The Night Before Mother's Day

142 0 0
                                    

"Mommy, alis na po ako. Pupunta po akong ospital ngayong gabi dahil may naistroke na kailangang operahan para matanggal ang nakabara sa mga arteries. Wala po kasing ibang doktor na pwede at ako na rin po ang pinakamalapit sa ospital kaya ako na lang po ang tinawagan. Aalis po tayo bukas papuntang mall. Kung may kailangan ka po tawagan ko na lang ako. Tulog ka na po." sabi ng aking nag-iisang dalaga sabay halik sa aking noo at nagmamadaling umalis.

"O sige, anak. Ingat sa pag-uwi ha." sabi ko naman at umakyat na sa kwarto namin ng yumao kong asawa para matulog.

Nasa kwarto na ako ng mapatingin ako sa larawan naming tatlo sa Luneta na nakasabit sa may dingding. Tatlong taong gulang pa lang si Claire noon, 40 naman kami ng aking asawa. Ang saya-saya namin noong araw na yun.

Naalala ko na naman yung araw na ipinanganak ko si Claire. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sakit at saya na naramdaman ko noong araw na yun. Ang araw na ipinanganak ko ang isa sa mga importanteng tao sa aking buhay.

*ahem**ahem* Dali-dali kong kinuha ang aking panyo upang punasan ang dugo na sumama sa aking laway. Oo, may malala akong sakit na hindi ko masabi-sabi sa aking anak dahil ayaw ko na siyang mag-alala pa. Kahit alam kong kaya naman niya akong ipagamot at ipatingin sa mga kaibigan niyang ispesyalista ay hindi ako papayag. Mamamatay na rin naman na ako eh. Nakita ko namang kaya na niyang mabuhay mag-isa at nakapag-tapos na siya ng kolehiyo at nagtatrabaho na.

Naalala ko ang lahat ng "recognition" at "graduation" ceremonies na dinaluhan ko. "Achiever" kasi si Claire. Top 1 na siya simula junior kinder pa lamang at tuwing mga recognition ay talagang hinahakot niya ang mga medalya sa bawat seremonya na dinadaluhan ko. Noong gumradweyt naman siya sa elementarya ay siya ang valedictorian ng kanilang batch at nakuha niya ang halos lahat ng best. Ispesyalista si Claire sa cardiology at neurology. Kaya siya nagdoktor dahil gusto niyang mapahaba pa ang buhay ng kanyang pasyente at hindi matulad sa kanyang ama na namatay dahil sa atake sa puso.

*ahem**ahem* Para sa akin ay "worth it" naman ang lahat ng sakripisyo na ginawa ko para sa kanya, simula sa pagdadalang-tao hanggang ngayon. Hindi ako nagsisisi na ginawa ko ang lahat ng ginawa ko noon para gawin ang "role" ng isang ina sa buhay niya. *ahem**ahem* Ang kanyang tagasuporta, gabay, tagapagsilbi, tagapagalaga at marami pang iba sa loob ng 24 oras sa 365 na araw ng walang "day-off".

*ahem**ahem**ahem*

Ok na sa aking mamatay na ako ngayon dahil alam kong nasa mabuting kalagayan na si Claire.

*ahem**ahem* Lalong lumalala ang aking sakit. *ahem**ahem* Hindi ko na kaya pa. Gusto ko ng *ahem* matulog.*ahem* Matulog habambuhay at bantayan, panoorin at suportahan ang aking pinakamamahal na anak.

Paalam, Claire. Hanggang sa magkita tayo sa kabilang buhay.

Mother's Day (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon