Chapter 2

69 9 1
                                    

Kyla's POV

"ma, pa naka uwi na po ako" sigaw ko naman

"oh anak kumain kana ba" tanong naman ni mama

"yes po mag papahinga po muna ako" hindi naman talaga ako kumain pa

Nakakawala lang ng mood yung kanina sana yung mama niya na lang ang boss ko wag siya

Sakto gabi na din matutulog nako para umiba na lang mood ko bukas hayst bad trip ang sama ng araw nato

Hindi ko na malayan naka tulog na pala ako ng sobrang himbing napagod kasi ako

Luke's POV

"mom akin na yung resume nila at para maka pili nako" seryoso kung tono

"anak kalma ka nga lang lagi kana lang high blood"sabay abot ni mom sa mga folder

"ang ganda nung babae kanina anak at ang bait pa yun yung gusto kung attitude ng magiging asawa mo" ito nanaman si mom asawa ng asawa

"mom i don't have any plans to get married" kulit nito andyan naman si kuya na may pamilya na at may anak na ilang apo ba gusto nito

"anak naman eh matanda na kami ng dad mo kaya gusto namin makita ang magiging apo namin sayo" bala bala bala kaya kami nag aaway ni dad at kuya dahil lang din sa asawa asawa na yan

Wag sana umabot sa puntong sila na ang pipili ng magiging asawa ko may plan naman talaga ako kaso wag muna ngayon dahil wala pa yung tamang tao o tamang babae para sakin madami akong naka flirt kaso wala eh pera ang habol ng lahat

"mom i tulog muna yan tara umuwi na tayo at maka pag pahinga kana pati na din ako" pag tayo ko sa upuan

Lumabas na kami ng office ko at dumiretso na sa kotse di naman sobrang traffic kaya naka uwi kami agad

"meranda luke naka uli na pala kayo" bungad ni dad samin

"yes honey luke sige na mag pahinga kana dun" tugon ni mom

Umakyat nako papuntang office ko at tiningnan ang orasan it's already 11:00 pm

Tingnan ko muna ang mga resume ng mga nag apply nag hahanap kasi ako ng magiging bagong secretary

Every week na lang kasi may na tatanggal akong secretary but now ang hanap ko ay yung mag tatagal sa ugali ko

Nakaka ungkat ko nakita ko yung resume nung babae kanina at may biglang pumasok sa utak ko hahahaha

Tinawagan ko ang contact number na naka sulat dun matagal nag ring bago niya sagotin ang tawag

On Call
"let's meet tomorrow 7:30 am ayaw ko ng late" hindi ko na siya hinayaang sumagot at agad kung binaba ang tawag

Lumabas nako ng office ko at dumiretso na sa kwarto ko may pag lalaruan nanaman ako bukas at naka tulog na nga ako

Fast Forward

Kyla's POV

6:30 am nako na gising at naalala ko 7:30 dapat nasa office nako lagot na nag mamadali nakong pumunta sa banyo para maligo

"anak dahan dahan madulas ang banyo" sigaw ni papa

"baka po ma late ako sa trabaho" sigaw ko pabalik

Ho ang lamig ng tubig bakit ba kasi late ako na gising at bat dis oras pa ng gabi tumawag yan tuloy

Dali dali akong nag bihis sa loob ng banyo at agad namang lumabas amoy na amoy ko na ang ulam na ni luto ni mama pero hindi nako makakain dito dahil late nako sana hindi traffic

"anak kain na" tawag ni mama sakin

"hindi na po late nako sa trabaho" sigaw ko habang lumalabas na ng pinto

"sige ingat anak" sabay nilang sigaw

Sana may taxi akong masasakyan ngayon 10minutes na lang meron ako

"ly ly sakay" tawag sakin ni zion nanakasakay sa motor niya

Sumakay naman ako agad dahil no choice baka ma late nako ang bilis ng patakbo niya

Ilang minuto din ay naka rating na din kami iba ang kaba ko ngayon

"thanks babyeee" sigaw ko bago pumasok ng building

Dumiretso ako sa elevator at dali daling pinindot ang 7th floor button at ng maka rating nako sa 7th floor ay nasa dulo nun ang isang pinto baka yun na ang office ni sir luke

Nag lakad naman agad ako papunta sa isang pinto madilim dun baka una pakong dumating pag pasok ko at sobrang init at sinira ko na ang pinto

Nag lakad lakad muna ako ng ma bangga ako sa isang box huh box kala ko ba office to at kinapa kapa ko ang wall at ng mahanap ko ang switch ay pinaandar ko naman yun agad agad pero laking gulat ko

Nasa budiga ako k-kala ko ba office niya to tanga na uto niya ako dali dali naman akong tumakbo pa puntang pinto pero hindi ko mabuksan yun at sobrang init na hindi nako halos maka hinga lalo na may asthma ako

"tulong" ng hihinang sigaw ko

"tulong po" ulit kung sigaw

Rinig ko ang tawa ng isang lalaki sa labas ng pinto at mas ni lakasan ko ang sigaw

"tulong po hindi nako nakakahinga please tulong po need kung huminga ng maayos" nilakasan ko ang sigaw bago mawalan ng malay

Luke's POV

Nasa labas lang ako ng pinto tawa ng tawa hahaha na uto ko siya 1 point for me

"tulong po hindi nako nakakahinga please tulong po need kung huminga ng maayos" rinig kung sigaw niya bago ako bumaba matapos nun ay hindi ko na siya narinig na sumigaw dali dali naman akong tumakbo papuntang budiga

Binuksan ko ang pinto at nakita ko siya na walang malay agad agad kung kinuha ang cellphone ko para tumawag ng ambulance binuhat ko siya papuntang baba

Ng maka baba kami ay agad siyang pinasok sa ambulance at sumunod naman ako.

Internet LoveWhere stories live. Discover now