Someone's fiancée
~~~~~~~~~~~~~~~
"Kung gano'n, nawalan na naman ako nang malay." Nasabi ko sa sarili ko at dahan-dahan ako bumangon mula sa pagkakahiga. Napabuntong hininga nalang ako dahil naalala ko ang paghi-hysterical ko kanina.
"Bakit wala akong maalala?" natanong ko nanaman ang sarili ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot padin ito.
Binaba ko ulit ang kamay ko at napatingin ako sa paligid. Wala na pala akong kasama sa kwarto. Mag-isa lang ako.
Tinignan ko ang kamay ko na may nakakabit na suwero at hindi ako nag dalawang isip na tanggalin 'to.
Bumaba ako sa kama, at dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan.
"Nasaan kaya ang lalaking 'yon?" tinutukoy ko 'yong lalaking nakasalamit na kasama no'ng nurse at tsaka no'ng doctor.
Pinihit ko 'yong door knob at binuksan ko ang pinto. Lumabas na ako nang kwarto.
Napapatingin lang sa akin ang mga nakakasalubong ko sa hallway nang hospital. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero patuloy padin ako sa paglalakad ko.
Kailangan kong malaman kung sino ako. Umiinit ang mata ko. Naiiyak ako. Pakiramdam ko mag-isa lang ako. Napahawak ako sa pader dahil parang matutumba ako.
Hinawakan ko ang dibdib ko, sumasakit at sumisikip ito.
"Ok kalang ba ija?" May nagtanong sa akin.
Napalingon ako sa kanya. Isang matandang babae at malamang isa rin itong pasyente sa hospital dahil kagaya ko, parehas kami nang suot.
Nakikita ko sa mga mata nang matanda na parang nag-aalala siya.
"Ok lang po ako nanay. Salamat po." At dali-dali akong umalis at iniwan siya. Hindi ko na siya nilingon.
Deretso padin lakad ko.
Nakita kong may papalapit na dalawang nurse na nag-uusap. Ayokong makasalubong ang mga 'to.
Pero bago pa mapalapit ang mga 'to sakin at hindi pa ako napapansin nang mga 'to, may nakita akong pinto at pumasok ako doon.
"Bakit ba ako umiiwas?" Natanong ko nalang sarili ko.
Napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang hagdanan at naisip kong umakyat nalang dito.
Sa taas nang inakyat ko, napansin ko nalang ang sarili ko na nasa rooftop na pala ako.
Mula dito sa taas, tanaw na tanaw ko ang mga taong naglalakad sa baba. Ang mga taong tumatawid sa kalsada. Ang mga taong tumatakbo at halatang nagmamadali. Ang mga sasakyan at ingay nang busina nang mga ito.
Habang nakatayo ay napapikit ang mga mata ko. Dahil sa hangin dito napakalma nito ang isip ko.
Ilang sandali kong pinakiramdaman ang sarili ko.
"Binibini!"
May narinig akong sigaw at malapit lang ito sa akin.
Minulat ko ang mga mata ko at nilingon ko kung sino 'yon.
Ang lalaking nakasalamin. Sabi ko sa sarili ko.
"Binibini? Paki-usap lumapit ka po dito sa akin. 'Wag niyo pong ituloy kung ano man ang binabalak niyo."
Ano bang sinasabi niya? Natanong ko nalang sa sarili ko. Pawis na pawis siya at halatang habol niya ang kanyang hininga dahil sa hingal. Nakita ko din sa mukha niya na kinakabahan siya.
Nang tumingin ako ulit sa harapan ko, do'n ko napansin na maaaring apat na hakbang nalang ay mahuhulog ako nito sa baba mula dito sa rooftop.
Napaatras ako, at medyo nakaramdam ako nang takot. Pero naiisip kong 'wag magpahalata sa lalaking nakasalamin.
"Sino ka?" Tinanong ko na siya.
"Ako sino ako? Kilala mo ba ako?" At humarap na ako sa kanya.
Hindi siya sumasagot sa tanong ko. Nagtataka ako kung bakit hindi siya makapagsalita.
"Magsalita ka. Paki-usap."
"Ka-ano ano kita? Ka-ano ano mo ako? Ano ba nangyari sa akin?"
"Sabihin mo sakin ang totoo."
Kalamado lang naman ang sunod sunod na pagtatanong ko sa kanya.
"Binibini, ako po si Philip." Nag-simula na siyang magsalita.
"Gaya po nang sinabi nang doctor kanina. Tatlong linggo ang nakakaraan, naaksidente ka. Nabunggo ka nang isang kotse."
"Kung gano'n nabunggo pala ako nang isang kotse kaya nangyari sa'kin."
"Opo binibini, at tatlong linggo ka din' walang malay."
Napabuntong hininga ako sa kinwento niya sa akin.
"Anong pangalan ko? At ka-ano ano kita?" Tinignan ko siya ulit.
"Binibing Rosario."
"Rosario po ang pangalan niyo. Rosario San Pedro."
Napahawak ako sa dibdib ko. Oo, familiar nga sa akin ang pangalan na iyon. Ako si Rosario San Pedro.
Binaba ko ulit ang kamay ko at tinignan ko siya ulit.
"At? Ka-ano ano kita, philip?"
Hindi na ito nakapagsalita.
"Philip?" kumunot noo ko dahil hindi na siya umimik.
"I was ordered by Mr. Arguelles na bantayan ka binibini." yumuko ulo niya.
"Mr. Arguelles? sino naman siya?" Naalala ko no'ng tinanong din siya nang doctor tungkol sa taong iyon. Sino nga ba siya.
"Bakit ba hindi ka makapagsalita nang deretso? Sino ba 'yon? Ni hindi familiar sa akin ang pangalan niya. Even ikaw, hindi ka familiar sa akin." Medyo naiinis na ako dahil hindi niya masabi sa akin lahat nang deretso.
"Tell me Mr. Philip. 'Yang si Mr. Arguelles? siya ba ang may dahilan kung bakit nang-yari sa akin 'to? At ikaw? Kasabwat ka niya?"
"Hindi Binibini." depensa agad niya.
"Then who? Sino kayo sa buhay ko? Father ko ba siya? 'Bat wala siya dito nang sa gano'n makausap ko siya tungkol sa akin?" Nararamdaman kong naiiyak na ako sa mga tanong ko sa kanya.
Gusto ko nang malaman ang tungkol sa akin.
Nagulat nalang ako nang biglang lumapit ito nang kaunti sa akin at lumuhod siya sa harapan ko at nakayuko.
"Si Mr. Arguelles. Siya ang amo ko. Siya po ang nagdala sa'yo dito sa hospital pero hindi po siya ang dahilan kung bakit ka naaksidente binibini. Nasa business meeting po siya ngayon sa tagaytay pero alam na po niya ang tungkol sa inyo, na nagising na kayo. At sinabi naman po niya na bukas andito na siya para makita kayo."
Ilang sigundo siyang nanahimik ulit. At hindi rin ako nakapagsalita dahil nagulat ako sa pag luhod niya.
"At. Hindi po siya ang iyong ama binibini. Bata pa po si Mr. Arguelles." Nakita kong ngumiti ito.
"Ang totoo. Fiancéé ka niya."
Natahimik lang ako sa mga sinabi niya. Kahit papaano nasagot naman ang mga tanong ko.
Tumalikod ako sa kanya at napahakbang nang isang beses.
"Binibini!"
Humarap ako ulit sa kanya. "Wag kang mag-alala Mr. Philip. Wala akong gagawing masama. Hindi ko gagawin kung ano man yang nasa isip mo."
Nilapitan ko na siya.
"Tumayo kana diyan. Halika na at bumaba na tayo." Nginitian ko nalang siya at lumakad na ako papunta sa pintuan nang rooftop.
"Opo binibini, teka lang po. Antayin niyo ko."
Narinig kong tawag niya pero hindi ko na siya nilingon at dere-deretso na akong naglakad papuntang pintuan.

YOU ARE READING
Love Despite Lies
RomanceRosario San Pedro awaken from the coma and she found out that her memory was lost. However, there is someone who is claiming her to be his fiancée. One day, she discovered the secret of her fiancé Jordan Arguelles, but she was already started fallin...