2

7 0 0
                                    

I thought my routine would be just the same everyday. Uuwi ako, matutulog, papasok at uuwi, matutulog, papasok at uuwi ulit. Akala ko hanggang doon na lang iyon.

Hanggang sa isang araw ibinalita sa amin ang nangyare kay Princess. It was a very shocking news, not for us but also in the business world too. Halos ilang oras akong napatulala nang ibalita sa amin ng supervisor namin. Princess Uy-Mondejar died from a car accident.

Eli's wife! Eli's not here when it happened. Nasa Singapore siya, nasa business trip.

Paano nangyare? Parang kahapon lang nakita namin silang masayang magkasama. They are the best example of a perfect couple. Halos lahat ng nakakakilala sa kanila ay namamangha. Even me, I can't deny that, his relationship with her is admirable. Kahit na mas matagal kaming nagsamang dalawa.

I don't want to compare myself to her. Kasi kahit anong sabihin ko ay wala akong laban. She already owned Eli's heart.

I already gave up when I saw them happy together. At handa akong masaktan basta masaya lang sila. Hindi iyong ganito. Kung kailan tinanggap ko na, bakit pa niya iniwan si Eli!

"Tita..." mahina kong tawag dito. Gulat ito nang makita ako. Halos matumba ito sa sahig ng hospital habang umiiyak. She is sophisticated and strict, pero tila nawala ito. Umiiling ito habang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapaluha rin. Tito is not with her. Matagal ng hiwalay ang magulang ni Eli.

"Hija! I don't want this to happen! Why of all people! Sa anak ko pa nangyare ito! I can't watch him dying everyday because of what happened to Princess and .....their  child." utas ni Tita.

Hindi ko mapigilan ang yakapin siya. Kahit na naging malupit ito sa akin at naging hadlang sa relasyon namin ni Eli. I can't still blame her. I also want the best for Eli too.

This is the first time I saw her again after five years. Pero sa ganitong sitwasyon pa.

Nanatili kaming magkayakap ni Tita. Hindi ko alam kung anong sasabihin para maging ayos siya.

Sobrang sakit na sa anim na buwang pagkawala ni Princess ay iyon din ang unti unting pagkawalang ganang mabuhay ni Eli.

He even tried to kill himself. Nakipag-drag race siya. It was an intentional stunt. Binunggo niya ang kotse niya sa puno. Halos wasak ang kotse. We're still thankful na hindi siya napuruhan. He was admitted in the hospital for almost three months. Napabayaan niya na rin ang kompanya.
Buti na lamang at tumulong ang father niya para isalba ito. Sa ngayon ay nasa father niya na ang pamamahala.

He totally lost his life. At para akong dinudurog.

"Hi!" Bati ko sa kanya nang bumisita ulit ako sa bahay nila. Nakaupo lang siya sa wheelchair at hindi kumikibo. Laging malayo ang tingin. Pinakiusapan ako ni tita na bisitahin ko si Eli kapag may oras ako.

Dahil siguro nag-aalala siya dito. He never talked to us. Tahimik lang ito lagi.

Ang laki ng pinagbago niya. Para siyang walang buhay. Napapikit ako saglit ng mariin dahil sa sakit na dumaan sa dibdib ko bago humarap sa kanya at ngumiti.

"Kaka-out ko pa lang sa trabaho, sobrang tambak at kailangan kong gawin at tapusin. Pero ayos lang sanay naman na ako at masaya sa ginagawa ko." Kwento ko dito habang nililigpit ang mga kalat sa kwarto niya.

"Natapos na nga pala yung isang pr-'

"You don't need to come here anymore."
malamig na turan nito. I was taken aback when he talked to me. Ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya. Imbis na pansinin ang sinabi niya ay bahagya akong nakaramdam ng saya.

Mangha akong humarap sa kanya. Walang ekspresyon ang mukha nito. Pinilit kong itago ang ngiti ko, dahil sa wakas ay nagsalita siya, para akong magulang na narinig ang anak sa unang salita nito.

"G-Gusto ko lang namang tumulong Eli, I'm here for you. Kung ano kailangan mo sabihin mo lang."

Bahagya akong nagulat sa malamig at galit nitong titig sa akin. Tila ba may nasabi akong hindi niya nagustuhan.

"Who f*cking told you that I need you?"
Mahina ngunit mariin niyang tanong. Para akong natuyuan ng laway.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkahiya.

"If mom asked you to do this.... please stop, just get out of here!" sigaw nito.

Umigting ang panga nito sa galit. Bahagya akong napakurap ng mata dahil sa konting luha.

This is the first time he shouted at me.

"Pinaalis ka?" bungad sa akin ni Tita nang makalabas ako sa kwarto ni Eli. Nagdadalawang isip kung papasok ba siya sa kwarto ni Eli.

Nahihiya akong tumango bilang tugon. Dinala ako nito sa may balkonahe kung saan tanaw doon ang nag-gagandang ilaw ng syudad.

"Alam kong alam mo, na hindi kita gusto para sa anak ko. Noon pa man." saad nito. Imbis na magalit ako ay bahagya akong napangiti nang maalala ko ang nakaraan. Siguro kung noon ay magagalit ako kay tita, pero ngayon parang wala ng epekto. Hindi dahil sa wala na akong paki kundi dahil sa nasanay na ako sa pagiging kontrabida nito sa amin ni Eli. Unti-unti ko ng tinanggap lahat. Sa loob ng limang taon.

Napansin niya ito. Dahilan para taasan niya ako ng kilay.
"Wala lang akong maisip kung sinong tao ang makakatulong sa anak ko. Naalala ko lang dati na ikaw ang takbuhan ng anak ko noon. Hindi ko alam kung sino ang puputahan para tulungan ang anak ko. I can't see him like that because of what happened....."

"...I want you to help him, Lexi." saad nito. Pansin ko ang pagsamo ni Tita.

"Pero tita, hindi ko po alam kung paano ko siya tutulungan at kung anong tulong ang maibibigay ko."

Ipinatong nito ang kamay sa balikat ko.
"Be with him, hahayaan kita sa anak ko basta tulungan mo lang siyang bumangon ulit. Noong iniwan mo siya, nakita ko ang sakit na naramdaman niya. Princess helped him to forget you. And look at him, akala ko hindi ka niya makakalimutan but then he did because of Princess..."

Para may tumusok sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Tita. 'Princess helped him to forget you ' and he did.

"G-Gusto niyo pong tulungan ko siya na makalimutan ang nangyare sa asawa at anak niya?" Naguguluhan kong tanong. Bakas sa mukha ni tita ang pag-asa.

I understand her. Pero hindi madali ang gusto niya. Hindi basta basta lang ang pinapagawa niya.

The days and months went on too fast. Hinayaan ako ni tita na mamalagi sa kanila, kahit na halos araw araw akong sinisigawan ni Eli.

He's getting worse day by day. Walang nakakapigil sa kanya sa mga ginagawa niya. Isang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya ayos.

Minsan ay umaalis siya ng walang paalam. Malalaman na lang namin ni tita na wala na siya sa kwarto. Uuwi siya ng sobrang lasing at minsan ay may pasa pa at sugat.

Tita was so depressed and mad at the same time. Disappointed din ako sa sarili ko. Dahil sa wala akong magawa.

"Hijo, you need to go there to support your father!" Rinig kong saad ni Tita.

Kakatapos ko lang tumulong sa pagluto ng dinner sa isang kasambahay.

"Isama mo si Lexi kung gusto mo! And besides, your dad will be happy if he saw her again!"

Seryosong tumingin sa akin si Eli nang makita niya akong dumating. Malamig itong tumingin sa mama niya.

Lo sientoWhere stories live. Discover now