Chapter 1

10 0 0
                                    





"Saan ba gustong ikasal ni Alexa?"

"Spain... sa Sagrada"

"Wow! Yaman talaga ng pamilya nyo bro"

Usap usapan ng mga lalaki dito sa bar. Kanina pa nga ako serve ng serve sa table nila halos makaka sampong libo na worth na ang iniinom ng mga to

"Athena! Hatid ka muna ng Black label don sa table six. Thank you!" Utos saakin ni Madam Enza, siya ang manager ng bar

Kumuha ako ng Black label sa lalagyanan at hinatid ito sa table six. Maiingay ang bar dahil sa mga nag iinuman at dahil narin sa mga nag p-perform.

"Athena! Saamin ba iyan? Nako malaki nanaman ang kita ng bar nyo sa dami ng binibili namin"

"Kahit naman di po kayo bumili malaki ang kita namin" pabirong sagot ko dito

"Sus. Kita mo yung limang lalaki na iyon sa table 3? Mga anak mayaman yan. Kumbaga may mga may ari ng kompanya o kaya anak ng mga may ari ng kompanya malaki ang kikitain nyo sa mga yan"

"Sir Diablo... ang bar namin inuman lang po ha, kung gusto nyo po mag pa kalat ng fake news doon kayo sa ibang lugar. Atsaka mayayaman iinom dito sa bar namin? Jusko sa Xylo iinom ang mga iyan kung mayayaman yan"

"Oh sige! Wag ka maniwala tuloy mo na yung pag t-trabaho mo mag ingat ka sa mga manyak" tumango nalang lamang ako at umalis na.

Kahit ganyan yan si Sir Diablo alam niya parin ang tamang pag respeto lalo na yung asawa niya at anak niya ubod ng bait.

"Athena, last nalang bago ka mag out. Pwede paki hatid ito sa table 3?"

"Hay sige akin na" pabiro ko saad sakanya at tumawa naman siya

"Salamat talaga! Ingatan mo yan ha baka mabuhos..."

Medjo nahihilo ako pero kaya ko pa naman. Papunta na ako sa table nung limang lalaki at ng makarating ako dito binigay ko isa-isa ang mga juice na nakatimpla para sakanila

"Order po sir" mahina kong saad pero patuloy parin silang lima sa pag uusap

"So sagot nyo ticket? Baka abutin ng 500k yan" sabi nung isa sa mga lalaki

"Kayanga ang dami pa namang kaibigan ni Alexa at sure ako marami gusto imbitahin yun lalo na ang pamilya nyo" sabi naman din nung isa

Di naman sa pagiging chismosa rinig ko lang tala- "Athena, right?" Ako'y nagulat sa pagbigkas ng pangalan ko ng isa sa mga lalaki

"Pano mo nalaman name ko?" Kumirat kirat ito at nakatingin saakin "your... name tag?" Ay gago malay ko ba may suot pala akong name tag

"Ahhh... Bakit po pala iyon? May ipapadagdag pa po ba kayo? Or may reklamo kayo?" Tanong ko dito. Medjo nagulat ang aking kaluluwa dahil lahat pala sila ay nakatingin saakin

"Ah wala! Okay na Diba..." hindi ko narinig ang sinabi pa nung lalaki na naka puti na long sleeve polo kasi may isinigaw si Madam Enza

"Athena! Si Jarrel nanjan na"

"Maiwan ko na po kayo." Sabi ko sa limang lalaki at tinalikuran ito.

Pumunta ako sa staff room para ayusin ang aking sarili. Hinubad ko yung suot ko na apron at isinabit ito sa sabitan, binuksan ko rin ang locker ko at kinuha ang bag at iba ko pang gamit na dala.

Bago rin ako umalis ay dumaan muna ako kay Madam Enza para kunin ang sweldo ko sakanya. Kailangan ko na ng pera eh

"7k... anjan na rin ang sweldo mo next month." Masungit na wika niya

"Salamat ho! May pambayad na ako sa renta" tumawa pa ako kaya naman tumawa rin ito "sige na! Nag hihintay na ang sundo mo"

Namaalam na ako sa iba kong katrabaho at lumabas na, nakita ko ang black ferrari na naka parada sa at may nakatayo na lalaki sa may door side nito, itsura palang ng kotse at ng tao na nakatalikod kilala ko na kung sino iyon si

Invisible String (String series #1)Where stories live. Discover now