CHAPTER 1
*MARAH MAE POV
"Ahm, excuse me po ate?" Napaangat ako ng tingin mula sa pag-e-scroll sa aking facebook account habang nakaupo dito sa waiting shed na nasa harapan ng aking bahay.
Nasa gitna ito ng mga nakatanim kong mga bulaklak, it's a bamboo waiting shed. I personally design it and I love the outcomes. I love swings and I want it to be a unique one, it's like waiting shed swing. May upuan sa magkabilaan pero pwedeng gawing swing habang ang bubong ay gawa rin sa bamboo.
Hindi ko napansin na may isang teenager na lumapit sa'kin at parang nahihiya itong nakangiti sa'kin. Kilala ko ang batang 'to, anak ito ng kapitbahay ko na nasa tapat lang ng aking bahay.
Tumayo ako at bumaba mula sa'king inuupuan at hinarap ang hindi inaasahang bisita.
"Yes? May kailangan ka?" Nakangiting tanong ko. Baguhan lang ako rito kaya hindi ko pa alam ang mga pangalan ng kapitbahay ko.
Isang linggo pa lang ako rito at abala ako sa pag-aayos ng mga gamit at paglilinis ng bahay kaya wala pa akong time para makipag-usap sa aking mga kapitbahay.
"Ahm, sorry for disturbing you po pero itatanong ko lang sana kung may load ka po ba?" Nahihiyang tanong nito at napapakamot sa kaniyang batok. "Kung pwede ho sana makitext? Wala po kasing load ate, importante lang po talaga. Kasi hindi rin online si daddy."
Nakangiti ko namang inabot ang cellphone ko. Hindi kasi ako nauubusan ng pantawag o pangtext. Palagi nakaregister ang simcard ko sa 1 month unlicall and unlitext.
"Heto, tawagan mo nalang ang daddy mo para sigurado."
"Hindi nap o ate, mababasa niya rin 'to, baka kasi ma-storbo ko ang meeting nila." Napatango nalang ako nang ngumiti itong tinanggap ang cellphone ko. "Salamat po."
"Walang anuman."
Iginala ko ang tingin ko sa kanilang bahay, wala itong kahala-halamang namumulaklak. Puro green lang, iyon lang mga halaman na hindi namumulaklak, parang walang babaeng nakatira sa kanilang bahay. Pero sabagay, hindi naman lahat ng babae ay gusto iyong mga bulaklak na namumulaklak. Ako kasi mas gusto ko pa rin iyong mga halamang namumulaklak, ang tanging hindi namumulaklak na halaman ko ay iyong mga succulents na talagang inorder ko pa sa Baguio dahil maraming rare.
Nakahiligan ko ang pagtatanim at pag-aalaga ng bulaklak dahil kay mama. Mama. Ipinilig ko ang ulo ko nang maalala ko si mama at napatingin sa bintailyong nasa harapan ko na tantiya ko nasa seventeen years old ito. Nakita ko rin ito noong nakaraang araw na nakasuot ng uniform at kasabay niya ang kaniyang nakababatang kapatid na babae na palagay ko ay High school pa.
"Ito po ate,, salamat po ulit." Inabot ko kaagad ang cellphone ko at nginitian siya. "Sinabihan ko na rin po si daddy na huwag nang magreply pos a inyo kasi naki-text lang po ako."
"Okay. Walang anuman." Napangiti kong sagot. Hindi ko mapigilang ngumiti nang ngumiti sa batang 'to, napakagaan kasi ng loob ko sa kaniya.
"Sige po ate, balik po muna ako sa loob. Salamat po ulit." Paalam nito at nginitian ko rin pabalik saka kumaway ng bahagya.
Umayos ako ng pagkakaupo at maging ang dalawang unan na nasa magkabilaan ko ay inayos ko rin. Nakasanayan kong humiga rito tuwing hapon dahil hindi naman mainit. Nakaharap sa silangan ang bahay ko kaya tuwing hapon ay hindi na mainit sa parting ito. Inaantok na rin ako at napagod ang katawan sa pag-rereplant ng mga halaman ko at pagtatanggal ng mga damong unti-unti ng yumabong.
YOU ARE READING
I LOVE YOU, Mr. Neighbor
RomanceMarah Mae is an independent woman. At the age of twenty nine, she's still single at handa na siyang tumandang mag-isa. May sariling bahay at negosyo na ang dalaga. Nakatatak sa kaniyang isipan na hindi na niya kailangan ng lalaki sa buhay dahil mas...