Sa aking ina na si Leonor,
Happy mothers' day. Wala na akong mababanggit pa kundi 4 na salita lamang. Ito ay ang salamat, sori, at mahal kita.Salamat sa lahat ng sakripisyo, pagmamahal, pagkalinga, pagsuporta at paggabay sa akin ng walang pinipiling lugar,kondisyon, at panahon. Utang ko sa iyo ang buhay at katauhan ko dahil hindi ako magiging ako kung wala ka. Salamat sa pagiging isang katulong, doktor, nars, yaya, kasambahay, tagapagluto, titser, ina at marami pang iba kahit wala kang suweldo at day-off.
Sori sa lahat ng aking mga pagsuway sa iyong utos, intensyon man o hindi. Sori po sa lahat-lahat.
Mahal na mahal po kita at hindi ko na kailangan pang ipaliwanag iyon.
Kahit hindi ko madalas banggitin ang mga salitang ito at ipakita sa mga ginagawa ko ay alam ko pong alam mo ang lubos-lubos na paghanga, pagmamahal, pagrespeto at pagtitiwala ko sa iyo.
Ang iyong anak,
AJ
BINABASA MO ANG
Mother's Day (Short Story)
Phi Hư CấuShort story patungkol sa buhay ng isang ina at sa pagpapahalaga ng kanyang anak.