulak niya sa akin.

I glared at her. Ang sarap nilang pag-untugin ni Rowan! Kaya ayoko ring sabihin sa kanila ang nararamdaman ko kay Troy because they are like this. Masyadong halata at madadaldal.

"Huwag kang malisyosa nga! At hayaan mo na sila, buhay nila 'yan."

"Weh? Bakit labas sa ilong? Selos ka 'no?"

I wiped my tears. Kagagaling lang sa iyakan, ngayon nag-aasaran na. Grabe ang mood swing.

"Ewan ko sa 'yo. Tara na nga. Itetext ko na lang si Troy na nauna na tayo sa bahay. He can go home naman kahit hindi kami magkasama."

"Hala, tampo siya oh!" Tukso pa sa akin nito. Inirapan ko na lang siya at inunahan sa pag-alis ng hall. Masyado siyang nakakahalata.

Hindi ko na nilingon pa si Troy dahil mukhang mahaba-haba pa ang pinag-uusapan nila. Wala akong kasabay ngayon dahil ang sabi ni Moana ay may pupuntahan pa raw siya, she has a lunch date. Hindi lang binanggit kung sino ang date niya and I'm out of it. Buhay niya 'yan, pero syempre iinggitin ko si Rowan hehe.

Tinext ko si Rowan nang nasa sasakyan na ako, before umalis. I also texted Troy na magkita na lang kami sa bahay if pupunta man siya, sinabi ko ring bibisitahin ko lang si Mama sa cemetery.

Nakakapasok lang si Troy sa bahay dahil na rin kilala na siya ng guard at mga kasambahay. And I'm open for his presence naman sa bahay, he's my friend. Moana can go inside too without me, iyon ang sinabi ko sa guard.

Binisita ko si Mama, dumaan ako ng bulaklak. Nang marating ang lapida ni mama ay agad ko itong hinaplos, binaba ang bulaklak na hawak at nagsindi ng kandila. I smiled and wiped my tears. I still can't believe we had her justice, sobrang linis kasi nang iniwan siya. Kaya pala malinis because the knife was carried by that suspect. Ang tanga lang niya to hide it pa, dapat itinapon na lang niya or kaya ay inilibing so no one can see it.

"M-mama, finally..." Nangingiti kong sambit habang lumuluha, haplos-haplos pa rin ang lapida niya. "He's in jail now...ang bobo nga eh, tinago 'yong kutsilyo na ginamit sa 'yo...but God really gave us way to have your justice mama 'no? Imagine, ginawa niyang tanga 'yong pumatay sa 'yo just so we'll got your justice."

Tumawa ako habang naninikip ang dibdib.

"Napagbintangan ko pa ang mga Salazar." Napailing-iling ako. "Pero you can't blame me mama, sila ang unang maiisip kong gagawa sa 'yo n'on because of the issue before. Kahit sino iyon ang iisipin. Pero wala talagang makuhang lead na sila ang gumawa dahil totoo pa lang hindi sila."

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon