Zion
Finally landed in my home country after long hours of flight. Coming back here is not my plan at least not in any of my plans this year. My family is well known in our country and my parents arranged a charity gala ball in which all the elites of the country was invited. Even famous celebrities & influencers are also invited. Well when you look at it it's really a helpful event knowing a lot of charities will benefit from it.
While walking out of the arrivals I instantly saw one of the two bodyguards my dad appointed for me.
"Goodmorning! Sir Zion" masiglang bati saakin ni Jaz. He's already in his 30's pero kung titingnan ay parang sa 20's lang ito.
"Goodmorning " sagot ko.
"Deretso na daw po tayo ng mansion sabi ng Mommy niyo."
"Okay" my reply.
May ma gagawa pa ba ako? Gustuhin ko man dumiretso na sa condo ko ay kailangan ko muna magpakita sa kanila.
Habang nasa loob ng sasakyan ay nakasilip ako sa bintana at binubusog ang aking mga mata ng mga nostalgic na tanawin sa aking bansa na ngayon ko lang ulit nakita. Mula sa mga estrakturang matatayog na meron din naman sa states at masmagaganda pa nga pero iba pa rin dito, ang mga estero na nadaanan namin at may ilang iskwater din kami na nadaanan at weird man pakinggan ay nakakamiss din pala. Napatawa nalang ako sa aking isipan.
Hindi pa kami nakakarating ay bigla ng bumuhos ang malakas na ulan. Hindi nagtagal ay may mga nadaanan na kami na mataas ang baha at ngayon nga ay nakatigil kami sa stoplight. Napatingin ako sa mga tumatawid dalawa lang sila isang dalagang babae at isang matandang babae. Nung una ay akala ko magkakilala sila ngunit napansin ko na sinasabayan lamang ng babae ito ang matandang nahirapan sa pag-tawid. Hirap itong maglakad at nakatungkod, tila ay hindi rin nito napapansin na sinasabayan siya ng babae. Luminga-linga ang babae at binabagalan ang pag-tawid. Kamuntikan pang madulas ang matanda buti na lamang ay na hawakan niya ito at doon ay napansin na nga siya ng matanda at inalalayan hanggang makatawid. Nakita ko pang nagpasalamat ang matanda sa kanya. Tinitigan ko ang babae ngunit mabilis na itong tumalikod at naglakad papalayo, tanging mahabang buhok at humog ng katawan niya na lamang ang aking nakita.
We arrived in my parent's mansion at agad ako sinalubong ng dalwang katulong, tinulungan nila ang aking bodyguards na iakyat ang aking mga gamit sa childhood room ko. Ang sabi nila ay tamang-tama lamang ang aking dating dahil mag-sisimula na ang dinner. Lumapit saakin si Edna isa sa dalawang kasambahay na lumapit saakin kanina at nagtanong kung may kailangan pa daw ako ang sabi ko ay wala na at naglakad na patungo sa dining area.
"Welcome home my handsome second child" bati saakin ni mommy na tumayo at sinalubong ako ng yakap, sumundo na rin ang aking dad at mga kapatid.
"Welcome home son" bati ni dad sabay yakap.
"It's been a long time brother" bati naman ng nakatatanda kong kapatid na si Felix at yumakap din.
"Miss you kuya!" Masiglang bati saakin ng bunso naming kapatid na si Hugo at masayang yumakap sa akin at tumalon-talon kaya ay medyo napatalon din ako pero pinigil ko agad ito. "Kuya naman masyado seryoso, na miss nga kita e" tila bata na sambit ng aking kapatid. Pag katapos ng batian ay nagsimula na kaming kumain.
"Now that we are complete" panimula ng aking ina.
"Sabay-sabay tayo a-attend sa charity gala ball at kayong mag-kakapatid should be on your best behavior at sumali din kayo sa bidding lalo na kayong dalawa Felix & Zion.""Yes mom" sagot ng aking kuya Felix.
"Zion?" tanong ng aking ina nung hindi ako sumagot.
"Alright mom" sagot ko na lamang.Habang kumakain ay nagkumustahan at nagkwentuhan patungkol sa politika, ito ang ayaw ko sa aking pamilya, hindi dahil sa hindi ko sila mahal, kun'di dahil gusto kami ni dad na sumabak sa politika magkakapatid sa kadahilanan na "to keep our name & legacy alive" daw. Growing up ay ito na ang mandalas sabihin ni dad na kami o isa saamin ay sumunod sa yapak niya. At dumating na nga ang araw na nag boluntaryo na ang aking nakatatandang kapatid na siya na ang susunod na tatakbo sa posisyon na naiwan ng aking ama dahil sa pagtakbong presidente at sa pagkapanalo nito. Masaya kaming lahat sa pagkapanalo ng aking ama at ng aking kapatid. Ang akala namin ay dun na magtatapos ang pamimilit saamin magkakaptid na pumasok sa pulitika since nadyan na si kuya pero hindi, gusto parin ni dad na sumunod kami ni Hugo na pareho naming ayaw. Kahit si kuya ay Sinabihan na si dad na nadyan naman na siya at wag na kami pilitin pa na mga kapatid niya na ikinapapasalamat namin ni Hugo. Ang kuya namin na sumalo sa lahat ng expectations ni dad para sa aming tatlo magkakapatid ay nananatili paring mabait, mapagpasensya at mapagmahal. Ang lagi pa ngang sinasabi ni Hugo ay ang kuya daw namin ang guardian angel namin at ako naman daw yung guardian devil niya. Ewan ko ba sa batang yun mabait naman ako.
I remember after studying ay nagsimula na agad ako magtrabo na hindi gumagamit ng koneksyon ng aking parents, not sure how I did it but I did it nakapag intern ako sa isang company sa New York at instead of using my parents name as a guardian I used my aunt's and uncle's name on my mom's side. At kapag may nagtatanong naman kung anong koneksyon ko sa mga Marquezeille ay lagi ko sinasabi na malayong kamag-anak o baka ay kapangalan ko lang. Pero meron pa rin talaga nakakamukha saakin dahil sa magkakamukha kami mag-kakapatid. Right now I'm starting my own business but wala pa akong pinagsasabihan na kahit sino.
Pag katapos kumain at mag-usap ay kanya-kanya na kaming akyat sa aming silid. Ng makapasok sa kwarto ko ay hindi ko mapigilang makaramdam ng nostalgia, walang binago ang aking mga magulang mula nung umalis ako dito sa bahay. Pagkatapos mag-shower, magbihis at patuyo ng buhok ay buntong hingang humiga na ako sa aking kama.
Nakakapagod ang araw na ito kahit wala naman akong ginawa kung hindi ay umupo ng umupo at kumain at ngayon nga ay nakahiga naman. Maya-maya pa nga ay unti-unti na aking nakatulog.
Author's Note ✍️
Thank you for reading loves. 💕
I was contemplating if I should write this story in English or in Tagalog but decided to just write it in tag-glish nalang.Still thinking of a country's name or pwede ko naman gamitin nalang name ng country natin.
Suggest kayo magandang name ng country. HAHAHA Binigyan kayo ng trabaho e noh charowt ☺️ anyways ingat always 'cause it's been raining in manila. ⛈️
4:47pm 07.16.2023
BINABASA MO ANG
The President's Son
RomanceThe story of how the second son of the president fell in love. (Zi & Sae) I will be uploading the full version. Kindly read the announcement in this book. Thank you. 💙