Amethyst Montreux
BIGLAAN ang kanyang pagdilat. Sa pagmulat ng kanyang mata, mga punong wala nang mga dahon ang unang natanaw niya mula sa pagkakahiga. May mga ilang uwak ang nagliliparan at halos pula ang kalangitan.
Dahan dahan siyang napabangon. Ramdam pa rin niya hanggang ngayon ang pananakit ng kanyang sikmura kung kaya't nahirapan pa siyang umupo mula sa kanyang pagkakahiga.
Doon lamang siya natauhan nang maisip ang pananakit ng sikmura. Nabugbog siya kanina hindi ba? Bakit narito siya ngayon sa isang gubat? Isang nakakatakot na lugar.
"Chloe?" tawag niya ngunit walang nasagot. Muli niya itong tinawag ngunit wala pa rin siyang napapala.
Sa isa pa niyang tawag sa kaibigan ay nagitla siya nang makarinig ng kakaibang kaluskos sa 'di kalayuan sa kanya. Ramdam na niya ang kaba sa kanyang dibdib dahil alam niyang hindi lang siya ang tao rito.
"S-Sino iyan?!" tanong niya at 'di naitago ang pagkautal dahil sa kaba.
Halos manlaki ang kanyang mata nang lumabas ang 'di malamang nilalang sa pwesto kung saan niya narinig ang kaluskos nito.
Tumayo ito at humarap sa kanya. Nakasuot ng isang black cloak at natatakpan parin ang ulo nito. Tanging bibig lamang nito ang kanyang natatanaw dahil nakayuko ito sa kanya.
"S-Sino ka?" tanong niya rito at bahagya siyang gumapang paatras nang mapansin niyang umisang hakbang ang nilalang.
Hindi ito sumagot na mas lalong nagpatakot sa kanya. He's dangerous. Ramdam niya rin ang kakaiba sa awra nito. Para itong nababalutan ng itim na salamangka kahit hindi siya siguro kung tama ang kanyang hinala. Ngunit maaaring ganoon nga. Kung siya nga ay may kakaiba sa pagkatao na halos isigaw sa kanya na abnormal siya, ito pa kayang nilalang na ito sa llugar na kung saan sa mga pelikula lang niya nakikita't napapanuod?
"H'wag kang lalapit!" hiyaw niya rito nang mas naglalakad ito palapit sa kanya. Nakatiim bagang ang nilalang na iyon, tanda na lalaki ito.
Mas nahintakutan siya nang halos mawala ito sa kanyang harap ngunit sa isang pagkurap lamang ng kanyang mata at nakaluhod na ito sa kanya at hawak ang kanyang panga.
"Ikaw ang bubuhay sa'kin..." wika nito na nagpakunot ng kanyang noo. Ano'ng ibig nitong sabihin?
"B-Bitawan mo 'ko!" nahihirapan niyang wika dahil napapadiin na ang paghawak nito sa kanyang panga.
"Ikaw ang bubuhay sa akin!!!" sigaw nito sa kanya at matapos no'n ay naglaho ito na parang bula sa kanyang harapan. Leaving her a wound on her jaw.
"Amethyst! Gumising ka!" her eyes suddenly opened. Napaupo siya mula sa pagkakahiga at hinahabol ang hininga.
Shit, panaginip lang pala. Buti na lang.
"Ayos ka lang? Binabangungot ka kanina. Ito uminom ka muna ng tubig." Mabilis niyang inabot ang tubig at saka ininom ng mabilis. Matapos niyon ay napatingin siya sa dalaga.
"It's the same dream again," utas niya ilang sandali.
"Yung about na naman sa lalaking nakaitim at laging kang sinisigawan ng, 'Ikaw ang bubuhay sa'kin'?" tumango siya bilang tugon. "Ano bang ibig sabihin niyan?"
Miski siya ay hindi alam ang sagot. At oo, paulit ulit ang kanyang panaginip magmula nang tumuntong siya ng edad na disiotso. Nung mga unang araw no'n ay halos gabi gabi siyang hindi pinapatulog niyon. Hanggang sa dumalang nitong mga nakalipas na taon. Ngayon lang niya ulit ito napaginipan. Ang huli bago ito ay halos dalawang buwan na ang nakakaraan.
BINABASA MO ANG
Amethyst: The Porphyra Princess
FantasyAn adventure of a Princess destined to avenge her lost kingdom and take back of what is rightfully hers. Book Cover Credits to: CG Threena :)