Chi's POV
habang naglalakad kame ni cry pauwi, hindi ko talaga alam kung ano ba talaga yung nangyari?
"Cry, thank you ulit. Okey lang kahit di mo sabihin kung sino ang mahalaga ligtas nako :)"
"Sige pumasok kana, anong oras na din oh"
"Sige ingat ka paguwi"
Pumasok nako sa loob, "pinsan! Namiss kita!" - niyakap ko agad si cha na parang a year hindi nagkita.
"Ano bayan? Ano meron? Nanalo ka ba sa lotto?" - :D buti nalang kamo buhay pako.
"Wala lang :') ano nga pala sabi ni tita?"
"Magpapadala daw sya ng pang budget, meron na tayong panggala :)"
"Talaga?! Wow ang galing mo talaga pinsan"
"Bili lang ako icecream ha? Wag ka muna matutulog." - kahit kelan di matutulog to ng di nakakapag midnight snack
Blaze's POV
Nakakastress yung mga nangyari kay chi, malas talaga sya naniniwala na ko kay Dej
"Kev, hatid mo nalang ako sa milt convinience store, magpapalamig lang"
"Ok."
Nag iisa nalang yung Magnum, bakit kaya walang stock? Swerte ko naman, may natira pa para sakin
"Bitiwan mo yan" - babae
Sabay kasi naming nahawakan yung Magnum, pero nauna naman ako dito.
"Hey! Ako nauna" - hinila ko yung Magnun, pero di nya nabitiwan.
"Hep! Hep! Hep! Akin to! Maging Gentleman ka naman" - hinila nya yung Magnum.
"Akin nalang to para wala na kayong pag awayan" - May isang lalaking kumuha ng Magnum sa kamay namin.
"Ayan ikaw kase!"- sabay hampas sa braso ko, habang nakatingin sa lalaking yun.
"Ako pa may kasalanan?"
"OO! HAMPASLUPANG GARAPATA!" - Nag roll eyes sya tapos kumuha ng 1 galon na icecream.
Parang palaban ang babaeng yun ah? Sino kaya yun, mukhang magkakasundo kame :) tingin nyo?
Kumuha nalang ako ng Chucky xD sa chucky lang nauwi ang Magnum ko.
"Wazzup" - may umupo sa table ko, mismong table ko!
"Wazzup ka din"
"Wow! Ikaw pa may ganang magalit jan?" - sabay upo sa katapat na upuan ko.
"Kaya mong ubusin yan?" - grabe, may kutchara pang dala, kakaiba talaga to
"Hindi, gusto mo share tayo?" - nilalapit nya sakin yung spoon na may icecream
"Ganyan ka ba sa di mo kilala? Malay mo may sakit akong T.B, o kaya masamang tao like holdaper, snatcher etc.?" - di nya siguro alam yung "don't talk to strangers"
"Hmmm, Pulubi nalang ngayon ang walang T.V? At isa pa masamang tao ka talaga ramdam ko yun, holdaper? Snatcher? Or something, nabili ng icecream at Magnum pa?"
"I said T.B not T.V! "- "ganda pa naman ang slow lang" - i wispered
"T.B? Sorry, nagagalit agad! Gwapo pa naman, sayang"