Mula pagkabata hanggang gumraduate ng highschool, ni minsan 'di ko pa naranasang humanga o magkacrush.
Natawag na akong tomboy, abnormal at kung anu-ano pa'y 'di ko talaga mapilit ang sarili kong humanga sa mga kaklase ko o kaeskwelang lalaki. As in, legit talaga na kapag may itinuturo ang mga kaklase at kaibigan ko na 'gwapo' lagi nalang nila akong napapagalitan dahil lagi rin akong may napipintas sa pisikal na itsura o 'di kaya'y sa ugali. Hindi naman ako judgmental, siguro, hindi lang talaga nakakaattract sa paningin ko yung mga totoy na ang gagara pumurma, gala dito, gala doon tas olats naman kapag usapang eskwela at responsibilidad.
Alam kong hindi ako kagandahan, di rin mabait, wala rin akong katalent-talent, lalong-lalo na sa patalinuhan, nga-nga. Kumbaga, 'average' lang sa lahat ng bagay. Pero di ko kinakahiya na konti lang ang kaya ko, dahil napasobra naman si lord sa pagbibigay sakin ng mahaba-habang pasensya kaya natututunan ko ring pag-aralan ang mga bagay-bagay.
So, yun nga, 19 years old na ako't NBSB pa rin. Hindi man ako kagandahan ay hindi rin naman siguro ako ganun ka pangit, may mukha pa rin naman ako na kung ang parents ko ang tatanungin ay, maganda, charzz.
May nagkakagusto pa rin naman sa akin kahit papaano, kaso, kahit GO yung parents ko sa jowa-jowa na yan, choosy ang lola niyo, may pa 'study first' at 'pag-18 na ako' keme pang nalalaman eh takot lang pala magcommit kaya hanggang fling-fling lang na di rin lumalagpas ng two weeks. Full of insecurities kasi, may sungki-sungki pang ngipin ta's jeje na pormahan, oh diba. Takot lang pala masaktan, takot mareject, takot maluko, takot mapagkaisahan. Ewan ko kung saan ko nakukuha tong mga hugot ko sa buhay, siguro dahil sa kakawattpad ko ito.
So yun nga, nag 18, 19, at next year magt-twenty na ako nga-nga pa rin. Mas mauuna pa atang magkaboyfriend yung bunso kung kapatid sa akin. Unti-unti ko na ring tinatanggap sa sarili ko na magiging matandang dalaga ako at hindi mararanasang magkajowa o kahit magkacrush man lang.
But then, here comes college, my freshmen days have passed so fast kasi nasa bahay lang naman dahil online class. Ganun lang rin sana ang mangyayari for my second year kaso, full face-to-face classes happened. Syempre, I needed to travel and stay near my university para less hassle and to save money na rin since almost two and half hours ang byahe and worth two hundred pesos ang fare per trip.
Like I said, wala na talaga sa plano ko ang humanap ng kahit crush man lang kasi alam ko sa sarili ko na iba ako magkagusto, I get curious and obsessive to know everything about the person or things I like, but then mabilis rin akong magsawa lalo na kapag may nalalaman akong hindi maganda or turn off about sa kanya.
Finally, at 19, my eyes, ay no, peripheral vision lang pala, laid on someone I know I should stay away from to avoid conflict, because he's a Muslim, and his values and beliefs differ from mine, a Roman Catholic.
YOU ARE READING
In The Rough
Randomrandom thoughts | It is still in the rough; it will come to me eventually.