Days passed na baliw pa rin ako sa kanya, though I intended to keep it a secret, nalaman ng mga kaibigan ko. Siguro kasi bigla-bigla nalang akong namumula kapag nadadaanan namin siya or dahil siguro sa mga mata ko na tumatalim ang tingin kapag pinag-uusapan nila kung sino-sino yung nagkakacrush sa kanya. Ewan, kahit crush ko lang kasi siya ayaw kung may nagkakacrush din sa kanya. Possessive much, di'ba? 'Kala mo girlfriend. Pero nakatulong naman ng konti yung pambibisto nila sa akin kasi I can openly say na siya yung crush ko.
Then here comes our college foundation, since included ang sports competition sa mga activities, may friends decided to have a little bit of fun and started practicing volleyball. Ayos na sana eh, ang saya ko na sana, kaso bigla naman siyang dumaan sa may covered stairs na malapit sa area kung saan kami naglalaro na may kasamang girl. I don't know if classmate lang or friend, but nasaktan ako ng very light. Kasi di'ba obsessive ako, alam kong toxic, pero hindi kasi usual sa mga Muslim na magsabay ang opposite gender, tapos ang lapit pa nila sa isa't-isa, so I overthinked, na baka girlfriend niya or worst, fiance.
And I know my self very well, though possessive and obsessive ako magkagusto, I never really thought na mang-agaw. I have this principle na kapag crush ng kaibigan, 'wag mong sulutin. Kung may girlfriend, 'wag nang gustuhin. And so I did, that day I told my self na I'll get over him, through and through.
YOU ARE READING
In The Rough
Randomrandom thoughts | It is still in the rough; it will come to me eventually.