Zion
Kinabukasan ay maaga ako nagising around 6am kaya naman may oras pa ako mag-exercise. Pagkalipas ng 30 minutes ay tumigil na rin akong mag exercise, nagpahinga ako saglit bago nag-shower at bumaba na para mag-agahan. Pagkatapos mag-agahan ay dumeretso na sila dad & mom sa Blue House. Kung tutuusin ay pwede doon nalang kami lahat tumira dahil bahay iyon ng presidente ng bansa ngunit nakumbinse ng aking ina ang aking ama na hayaan kami kung saan namin gusto mamalagi. Mayroon naman kami na mga gamit sa Blue House ganoon din ang Mom & Dad dahil sila ang madalas mag stay doon. Kalaunan ay doon na rin madalas mamalagi ang aking mga kapatid noong umalis ako pa ibang bansa, dahil ako lang naman talaga ang pinaka ayaw at sigurado akong sinasamahan lamang ako ng aking mga kapatid sa masyon.
Nag-ring ang phone ko sa aking bulsa, kinuha ko ito at nakita kong may missed call si Hester isa sa matatalik kong kaibigan. Binuksan ko na rin ang wifi ng phone ko dahil hindi ko ito binuksan mula ng pag-dating ko dito sapagkat ayaw ko munang may makausap. Ngayon nga na nakakonekta na sa wifi ang phone ko ay sunod-sunod na notifications ang nag pop-up at ang karamihan ay mula sa ANG MGA ITIM NA TUPA na pangalan ng group chat namin magkakaibigan. The Black Sheeps in english ang pumili ng pangalan ay si Malachi bagay raw ito saamin dahil lahat kami ay umiba ng landas sa aming mga pamilya. Lahat kami ay hind sinunod ang mga gustong ipagawa o ang mga gustong ipa- pursue saamin ng aming mga magulang.
Sinimulan ko na basahin ang mga chat at nag backread. Marami-rami na rin ang chats at ang pinag-uusapan ay ang pagkikita-kita namin mamaya.
"Zion & Idris are back so let's go out tonight." chat ni Hester.
"Yeah, since we are all back we should catch up." reply naman ni Eros.
"I bet y'all must have girlfriends now huh" chat ni Idris.
"Nope, I don't have. And why settle for one if you can have many." reply ni Azeil.
Saamin lahat itong si Azi at si Eros ang talagang napaka playboy. Pinagsabihan na namin sila before na hindi dapat pinaglalaruan ang mga babae o kahit sino man. Pero wala ang kukulit talaga at palagi sinasabi na mutual naman daw na gusto nila at ng mga nakaka-flying nila ang ginagawa nila. Dapat lang dahil kung hindi at nalaman namin na may pinilit sila ay may kalalagyan ang mga ito.
"Hindi talaga kayo nagbabago ni Eros, Azi" reply ni Malachi.
"Oh bakit naman ako nadamay nanahimik yung tao si Azi lang naman nagsasalita ng ganyan argh 🥲" reply ni Eros.
"HAHAHAHAHA" tinawanan lang ito ni Azi.
"Let's all meet up tonight" nag-chat na rin ako.
"Aye nag chat na rin si Zi" chat ni Hester.
"Alright, I'll call my kuya's bar to reserve a vvip room for us." reply ni Idris.
"Yes!" si Eros
"Tuwang-tuwa si cupido" chat ni Azi.
"Offcourse" maikling reply ni Eros.
At nag-tawanan na lamang kami sa group chat. Pagkatapos pag-usapan ang oras ng pagkikita namin ay napagdesisyunan ko muna na umalis ng bahay. I want to go to the mall. The malls in the states are nothing compared to our malls here, the malls in the states looks so dull. So I went outside & look for my good old car, ipinahanda na ito nila mom & dad para sa pagdating ko. I went inside my car & waited for our guard to opened the gate. I took my time driving hindi naman ako nag-mamadali, I got all the time in my hands.
Pagkarating sa mall and after parking my car nag-simula na ako maglibot-libot. I don't have anywhere to go in mind basta ay gusto ko lamang mag-libot.
Saerah
It's saturday today at nagyayang magpunta ng mall ang tatlo kong bestfriend. Dahil pare-pareho naman kaming walang ganap for today's video kaya napag-pasyahan namin na mag-bonding na lamang. Ang pinsan ko naman ay may lakad din kasama ang mga kaibigan sa school. Napag-kasunduan namin na sa mall na mismo magkita-kita. Una kong nakita si Lilac, wala pa yung dalawa.
"Hello Saerah bebe gurl" bati saakin ni Lilac sabay beso at yakap. Ganito talaga tawag niya saamin at natatawa nalang kami, saamin niya lang din naman ito ginagamit hindi sa iba niyang kaibigan.
"Hi Lai, kumusta ka na?" bati ko rin at tumugon sa kanyang beso at yakap. Kinumusta ko ito dahil nasabi niya saamin na nagkasakit ang kanyang lolo at nag-aalala siya na baka maapektuhan rin ang kalusugan ng kanyang lola. Laki sa lolo at lola si Lilac dahil bata pa lamang ay iniwan na ito ng mga magulang ang ama niya ay nambabae at ang ina niya naman ay nasa ibang bansa at may ibang pamilya na. Nakakalungkot isipin, palagi ko iniisip na malungkot ang sitwasyon ng pamilya namin dahil complicated ang relasyon ng aking mga magulang dahil siguro ang tagal na nilang malayo sa isa't-isa o baka may iba pang dahilan. Baby palang ako ay nangibang bansa na si mama at tuwing may okasyon lang umuuwi pero apat na taon ang nakakalipas mula nung huling bakasyon nito saamin. Kahit na nagchat naman kami at call ay iba pa rin kapag kasama mo ang iyong magulang.
"Ito inaalala si lola at lolo, alam mo naman na sila nalang ang meron ako" may lungkot na pahayag ni Lilac.
"Tatagan mo ang loob mo para sa kanila" sabi ko.
"Oo naman at tsaka walang mahina saatin mag-kakaibigan noh" tumatawang sagot niya.
Maya-maya pa ay dumating na si Beu at patakbong niyakap kaming dalawa ni Lilac.
"I miss you my girls!" masayang bati saamin ni Beau na sinundan din namin ng bati, beso at yakap.
"We miss you too!" sabay na bati namin ni Lilac.
Konting kumustahan at maya-maya pa ay sunod ng dumating si Jia ito ang may pinaka malayong bahay saamin kaya madalas ito mahuli pero ilang minuto lang naman.
"Hello beautiful ladies" sweet na bati niya sabay beso saamin isa-isa.
"Group hug!" biglang sabi Jia kaya sabay-sabay kami nag group hug na tumatawa. Ang saya talaga kapag kasama mo ang mga close mo na kaibigan at mapagkakatiwalaan.
Pagkatapos mag-kamustahan ay nagpasya kami na maglibot-libot muna dahil maaga pa naman para tama lamang na magutom pag lunch time na. Parang ibang saya ang nararamdaman ko ngayon feeling ko magiging maganda itong buong araw na ito.
Author's note✍️
What do you think loves?
I know wala pa 'tong readers but hopefully ma discover niyo 'tong gem na'to.2:56pm 07/17/2023
BINABASA MO ANG
The President's Son
RomanceThe story of how the second son of the president fell in love. (Zi & Sae) I will be uploading the full version. Kindly read the announcement in this book. Thank you. 💙