Pangarap

0 0 0
                                    

Pangarap, may mga ilang katanungan tungkol dyan kagaya ng

Bakit nga ba tayo nangangarap?

Bakit ba may pangarap?

Ano ba ang pangarap?

Ilan yan sa mga tanong ng ilang tao sa kanilang sarili o sa ibang tao.

Para sa akin ang pangarap ay Isang inspirasyon ko sa buhay at sa mga bagay na gusto kong gawin sa aking paglaki.

Kagaya ng gusto kong maging magsusulat.

Di ba tinatawag natin yang pangarap sa buhay

Tanong, bakit nga ba tayo nangangarap?

Dahil yan ang nagsisilbing ilaw na naging gabay natin sa ating paglaki o anong gusto nating maabot.

Bakit may pangarap? O Ano ba ang pangarap?

Para sa akin iisang tanong lang yan na may iisang sagot.

Bakit nga ba? Kasi isa Ito sa mga inspirasyon natin sa buhay para mas Lalo tayong magpursige na makuha ang Isang bagay na ninanais natin.

Ang pangarap ay isang gintong paro paro na ninanais nating mahuli o makuha balang araw. Naging gabay din ito patungo sa ating kinabukasan.

Ano ang pangarap? Sana nasagot ko ang katanungan na yan.

Write by Shine

My WordsWhere stories live. Discover now