CHAPTER 22

6.1K 146 29
                                    

This chapter is dedicated to BitchyRascen. Hi love! Thanks for the support. 🥳

---
Miss

I don’t want to bear kids at this age. Para sa akin ay masiyado pang maaga para maging isang ina. Takot din ako na baka dahil sa sariling propesyon ay mapahamak ang magiging anak ko. Threats are everywhere but because of my job, I become more prone to it.

I will build a family in the right time, with the man destined to me. Hindi naman iyon kailangang madaliin. Having kids can certainly wait until I am ready. Besides, I have a coming niece or nephew from my sister. Yes, I do love and adore children. They’re cute and amazingly awesome. Pero hindi ko naman inaasahang magiging ganito kalaki ang epekto ng pagkakaroon ng bata sa sariling tahanan.

A life saver, I can say as this probable child will change Mommy Salvacion’s condition. We can’t really judge someone’s view and perception of happiness. Kung para sa atin ito ay mababaw at simpleng pangyayari lamang, para sa kanila’y malaking bagay na ito.

They say a child is always a blessing. It gives light to the whole family. The source of laughter’s, the strength and a gift. Seeing Mommy Salvacion’s bright face upon hearing what Chaz have said, proves that claim.

Kung gaano kahirap makumbinse si Mommy na magpagamot noong nakaraan, gano’n siya kabilis na sumang-ayon ng makita ang dalawang guhit sa pregnancy kit. She didn’t even ask for assurance if it is really mine. Tiwala siyang sa akin iyon.

My chest heaved at the thought. I’m really sorry for lying Mommy. But this is for your own good. Kapag magaling na siya nang tuluyan, siguro.. doon namin aaminin ang lahat.

“Narito na pala kayo,” boses ni Daddy ang nagpabalik sa akin sa wisyo.

Bumaling siya sa amin bago kay Mommy Salvacion na nasa hospital bed. Nakatulog siya pero ang PT ay nanatili sa kaniyang kamay. Tumayo si Chaz sa aking tabi. It’s been a minutes and we’re just waiting for his father. Chaz needs to talk to him before we leave.

“I’ll talk to him. Can you wait for me?” tanong niya.

Tipid akong ngumiti. “Go ahead. I’ll just stay here.”

Tumitig siya sa mukha ko. He licked his lower lip before looking at his wristwatch. After a while, he nodded and went to his father. Nagtagpo ang tingin namin ni Dadddy Rodolfo.

“Good afternoon, Dad.” I greeted.

He smiled. “Good afternoon, hija.” malamyos ang tinig na sagot niya pabalik.

Chaz' parents are really kind especially her mother. Pero si Daddy ay may pag ka-istrikto ang tindig kung sa isang tingin lamang. His dark aura was like a replica of Chaz particularly those set of dark irises.

“We have to talk, Dad.” pormal na pahayag ni Chaz sa ama.

“About what hijo?” binalikan ni Daddy Rodolfo ng tingin si Mommy.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagkunot ng kaniyang noo nang makita ang dala-dala nito. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Napatayo ako nang wala sa oras saka tinabihan si Chaz.

Daddy glanced at us with confused look. “What happened here?” nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa.

My hands turned cold. His brows were creased. Dumapo ang tingin ko kay Chaz na may hindi mabasang reaksyon sa mukha.

“I'll explain everything, but not here.” Chaz retorted.

I detached my gaze at him and looked at Dad. Nagkatinginan kami, sanhi para muli akong mag-iwas ng tingin. Pinili kong pagmasdan si Mommy na mahimbing na natutulog. Nakarinig ako ng buntonghininga na batid kong galing kay Daddy.

Taming My Ruthless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now