Chapter Two : THROWBACK

6 1 0
                                    

(A. N ito po yung past namin ni Drake.)

It took one look
Then forever laid out in front of me
One smile then I die
Only to be revived by you
There I was thought I had everything figured out
Goes to show how much I know
'bout the way life plays out

I take
One step away
Then I found myself coming back to you
My one and only one and only you ~

Habang ginagawa ko ang design sa bulletin board namin,ay narinig ko ang kantang My One and Only You by Paroky ni Edgar. And, pamilyar ang boses.. Parang kay.. OH. MY. G! Hinaharana nya ba ko?! Pero sino kaya yung nag gigitara? Di naman sya marunong eh. Hindi ko pa rin nililingon kung sino yung kumakanta at nag gigitara. Pinakiramdaman ko pa rin. Tumingin ako sa magkabilang gilid ko pero.. Oh ano to? Kanina lang, katabi ko pa sina George and Stacey eh. Hay! I smell something fishy! Dahan dahan akong lumingon. At nakita ko si Drake na papalapit sakin. Sabi na eh. Tama ang hinala kong sya ang kumakanta. Nakita ko rin ang isang Grade 8 na babae na nag gigitara. Tatlo lang kami sa loob ng classroom. Ako, si Drake at yung Grade 8.

Habang palapit ng palapit si Drake sakin ay pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko. Para bang wala nanh bukas. Di ko namalayan tapos na pala yung kanta.

"Hi A-Alex? A-ayos ba? Sorry kung ano ha... K-kung.. Pa-panget boses ko.. Ahm.." pautal utal nyang sabi. Haha ang cute lang.

"Hahaha ayos lang. Ganda nga eh." sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Napakamot naman sya sa ulo nya. Parang may gustong tanungin o sabihin pero nahihiya.

"Ahm, Alex, pwede ba mag tanong?" sabi nya

"Nagtatanong ka na nga eh." sabi ko na may halong sarkastiko. Napangiti naman sya. How cute. That smile tho.

"*ehem* ALEXANDRA FRANCINE WHITE, CAN YOU BE MY GIRL FOREVER AND ALWAYS?" he asked on the top of his lungs. Na-shock naman ako. Luuh. Kailangan talaga i-shout out? Napaisip naman ako. Siguro di naman to mag gagago. 8 months dinnaman to nag court sakin. Siguro loyal naman to. Siguro.

Di ko nalang namalayan na napatango na pala ako at ilang sandali lang ay may narinig akong hiyawan. Ay naku! And there. I saw my besties na nakasilip sa may pinto. Napataas naman ng dalawang kamay si Drake dahil sa tuwa. Hala. Di ko alam kung anong nagawa ko. Sana loyal talaga to sakin si Drake. First boyfriend ko pa naman sya. First and Last. Sana. - 'yan nalang ang nasa isip ko nung mga sandaling iyon.

Sa mga unang araw ng pagiging in-a-relationship ko kay Drake ay maganda naman. I mean, puno ng sweetness, tawanan, holding hands while walking, yakapan, picture-an, phonecalls, hatid sa bahay, chats, jams, inshort, PUNONG PUNO NG SWEET MOMENTS! Yung kulang nalang langgamin kami. Tipong pumapasok nalang kami para makita ang isa't isa at kapag uwian na, ay halos ayaw ng umuwi.

Pero, biglang nagiba ang ihip ng hangin.

January 14-20 : Sweet days Overload
January 21-28 : Nagkakalabuan na (away bati, away bati)
January 29 : Tuluyan nang nabuwag ang inakala naming "Matibay na Relasyon"

Bakit? Kasi naging seloso sya. Supeeeer! Pati nga yung BOY BESTFRIEND kong nagco-court kay Sam ay pinagselosan nya. Haluur?! Insulto yun sakin ah. Ibig sabihin kang kasi nun, WALA SYANG TIWALA SAKIN habang ako, buong buo yung tiwala ko sakanya! Bakit, papatol ba ko sa suitor ng isa sa mga besties ko? Hindi ako flirty noh! Pakshet. Hindi man lang nga kami umabot ng 1st Motmot churva namin eh.

Then, nung hindi ko pa ma-accept sa sarili ko na break na kami at tutal sabi nya rin na hindi pa rin DAW sya nakaka move on samin, eh naging mag On uli kami. Labo namin noh?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wishing We Could Start AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon