IV.

2 0 0
                                    


PE na naman at yamot na yamot na ako kakahanap kung sino-sino ang mga kaklase ko. Napapabuntong hininga na lang ako kapag naiisip na isang oras ulit ako maghihintay mag-isa sa bleacher. At dahil wala ang professor ko ay mahigit isang oras akong vacant at may 30 mins break pa ako para makapagreview dahil may quiz sa last class kaya hindi na ko nagdalawang-isip na maglakad pauwi sa apartment ko.

I was taking my time walking on that long and broad covered walk. Nakakahingal nga lang kapag pauwi na kasi paakyat na yung daan kaya hinay-hinay ako sa paglalakad at ayokong pagpawisan dahil mas lalo lang akong maiinitan, nakasuot pa naman ako ng jacket.

Malapit na akong makaabot sa dulo ng makita ko ang pamilyar na bulto, and that damn red bag. Gagii dapat pala mas inagahan ko ang pagdedesisyon na umuwi, charot ulitt. Ang gwapo talaga ng tindig niya, yung confident lang siyang naglalakad na walang halong yabang, kumbaga serious and lowkey type yung datingan niya.

Sakto pa at huminto ta's umupo siya sa labas ng gym, I guess PE niya rin, tapos doon rin ang daan ko, so as usual parang wala lang akong dumaan sa harap niya. Then, I realized na mas maganda palang magreview sa bleacher kaya bumalik ako sa dinaanan ko at sumulyap ng konti, pampagana, charoott, tas naglakad na parang wala lang sa harap niya papuntang grandstand.

At kahit ako lang mag-isa ay ganado akong nagreview sa loob ng dalawang oras. Yun nga lang, napasobra ata pagrereview ko, napagbaligtad ko pa tuloy ang ibang mga terms, namali tuloy ng tatlo. Hehe.

In The RoughWhere stories live. Discover now