Alas dose ng madaling araw noon nang bigla akong mapabangon mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Agad akong napahawak sa aking dibdib at hinahabol ang aking hininga. Isang minuto rin akong huminga noon at dinig na dinig ang mabilis na pagpintig ng aking puso. Pinapawisan pa ako noon na para bang nasa oven ako pero ang nakakapagtaka ay nakabukas naman ang aircon.
Bumangon ang partner ko at saka hinawakan ang aking likod. Kinamusta nya ako kung okay lang ba ako.
"Matulog ka na Adrian, may pasok ka pa mamaya.." sabi sakin ni Ashley at saka sya bumalik sa kanyang pagkakatulog.
Muli na namang tumahimik sa kwarto namin na yun at medyo umayos na ang paghinga ko. Bumalik na din sa normal ang pintig ng puso ko.
Kinuha ko yung kumot sa tabi ko at saka pinunas sa mukha ko. Pagkatapos noon ay saka ako bumalik sa aking pagkakahiga. Deretso ako nun nakahiga habang nakatitig sa kisame. Napakadilim pa sa kwarto namin na yun at ang tanging ilaw na nagpapaliwanag samin ay ang lampshade sa tabi ng higaan.
Pero ano nga ba ang napanaginipan ko? Bakit tila kinakabahan ako nang bumangon ako at saka pinagpapawisan ako? Hindi naman ako nilalagnat. Nagtataka pa rin ako ng mga oras na yun at sinusubukan kong alalahanin yung napanaginipan ko.
Isang maliwanag na ilaw ang tumapat sa aking mga mata na sobrang nakakasilaw. Maraming bumubulong sakin, magkabilaang tenga, sa kanan at saka sa kaliwa. Sobrang bilis ng takbo, pero parang hindi ako makaalis sa pwesto. Sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas sa boses ko.
Nagsalita ang partner ko..
"Adrian, okay ka lang ba?"
Biglang akong napabangon mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Hinihingal ako at sobrang pawis na pawis ang buo kong mukha. Napatingin ako sa asawa ko at kita ko sa mukha nya ang sobrang pagkakaalala.
"May pasok ka mamaya.." sabi sakin ni Ashley.
Hinihingal pa ako noon habang nakatingin sa asawa ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako ng malayong malayo. Gusto ko magsalita nang mga oras na yun pero bakit parang natatakot ako. Binabangit ko ang pangalan ng asawa ko pero hindi ko yun mabanggit ng maayos. Nauutal ako.
Natatakot ako. Meron akong gustong sabihin pero hindi ko masabi. Nakatingin lang ako sa partner ko habang sya ay nakatitig sakin. Ang nakakapagtaka lang ay hindi nagbabago ang emosyon ng mukha nya. Nakatitig lang sya sakin habang paulit ulit nyang sinasabi na, matulog na ako, dahil may pasok pa ako mamaya. Pabilis nang pabilis yung boses ng asawa ko hanggang sa hindi ko na maintindihan ang sinasabi nya Paulit ulit..
Paulit ulit.
Paulit ulit...
Bigla akong natauhan mula sa malalim na pagkatulala at napasigaw ako nang malakas.
"Pinatay ko sya" sigaw ko.
Doon ay unti unti na akong bumabalik sa kasalukuyan kung saan nakaupo ako sa isang upuan at nakaposas ang aking mga kamay.
Nakita ko noon ang isang pulis na nakatingin sa akin ng deretso habang nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa.
Napatingin ako sa paligid. Nasa isang madilim na kwarto kami at nakatapat sa itaas ko ang isang maliwanag na lente ng ilaw.
Nakatingin lang sakin ang lalaki ng mga oras na iyon at ako naman ay patuloy na nagsusumigaw sa iyak habang paulit ulit na sinasabi na "pinatay ko sya". Humihikbi at sobrang nagsisisi ako sa mga nagawa ko na sana hindi ko nagawa yun sa kanya.
Kinabukasan ay pumunta ang mga pulis sa bahay namin at saka kinuha ang bangkay g live in partner kong si Ashley. Nakatago sya noon sa may likod ng cabinet namin na wala nang buhay.
Nakahubad noon si Ashley ng gabing iyon at tila inaatake sya sa puso. Nagpanik ako dahil tumitirik ang mga mata niya. Ang gusto ko lang naman ay maangkin sya ng gabing iyon at nang sya ay di pumayag sa gusto kong mangyari, nagaway kami. Nasipa nya ang pagkalalaki ko at napatikom ako sa sakit. Napaluhod ako sa sakit at saka nagdilim ang paningin ko kay Ashley. Ganun ba ako kadesperado na gusto ko ng may mangyari sa amin? Limang taon na kaming magkasama pero wala pa ring nangyayari. Sabik na sabik na ako sa kanya. Dahil ba sa conservative ang mga magulang nya at laking simbahan sya?
Narinig kong umiiyak noon si Ashley habang hawak nya ang kumot nya. Dahil sa galit ko ay kinuha ko ang kutsilyo at saka pinuntahan si Ashley sa higaan. Dahil sa takot ay inatake si Ashley sa puso. Napatay ko ba sya? Nagpanik ako nang mga oras na yun at isa lang tumatakbo sa isip ko, napatay ko si Ashley. Dahil sa takot ay inatake sya sa puso. Tinignan ko si Ashley na nakatirik ang mga mata at wala nang buhay. Iniisip ko kung pano kung mahuli ako ng mga pulis. Kailangan may gawin ako. Kailangan hindi nila malaman na patay na si Ashley. Kinuha ko ang itak sa may kusina namin at saka pinutol ang mga braso at paa ni Ashley. Isinilid ko iyon sa itim na plastik at saka itinago sa likuran ng cabinet.