CHAPTER 12 __Frst Night

58 6 0
                                    

      Isang malakas na busina ang nagpagulat at nagpagisising kay Wynne, nakaidlip pala siya ng hindi niya namalayan. Napakislot siya at kaagad sinipat ang suot na wristwatch. May dalawang oras din pala silang nagbeyahe. Napatingin siya sa mga magulang ni Bryle nakita niyang deritso lang ang tingin ng mga ito sa labas ng harapang bintana ng kotse. Habang patuloy ang pagbubosina ni Mr. Chivaaree.

            Napalingon siya sa katabi, nakita niyang nakatanaw ito sa labas ng kotse. Ibinaling n'ya muli ang paningin sa harapang bintana. Sumilip siya sa labas. CHIVAAREE'S beach and Swimming pool Resorts, ang kanyang nabasa sa isang maluwang na gate kung saan sila huminto. Siguro dito na ang lugar ng kanilang honeymoon.

         What!  Honeymoon talaga? Haayy! Don't expect to much, self! Hinaplos-haplos n'ya ng kanyang palad ang kanyang mukha at nilinis ng mga daliri ang kanyang mga mata baka kasi may mga muta s'ya. Syempre nakatulog nga s'ya diba? Baka naman naglaway pa s'ya. Yuck! Wag na wag n'yang ipahiya ang sarili n'ya sa pamilyang ito.

            Nag blush s'ya nang paglingon niya muli sa katabi ay nakatingin pala ito sa kanya,  pinagmasdan siya nito. Nailang naman siyang makipagtinginan dito kaya muli niyang ibinalik ang paningin sa labas ng kotse sa harap.

         Isang may edad na lalake ang nagbukas ng gate. At dahan-dahang  ipinasok  ng Daddy ni Bryle sa maluwang na drive way patungong garahe ang kotse.

         Kaagad na bumaba si Bryle  pagkahinto lang ng kotse at kaagad itong lumigid sa likod patungo sa side niya (ni Wynne) at pinagbuksan siya nito ng pinto.
          Wow! Napaka- gentleman huh?!

        "Wynne, baba ka na, narito na tayo," Bryle soft voice na inilahad ang kanang kamay para alalayan s'ya.

               Humawak naman siya sa kamay nito at dahan-dahang bumaba.  Hmmm, pa girl lang ang peg teh?

           Napalinga-linga siya sa paligid. Hindi niya mapigilang humanga sa ganda ng paligid.

          Sa right side ng maluwang na drive way ay naroon ang dalawang maluluwang na swimming pool. Ang isa ay malalim at ang isa ay mababaw, hanggang bewang lang ang lalim nito sa gitna, batay sa tatlong babaeng nakatayo doon, na may mga batang inalalayan sa paglangoy.

          At mga 10 meters mula sa swimming pool ay may mga nakahilirang rooms. Siguro para iyon sa mga nagche-chek-in.

         Sa left side naman ng garahe ay  ang house na may dalawang palapag. Ang unang palapag ay  hinati sa dalawa, sa bandang kanluran ay naroon ang kitchen. At sa   bandang silangan ay parang restaurant o di kaya'y video OK bar. May mga nakahanay kasing mga pang dalawahan at pang-apatang mesa na tinirnohan ng mga silya. May malaking flat screen TV sa sa sentro na malapit sa standing bar. May dalawang bar tender sa loob ng standing bar. And the TV is playing a Karaoke song.

          Napako naman ang kanyang paningin sa mga nakahanay na cottages sa tabi ng dalampasigan na may 25 meters ang layo mula sa kinaroroonan nitong house at swimming pool. Napakaganda talaga! Ang puti-puti ng mga buhangin. At napakalinaw ng tubig dagat. Napakasarap siguro lumangoy doon.
       
          Paakyat na sila sa ikalawang palapag ng bahay kasama ang mommy ni Bryle. Ang daddy naman nito ay nagpaiwan sa baba.

           Apat ang silid na narito sa taas.

           Binuksan ng mommy ni Bryle ang pinto ng silid na nasa dulo. "Alright, ito na ang kwarto n'yo." Ang sabi. "Pasok na kayo sa loob."

         Pumasok naman sila ni Bryle sa loob.

         "OK, magpahinga na muna kayo rito. Ipapatawag ko na lang kayo pag handa na ang hapunan." Pagkasabi'y bumaba na ang mommy ni Bryle.

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon