Kabanata 4
Cielle
"Sir Keeno, do you want another cup?"
He jerked his head while his gaze remained glued on the document he's reviewing. "Yes, please. Thank you."
Lumapit ako sa coffee counter at iginawa siya ng bagong tasa ng kape. Nang matapos ay bumalik ako sa kanyang mesa, ngunit nang ilapag ko ang tasa sa desk ay umilaw ang phone niya.
Hindi ko naman sinasadyang mabasa ang chat ng kaibigan niyang si Whiskey Anadalio. Sir Whiskey mentioned about Sir Keeno's ex, but Sir Keeno just ignored the chat and picked up the coffee cup.
"Thanks."
I simply nodded. "Mamaya na pala ide-deliver sa venue ang mga mesa't upuang gagamitin, Sir. The organizers will start decorating the area tomorrow morning."
"Good. Ready na ba ang dress mo? Were you able to pick it up?"
Tumango ako. "Kaso bakit naman sobrang mahal no'n, Sir?"
Kumunot ang kanyang noo. "How come?"
"Sabi ni Miss Chaya ay roughly three hundred thousand para sa ganoong damit lang?"
"My suit is nearly half a million. It's not that expensive."
I let out a silent breath. Bakit ko pa nga ba iniintindi iyon gayong magkaiba nga pala kami ng depenisyon ng mahal?
Sabay kaming napatingin sa pinto nang pumasok si Sir Kreige na may kalmot sa pisngi. Nagsalubong tuloy lalo ang noo ni Sir Keeno lalo na nang makumpirmang dugo nga iyong nasa pisngi ni Sir Kreige.
"What happened to you?"
Kreige sighed. "I had to buy a cat. Iyong pinakamatapang."
"For what?"
"Mahabang kwento." Hinilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha. "Do I need to get vaccinated kahit fully-vaccinated naman ang pusang kumalmot sa akin?"
"I'm not a doctor, Kreige. Go to a hospital just to be sure," tamad na sagot ni Sir Keeno bago hinawakan ng dalawang kamay ang tasa ng kape na animo'y takot na may mang-agaw na naman ng kape niya.
Bumuntong hininga si Sir Kreige. "Bakit ba kasi ang lakas ng trip ng mga babae kapag naglilihi?"
"Why? Who's pregnant?"
Sir Kreige heaved another sigh. "Wala ka na ro'n," aniya bago lumabas ng opisina. Nang sumara ang pinto ay nagkatinginan na lamang kami ni Sir Keeno.
He put his coffee cup down before he sighed. "Why do they keep on popping in here just to drive me crazy?"
Napangisi ako. "Alam mo namang stress ball ka ng mga kapatid mo, Sir ngayong sensitive pa ang sitwasyon ni Sir Klinn."
Napailing-iling na lamang siya saka na inintindi ang mga kailangan niyang i-review at pirmahang dokumento. Bumalik na rin ako sa sarili kong opisina at inabala ang sarili sa mga kailangan pang ayusin sa kasal nina Sir Klinn at ng girlfriend niya.
Mayamaya ay umalingawngaw ang cellphone ko. Nang makitang ang pinsan kong si Angel ang tumatawag ay sandali akong bumuntong hininga bago ko sinagot ang tawag.
"Hello, Angel?"
"Cielle! Salamat at sumagot ka. Ano kasi, nakita ko 'yong damit mo sa bahay ninyo. Parang mahal. Pwede ko ba 'yon gamitin mamaya?"
"Naku, hindi pwede, Angel. Kailangan ko 'yon sa kasal bukas."
"Kaninong kasal?"
"Basta. Confidential."
BINABASA MO ANG
DUCANI LEGACY SERIES #3: KEENO (Exclusively Available In The VIP Group)
RomanceCielle had an accidental one-night-stand with her boss of two years after they got drunk during Keeno's brother's wedding celebration. Afraid that Keeno would fire her once he finds out that she was the woman he slept with, Cielle seeks her cousin's...