CHAPTER 2
"Ano bang nakain ng lalaking 'to?" asar kong tanong sa'king sarili nang mabasa ang messages ng teenager na lumapit sa'kin kanina.
'Akala ko ba nasabihan na niya ang kaniyang daddy na huwag nang magreply? Pero ano 'to?' nanggigigil kong bulong.
Hindi ko naman sinasadiyang nabuksan 'to dahil akala ko scammers lang tapos reply lang pala ng kapitbahay ko. Nabasa ko ngang may sinabi ang anak niyang huwag magreply dahil hindi niya dinelete ang iti-next niya sa daddy niya.
"Oh?! May sakit ang kapatid niya?" Bulalas ko at binasa ang reply ng kanilang ama at hindi pa raw ito makakauwi kaagad dahil may emergency sa trabaho. Napapalatak ako. Hindi ba siya nag-aalala para sa kaniyang anak na may sakit?
Napapikit ako ng mariin at hindi napigilan ang sariling tumayo para e-check ang mga bata dahil nag-aalala rin ako. Alam ko, hindi madali para sa kanilang dalawa ang sitwasyon nilang dalawa dahil parehong mga bata pa.
Tumawid ako ng kalsada at nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kanilang bahay ay walang pag-aatubiling kumatok ako. Hindi naman katagalan ay may nagbukas, iyong teenager kanina.
"Hi?" bati ko kaagad nang pagbuksan ako at bahagya pa itong nagulat nang makita niya ako. " Ahm, nagreply kasi ang daddy mo at hindi ko sinasadyang mabuksan." I wrinkled my nose at ngumiti sa kaniya ng alanganin.
"Hala! Pasensiya nap o ate. Sinabihan ko na si daddy kanina eh! Kaya pala hindi nagtext o tumawag man lang sa'kin." Kakamot-kamot sa ulong tugon nito.
Bahagya akong sumilip sa loob at hinahanap ang kaniyang kapatid. "Ah ito, tawagan mo nalang ang daddy mo." Sabay abot ng cellphone ko.
"Salamat po ate." Kinuha naman niya ang cellphone ng walang pag-aalinlangan. "Tuloy ka po muna ate. Ayo slang po ba kung tawagan ko si daddy?"
"Sure! No problem."
"Pasok ka po." Niluwangan niya ang pagbukas ng pintuan. Pumasok naman ako saka siya sumunod habang dina-dial ang numero ng kaniyang ama. "Upo ka muna ate habang tinatawagan kop o si daddy."
Umupo naman ako sa couch na malapit sa pintuan at iginala ang paningin. Malawak ang kanilang sala hindi katulad ng bahay ko na sinadya ko talagang huwag palawakin dahil ako lang naman mag-isa.
Pagpasok sa kanilang bahay ay sala kaagad ang masasalubong mo. May isang flat screen LG TV na nasa 42 inches habang may daalawang couch na nasa tapat ng television na kulay brown. May single sofa na magkatapat na nasa kaliwa at kanan. Sa palagay ko ang nasa likurang bahagi ng pader na pinagdikitan ng television ay Dining Area. Sa left side naman ay may isang blue carpeted stairs papuntang second floor.
Mapapahanga ka talaga sa kanilang bahay dahil nang tumingala ako ay may chandelier na tila isang ugat ng puno na nilagyan lang mga bulbs. Napapansin ko sa bahay na ito ay mahilig sa mga makalumang bagay ang nagmamay-ari.
"Ate, salamat po. Sabi ni daddy sorry daw kasi hindi niya napansin na hindi pala akin ang number na ginamit." Ngumiti lang ako bilang sagot at inilibot ang paningin.
"Nasaan pala ang kapatid mo?"
"Nasa itaas po ate, may lagnat kasi." Malungkot na sagot nito.
"May sakit? Bakit hindi dinala sa hospital? Nakainom na ba ng gamot?" Nag-aalala kong tanong at tumayo para handa ng umalis.
"Opo ate. Ayaw namin siyang dalhin sa hospital ate eh, may trauma kasi siya dahil sa nangyari kay mommy." Nang binanggit niya ang kaniyang mommy ay parang mas lumungkot ito.
YOU ARE READING
I LOVE YOU, Mr. Neighbor
RomanceMarah Mae is an independent woman. At the age of twenty nine, she's still single at handa na siyang tumandang mag-isa. May sariling bahay at negosyo na ang dalaga. Nakatatak sa kaniyang isipan na hindi na niya kailangan ng lalaki sa buhay dahil mas...