4

1 0 0
                                    

"Ang cute!" saad ko habang hinahaplos ang puti at makulit na golden retriever.

"What are you still doing here?" tanong ni Eli nang maabutan niya ako sa sala.

Simpleng itim na t-shirt at gray na sweatpants ang suot nito.

"Pinapunta ako ni Tita."

Tumayo ito sa gilid ng sala. Nakakunot ang noo.

"Lahat ba ng sasabihin ni mama susundin mo pa rin?" saad nito. Bahagya akong natigil sa paghaplos sa aso. Para bang may pinapahiwatig siya sa sinabi niya.

"Ah..."

Lumapit ito sa inuupuan ko at tinawag ang aso na agad naman lumapit sa kanya. Napatitig ako sa mukha niya.

Konting minuto kaming nagkatitigan nang lumingon ito sa akin. Ako ang unang umiwas. Hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya.

"Anong inutos niya?" malumanay na tanong nito. Pinagmasdan ko ang paglalaro niya sa aso. Halos isang pulgada ang layo namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko ang panglalaking pabango nito.

Lumingon ito sa akin nang hindi ko siya sinagot. Malalim akong napabuntong hininga, ginaya ko ang paglalaro niya sa aso. Pansin ko ang mga titig nito. Tila naghihintay sa sasabihin ko.

"Gusto ko din naman na pumunta dito." sagot ko.

"Why?" tanong nito. Ramdam ko ang malamig na tono niya. Bahagya akong napatigil bago magdesisyong sagutin siya.

"I want you back, Eli." tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung bakit nakaya kong sabihin ito sa kanya. Ako iyong tao na hindi madaling umamin sa nararamdaman. Pero ngayon, gusto kong magpakatotoo na sa kanya. Siguro ay naging selfish at masama ako, dahil sinamantala ko ang sitwasyon niya. Gusto kong bumawi sa kanya. Ayaw kong mag-sisi ulit.

I love him. I still love him.

Siguro naging mahina ako noon, pero ngayon ayos na ang lahat, ayaw kong isayang ang pagkakataon.

Nakita ko na wala siyang naging reaksyon sa sinabi ko. Para bang napaka walang kwenta ng sinabi ko.

"You're not going to react? Wala kang sasabihin?" tanong sa kanya. Kahit na natatakot ako sa maaaring maging sagot nito.

Ramdam ko ang panlalamig sa katawan ko nang madilim niya akong tinitigan.

"Anong gusto mong sabihin ko?....really? You want me back? For what fucking reason?" nanunuya ang tinig nito, dahilan upang manigas ako.

Malalim akong napabuntong hininga. At binalewala ang aroganteng sagot nito. Kahit na tila nasasaktan ako sa sagot niya. Binalewala ko.

"I love you Eli, I'm still in love with you."

Umiling ito, para bang mali yung nasabi ko. Tumayo ito. Bahagya akong napahaplos sa braso ko dahil sa binibigay na malamig na presenya nito. I can sense his controlling. Kita ko ang pag-igting ng panga niya, He's mad.

"You know me Lex, and you know my past. Please stop this."

Saad nito , bakas ang pagpipigil na may masabing mali bago umalis at iwan ako sa sala.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Nasasaktan ako dahil sa hindi niya ako kayang bigyan ng pagkakataon dahil hanggang ngayon si Princess pa rin. Alam ko hindi madali ang pinagdaraanan niya. Kaya kong maghintay kung kailan siya magiging handa muli.

"Mukhang napapadalas ang punta ng modelong iyon ah."  angil ni Akira nang makita namin sa loob ng kompanya si Krysta. Halos pansin namin na araw araw itong pumupunta sa opisina ni Eli. Hindi lang kami ang nakakapansin, pati na rin ang ibang empleyado dito.

Lo sientoWhere stories live. Discover now