Chapter 1.

5 0 0
                                    

Couldn't Remember

~~~~~~~~~~~~~~~

Dahan-dahan kong minumulat ang mga mata ko habang nakahiga ako sa isang malaki kama. Ilang minuto kong pinagmasdan ang paligid. Nasa isang malawak na kwarto ako at hindi ko malaman kung nasan ito.

"Sa wakas nagising kana." narinig kong sinabi sa akin nang babae.

Napalingon ako sa gawi niya na nasa may kanang ulohan ko na nakatayo. Nakasuot ito nang puting damit at may cap na puti sa ulo nito.

"Sino ka? Nasaan ako?" tanong ko sa kanya.

"Ako 'yong nurse na naka-assign sa'yo ngayon at nandito ka ngayon sa hospital." nakangiting sagot niya sa akin.

"Hospital?" mahinang tugon ko sa kanyang sinabi sa akin.

"Sandali lang at tatawagin ko si doc." sabi niya muli sa akin at nakatingin lang ako sa kanya habang papalabas ito sa kwarto.

Inangat ko ang kamay ko nang maramdaman kong may nakakabit dito, at nakita kong may nakakabit ditong suwero.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. Ramdam na ramdam ko ang bigat nang aking katawan.

Nang makaupo na ako ay napahawak ang kaliwang kamay ko sa aking ulo. May bandage ito, at napangiwi nalang ako dahil sa naramdaman kong masakit dito. "Ano'ng nangyari sa'kin?" tanong ko sa sarili habang inaalala ko ang mga bagay-bagay.

Napasulyap ako sa may bintana at napansin ko doon ang isang kulay gintong plorera na nakapatong sa isang mesa. Meron itong mga nagkukumpulang pulang pulang mga rosas.

Ibinaba ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa aking ulo at napangiti ako dito. Natuwa ang puso ko nang makita ko ang mga bulaklak.

Napakaganda nilang pagmasdan. Nasabi ko nalang sa isip ko.

Bumukas ang pinto nang kwarto at nakita kong pumasok doon ang nurse na kausap ko kanina. Kasama nito ang sinabi niyang tatawagin niya na doctor, ngunit napansin ko may kasama pa silang isa lalaki.

"Sa wakas ay nagising kana." nakangiting sabi sa akin nang lalaking nakasuot nang puting uniform at malamang ay ito ang doctor. "Anong nararamdaman mo?" tanong nito muli nang makalapit na sila sa akin.

"Ano po'ng nangyari sa akin?" Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkos, tanong din ang sumagi sa isip ko na sabihin sa kaniya.

"Bakit po ako nandito sa hospital?" tanong ko pa ulit sa kanila.

"Na comatose ka." Unang sagot niya sa tanong ko. "Simula nung aksidenteng nangyari sa iyo tatlong linggo kang walang malay." sagot sa akin nang doctor.

"Naaksidente po ako?" Ulit kong tanong sa kaniya.

Nakita kong tumalikod at lumabas ang lalaki na nasa likuran kanina nang doctor. Ngunit hindi ko ito pinansin masyado. Maaaring isa ito sa mga staff nang hospital.

Ang gusto ko ngayon malaman ay ang nangyari sa akin. Kung bakit ako nandito sa hospital.

"Oo ija, naaksidente ka noong nakaraang tatlong linggo. Hindi mo ba natatandaan?" Sagot niya sa akin.

"Hindi po e." At hinawakan ko ulit nang kaliwang kamay ko ang aking ulo. Medyo nararamdaman kong kumikirot ito.

"Huwag mo muna puwersahin sarili mo sa pag iisip ija. Ang mahalaga ngayon ay nagising kana. Halika at susuriin kita." Kinuha nito ang isang maliit na bagay na hawak nang nurse. Isang maliit na flashlight.

Binaba ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa aking ulo at hinayaan kong suriin nito ang mga mata ko.

"Wala akong nakikitang pinsala sa mga mata mo." Sinabi nito nang matapos akong suriin.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong itatanong ko.

Pumasok muli 'yong isang lalaki na kasama kanina nang doctor at nurse.

Nakita kong lumingon dito sa kanya ang doctor. Ngunit hindi ko padin ito pinansin. Inaalala ko ang bagay-bagay. Hindi nagfaflashback sa utak ko ang mga nangyari.

"Nakikita kong mabuti na ang kalagayan niya." Narinig kong sinabi nang doctor sa lalaki.

"Hayaan muna natin makapagpahinga ang pasyente. 'wag muna natin puwersahin sa pag-iisip at baka makasama pa sa kanya." Napalingon ako sa lalaki.

Wait! Sino siya. Natanong ko sa sarili nang mapansin kong siya ang kinakausap nang doctor tungkol sa akin.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito nang maroon longsleeve ngunit nakatupi ang mga manggas nito hanggang siko, at black pants. Medyo matangkad siya at may kaputian ang kutis. Kitang kita sa suot niyang salamin ang mga singkit niyang mata.

May itsura siya, 'yon nga lang, hindi ko siya kilala.

"Opo doc., masusunod po. Salamat doc." sagot niya sa abiso nang doctor sa kanya.

"Siya nga pala, alam na ba ni Mr. Arguelles ang tungkol sa kanya?" Narinig kong tanong nang doctor sa lalaki.

Mr. Arguelles? sino naman siya? tanong ko ulit sa sarili ko.

Hindi ko alam ko sino pinag-uusapan nila. Iniisip ko nalang na tanongin ang lalaking ito mamaya pagkatapos nilang mag-usap nang doctor.

"Opo doc.. Natawagan ko na po siya." sagot niya sa doctor.

"Mabuti naman. Sigurado akong matutuwa siya dito."

Ngumiti ang lalaki sa doctor bilang tugon niya sa sinabi nito.

Nakikinig na lamang ako sa usapan nila gayong hindi ko nadin alam kung ano sasabihin ko.

"Patingin nga ulit ako nang records niya." Lumingon na ang doctor sa nurse at may kinuha siya dito. "Ano nga ulit pangalan mo ija?" tanong nang doctor sa akin habang binubuklat ang mga papel at malamang ito ang mga records ko.

"Teka. Pangalan ko?" Natanong ko din ang sarili ko. Pangalan ko? tanong ko muli sa isipan.

Pinipilit kong isipin kung ano ang pangalan ko. Pero bakit hindi ko alam ang pangalan ko.

Bigla akong nakaramdam nang takot at kaba.

"Sandali lang! Ano nga ba'ng pangalan ko?" Hindi ko na napigilan at napatanong na ako sa kanila.

"Bakit! Bakit hindi ko kilala pati sarili ko!"

"Bakit wala akong matandaan!?" Nararamdaman kong namumuo na ang mga luha ko sa mg mata ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Nanginginig ang buong katawan ko.

Magkagayunpaman ay nakikita ko ang reaction nilang lahat. Halatang nagulat din sila sa akin.

"Doc.? Bakit wala akong maalala? Bakit gan'to?" Hindi ko na napigilan at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko. Napahawak na ako sa dibdib ko dahil ramdam kong sumasakit at sumisikip ito sa sobrang takot ko.

Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako dahil sa pag-iisip. Pinipilit kong inaalala ang lahat pero wala talaga ako maalala.

"Mam, kumalma kalang. 'wag mong piliting mag-isip." Narinig kong sinabi sa akin nang nurse.

Napahawak na ang dalawang kamay ko sa ulo ko. Kumikirot na ito, ngunit hindi ko padin mapigilang isipin ang lahat nang nangyari sa akin.

Nararamdaman ko padin ang paghagod nang kamay nang nurse sa likod ko. Pilit niya akong pinapakalma pero hindi ko talaga maiwasang maiyak.

"Anong nangyari sa'kin! Bakit nangyari sa'kin 'to! Sino ba ako! Wala talaga akong maalala!"

"Doc.?"

"Ahhh!"

Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako.

Nawawalan na nang lakas ang katawan ko at tuluyan nang nawalan ako nang pakiramdaman. Kahit anong ingay ay wala na akong marinig hanggang sa unti-unti nang nag dilim ang paligid.

Love Despite LiesWhere stories live. Discover now