Memories from Roses
~~~~~~~~~~~~~~~
Naririnig ko ang alon nang dagat. Ang sarap pakinggan nito at narerelax ang puso ko dahil dito.
Napakaganda din nang kalangitan. Ramdam ko ang liwanag na tumatama sa mukha ko.
Nakahiga ako? At saan to?
Itinaas ko ang kanang kamay ko at sinubukan kong takpan nang palad ko ang nasisilaw na mga mata ko.
"Rosario!"
May tumatawag sa akin? Sino 'yon?
"Rosaro!"
Nagising ako mula sa himbing nang tulog. Hindi ko masyadong mabuka ang mga mata ko dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko at nasisilaw dito ang mga mata ko.
Naka-awang na ang mga kurtina kaya ang sikat nang araw ay pumapasok sa kwarto mula sa bintana.
Panaginip lang pala 'yon. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko.
"Binibining rosario?"
Napadilat ulit ako at lumingon ako sa tumawag sa'kin. Nasa kaliwang bahagi nang kama ko nakatayo sina martha at olivia.
"Binibini, ayos lang po ba kayo?" Tanong ni olivia at nagtaka naman ako dito.
"Nag-sasalita po kasi kayo binibini habang tulog. Nag-alala lang po kami." Sabi naman ni martha sa akin.
"Ayos lang naman ako. Nanaginip lang ako." Nginitian ko sila. "wag na kayo mag-alala sakin. Wala lang naman 'yon"
"Mabuti naman po binibini. Salamat sa diyos." Napangiti ako ulit sa sinabi ni martha.
"Salamat sa pag-aalala niyo."
"Wala pong anuman 'yon binibini." Sagot naman sakin ulit ni martha.
"Teka, anong oras na pala?" Napalingon lingon ako't naghanap na orasan.
Lumingon sila sa katabing maliit na drawer nang kama ko. Tinignan nila ang maliit na relo na nakapatong do'n.
"Alas syete trenta po binibini."
"Gano'n ba. Salamat." Bumangon na ako.
Pagkabangon ko ay lumapit ako deretso sa malaking bintana na salamin. Nagkataon naman na nakita ko ang pagpasok ni jordan sa back seat nang kotse. Pagkatapos ay deretso itong umalis.
Hindi man lang niya naiisipang gisingin ako o kaya antayin man lang ako. Hindi ko alam pero parang nadismaya ako. Inangat ko ang kamay ko at napatitig ako sa suot kong singsing. Pero napahawak agad ang dalawang kamay ko sa mga pisngi ko. 'Bat ko ba iniisip 'yon? Maaaring busy lang siya.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Binibini? Halina po kayo. Tulungan na po namin kayong makapag-ayos." Napalingon ako kay martha na siyang nag sabi sa'kin.
"Nang makapag-almusal nadin po kayo." Dugtong naman ni olivia.
Tumango lamang ako sa kanila bilang pag-tugon. Bakit parang malungkot ako.
Ang gaganda nang mga bulaklak dito.
Pagkatapos kong mag almusal, naisipan ko nalang na mag-ikot ikot dito sa hardin. Naiinip ako't hindi ko naman alam kung anong gagawin ko sa buong maghapon dito sa malaking mansion na ito.
Napalingon ako sa likuran ko. Nakasunod lang sakin sina martha at olivia.
Kailangan ba talagang may bantay ako. Napabuntong hininga ako't bumalik ang tingin ko sa dinadaanan at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Hindi ko maintindihan pero ganoon nalang ba na sa lahat nang nakikita ko dito sa paligid, walang kahit saan dito ang pamilyar sakin. Paano ko maaalala ang nakaraan ko.
"Ah!" Narinig kong sumigaw at kasabay nito na parang may bumagsak.
"Ano 'yon?" Natanong ko sa dalawa nang magka-tinginan kami. Hindi rin sila nakaimik kaya nagmadali kaming puntahan 'yon.
Bumungad sa harapan ko ang tatlong matanda. Isang lalaki at dalawang babae.
Nakita ko na may basag na plorera sa paanan nang isang matandang babae. Nagkalat dito ang buhangin at may tangkay ito nang halaman.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanila at sabay-sabay silang napalingon sa akin.
"Binibining Rosario?" Lumapit sa akin ang matandang lalaki. "Ako po ang tagapangasiwa dito sa hardin. Pasensya na po. Nakabasag po kasi nang plorera ang isa sa mga tauhan ko. Nagulat po ba namin kayo? Paumanhin po." Paulit-ulit siya yumuko sa harap ko.
"Hindi niyo po kailangang humingi nang paumanhin." Hinawakan ko siya sa balikat at pinatayo ko siya nang maayos. "Ang kailangan po nating matignan ay baka may nasugatan po sa inyo." Nilingon nang matandang lalaki ang dalawa niyang tauhan.
"Ai binibini, wala naman po sa amin ang nasugatan." Sagot sa akin nang isang matandang babae na nakatayo sa harap nang basag na plorera.
"Salamat po sa pag-aalala binibini. Ayos lang naman po kami. Lilinisin nalang po namin dito." Sabi nang matandang lalaki.
"Binibining rosario, halikana po't pumasok na tayo sa loob. Hayaan na po natin sina ginoong joseph dito." Sabi naman ni olivia sakin nang makalapit siya.
Napansin ko ang mga plorerang may lamang buhangin. At mga nagkumpulang tangkay nang mga rosas. Napangiti ako.
"Ginoong joseph? Tama po ba 'yon po pangalan niyo?" Sabi ko sa matandang lalaki.
"Tama po kayo binibini. Bakit po?"
"Gusto ko pong tumulong dito. Gusto kong tumulong mag-ayos nang mga bulaklak."
"Po?" Narinig kong sabi ni ginoong joseph pero nilagpasan ko na siya at dumeretso ako sa mga plorera.
Napansin ko sa gilid nang mata ko ang paglapit nila sa akin. "Naku po binibini! 'wag na po. Baka masugatan lang kayo. Tsaka trabaho po namin ito binibini." Atleast hindi na ako maiinip dahil may naisip na akong gagawin ngayon kaya nginitian ko lang si ginoong joseph sa sinabi niya.
Nakita ko naman ang mga tingin nila sa akin na halatang nag-aalala. Pero sa halip, pinusod ko ang buhok ko. "Wag nadin kayo mag-alala sakin. Hayaan niyo nadin akong tumulong." Kumuha na ako nang isang plorera. "Tsaka pakiramdam ko alam ko kung pa'no gawin 'to." Tinignan ko sila at nginitian ko nalang ulit sila.
"Ano? Gawin na natin 'to?" Nakita kong nagtinginan sila.
"Ginoong joseph?" Tanong ko ulit sa matandang lalaki habang hawak ko ang plorera.
"Ha? a, sige po binibini. Basta mag-ingat ka lang po sa mga tinik nang mga rosas."
"Opo. 'wag kayo mag-alala." At nag simula nga kaming ayusin ang mga bulaklak. Kahit sina olivia at martha ay tumulong nadin.
Kahit papano'y tatlong plorera ang nataniman ko nang mga rosas. Pakiramdam ko ay nagagawa ko na 'to dati pa. Biglang sumagi sa ala-ala ko ang mukha nang isa babae.
Napakagandang babae. Nakangiti siya sa akin habang nag-aayos nang mga bulaklak.
"Mama." Nasabi ko nang makilala ko siya sa ala-ala ko.
"Aray!" Nagbalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang pagtusok nang tinik nang tangkay nang rosas sa daliri ko. Nabitawan ko ito at napatayo ako nang makita kong dumugo ang daliri ko.
"Binibini? Bakit po? Ayos lang po ba kayo? Narinig kong tanong ni olivia.
Pag-lingon ko ay nakita kong nagmadali silang lumapit sakin. Hala na natataranta sila.
"Ok lang ako, 'wag kayong matakot. Maliit na sugat lang 'to."
Ikinagulat ko nalang nang may biglang humawak sa kamay ko at tinignan nito ang sugat sa daliri ko.
"Jordan?" Sabi ko sa kanya nang makilala ko siya.
YOU ARE READING
Love Despite Lies
RomanceRosario San Pedro awaken from the coma and she found out that her memory was lost. However, there is someone who is claiming her to be his fiancée. One day, she discovered the secret of her fiancé Jordan Arguelles, but she was already started fallin...