Chapter 2

3 0 0
                                    


"Kamusta ang check up ma?" tanong ko kay mama pag kauwi galing trabaho.

Kakapasok ko lang ng bahay at bumungad naman saakin ang nakasimangot na muka ni Dalia, dahil hindi ko daw sila sinipot sa starbucks kanina sa moa.

"Bwisit ka talaga kahit kailan! sabi ko sumunod ka doon! tita yang anak mo napakatigas ng ulo. Parang di na nga ata natutulog yan eh"

"ang daldal mo ano? kamusta check up ni mama?"

"nak, tama si Dalia, kung magpahinga ka kaya muna? ituos mo muna ang atensyon mo sa pag r-review ng makapasa ka sa UST."

"Tsaka yung about sa medicine and check up ni tita, wag mo na isipin. Sabi ni mommy siya na daw ang bahala doon sa ngayon para makapag focus ka." dagdag naman ni Dalia.

"Ang iisipin mo nalang ngayon ay ang pag r-review para sa nararating na entrance exam next week, okay?"

"paano ang bayarin sa bahay? aber, Dalia?"

"Tita sabi ka lang sasakalin ko tong anak mo" natawa naman si mama sa sinabi nito at ako ay nakapanatiling nakasimangot dahil pinagtutulungan nila ako

"May mga nakalaan na pera para jan anak, atsaka kaya ko pa naman kumilos. Bayad narin naman na tayo this month kaya next month pa ang bayaran. Wag mo muna isipin iyon"

"Tama si tita! alam mo ba kapag nakapagtapos ka ng college Athena, mas magkakaroon ka ng magandang trabaho at mas matutulungan mo si tita"

"Hindi makakatulong ang-" naputol ang sasabihin ko ng tinakpan ni Dalia, ang bunganga ko at bumulong bulong ng kung ano ano

"Tama na ang dahilan. Lahat nang nagdadahilan namamatay" saad pa nito. Natawa naman si mama kaya ang ginawa ko kay Dalia ay kiniliti ko ang kanyang kamay na nakalagay sa bunganga ko

"Hindi ka titigil ah!" wika ko sakanya at kiniliti pa ito ng sobra sobra

"Bakit may fiesta sa bahay niyo ng wala ako? saya natin ah! Hi tita!!!"

"oh Atrid, buti napadalaw ka" excited na saad ni mama

"ay oo tita, para alokin sana si Athena ng trabaho hehe" tumatawa pang saad nito kaya natawa naman din ako.

"alam mo ikaw isa ka pa! hindi ka nakakatulong saamin ni tita!" agad naman nag habulan si Dalia at Astrid sa loob ng bahay namin na napaka liit. Ang saya saya ko rin na makitang masaya si mama kahit papaano.

Kahit na ganito ang buhay namin ni mama, hindi kami pinagkaitan ng kasayahan ng panginoon.

It's already thursday at ang entrance exam ay sa monday. Halos buong linggo tinous ko ang sarili ko sa pag r-review. Minsan nag n-night shift parin ako habang nag r-review para naman hindi ako makaligta ng kulang

"Athena! Pa serve sa table 4" binitawan ko ang hawak ko na libro at agad kinuha ang iseserve at ibinigay ito sa table 4

"mag aaral ka na ba ulit Athena?" tanong saakin ni ate Grace, ang may ari ng bar

"Ah opo, Ate makulit kasi sila Dalia kaya yon mag eexam ako sa uste sa monday" namangha naman ito

"aba dapat ka mag review ng mag review para makapasa ka! malaking opportunity ang uste Athena, bakit di ka muna magpahinga sa pag t-trabaho?"

Invisible String (String series #1)Where stories live. Discover now