CHAPTER 37

7K 147 146
                                    

Isla Cali

“Charity, paparoon kami sa kabilang isla, ano sama ka?”

Mula sa ginagawa, lumipad kay Roberta ang aking paningin ng bigla itong sumulpot sa labas ng aming bintana. Kaharap ko ang lamesang gawa sa kahoy at kasalakuyang nagbabalot ng Moron gamit ang dahon ng saging.

“Dito na lang ako, Roberta. Alam mo namang hindi ako pinapayagang magpunta sa Isla ni Rhys.”

“Magbebenta ka lang naman doon. Saka alam mo ba? Bukas ay araw ng pyesta, siguradong maraming bisita ang dadalo! Ubos agad ang paninda mo niyan!” gatong pa niya.

“Marami rin namang tatao ngayon sa simabahan, doon na lang ako pupwesto.”

Malalim ang naging buntonghininga ni Roberta sa sagot ko. Muli kong tinigil ang ginagawa saka siya binalingan. Magkasalubong ang kaniyang kilay, nakatulis ang nguso at may bahid ng iritasyon ang mukha.

“Ayos lang talaga ako rito. Kayo na lang muna ang pumaroon, mauubos din naman ‘to hanggang sa sumapit ang dilim.” paliwanag ko pa.

“Eh, ano ba kasing kinakatakot mo? Mabait naman si Rhys, mauunawan niya kung sa Isla Cali ka magbenta. Doon ay siguradong hindi pa tapos ang araw, may pera ka na!”

“Tompak ganern, Roberta! Wala rin naman dito si Papi, hindi niya malalamang lumayag ka. Iyon ay kung hindi mo ipapaalam!” mula sa likod, ay biglang sumulpot si Menerva.

“Mamayang hapon pa ang uwi no’n! Kaya tara na, Charity sama ka na!” dugtong ni Roberta.

Natawa ako sa pagiging pursigido ng dalawa. Si Roberta at Menerva ay ilan sa naging kaibigan ko rito sa isla na kung tawagin ay Monhon. Silang dalawa ang palagi kong nakakasama lalo na sa paglalako ng ginawa naming kakanin upang may pang tustos sa pang araw-araw na pamumuhay.

Wala akong maalala. Ang sabi ng doctor ay may dissociative amnesia raw ako. Minsan ay sumasakit ang ulo ko lalo sa tuwing pilit kong inaalala ang aking nakaraan. Noong unang mga taon ay gusto ko talagang makaalala. Ang tungkol sa buhay ko, kung sino ba ako.. kung saan ako nanggaling at kung may pamilya ba ako.

Ngunit, sa tuwing nangyayari iyon ay sa hospital ang palaging bagsak ko. Matindi ang nagiging pagkirot ng aking ulo na halos bumiyak ito sa dalawa. At si Rhys.. na kasama ko rito sa Monhon, ang sumasalo sa responsibilidad. Siya ang nagbabayad ng bills ko, bumibili ng mga gamot, na kalaunanan.. napagtanto kong mali ang ginagawa ko.

Wala akong pera. Siya ang bukod tanging bumubuhay sa akin at sa kagustuhang makaalala.. mas lalo akong nagiging pabigat sa kaniya.

“Masaya roon, Charity. Hindi ka magsisisi.” ani ni Menerva.

“Huwag mo nang alalahanin si Rhys, nag-alala lang naman sa iyo ang tao kaya hindi ka hinayaang umalis dito. Kami ang kasama mo, hindi ka namin papabayaan.” sabi pa ni Roberta.

Rhys..

The man whom I indebted my life. He isn’t my boyfriend, he said. Sa loob ng anim na taon ay palagi siyang nasa tabi ko. Hindi niya ako iniwan, sa halip ay inalagaan. Pinakain, binigyan ng tirahan, at higit sa lahat iningatan.

He respect me. He's too good that I stayed under his roof for years.

Sa ngayon ay ito ang aming pinagkukunan ng pera. Ako bilang taga gawa ng iba’t-ibang kakainin habang siya ay sumasama sa pangingisda. Kung minsan din ay pumapasok siya sa construction worker. Lahat siguro ng pwedeng matrabaho ay ginawa na ni Rhys masiguro lang na mayroon kaming kainin sa hapag, at mayroon akong iniinom na gamot.

Napakabuti niya. Kaya’t hindi ko maatim na suwayin ang tanging isang habilin niya sa akin.. iyon ay ang huwag tumapak sa karatig na Isla.

“Anim na taon ka na rito, hindi ka ba nababagot? Nagmistula ka pang preso, ‘day!” dagdag pa ni Menerva.

Taming My Ruthless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now